Napamura na lang si Eliza sa isipan niya matapos na marinig ang sinabing 'yon ni Nico sa kanya. Kung ano ang sinasabi ni Alexander sa kanya ay ganoon rin ang sinasabi nito sa harapan niya. Kaya siya nagsasalita para patunayan na rin na totoo nga ang sinasabi ng boss niya upang maniwala na talaga si Eliza na binenta na siya ng kanyang sariling tita kay Alexander.
Napatakip si Eliza ng kanyang mga labi sa narinig niyang 'yon. Ramdam niya na totoo ang sinasabi ni Nico sa harapan niya. She couldn't speak after that. Nanlalambot ang kanyang mga tuhod sa nalaman nga niyang 'yon mula sa dalawang lalaki na nasa harapan niya lalo na kay Alexander na boss na bumili sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa dalawa. "Now you heard him, Eliza. He's defending me not just because I'm his boss, but that is the truth. Iyon ang totoo. Hindi ako nagsisinungaling sa harapan mo. Mismong personal assistant ko na ang nagsasabi sa 'yo. Kung ano ang sinabi ko ay ganoon rin ang sinabi niya sa 'yo. Baka isipin mo pa na nag-usap kami kanina bago ka pataasin dito para paniwalain ka ngunit sasabihin ko sa 'yo na hindi namin ginawa 'yon. We didn't do that, okay? Sinabihan ko siya na papuntahin ka dito sa opisina ko pero hindi namin pinag-usapan ang bagay na 'yon. Totoo ang sinasabi namin sa 'yo kaya madali namin na nasasabi sa 'yo, Eliza. You have to accept the truth that your aunt sold you to me because she needs money. Alam mo na 'yon, huwag ka nang magtanong pa kung bakit nagawa niya 'yon sa 'yo. Imposible man nga na iwan ka niya na hindi ka sabihan ngunit plano na talaga niya 'yon. Gagawin talaga niya 'yon nang hindi mo inaasahan na gagawin niya sa 'yo na pamangkin niya at kadugo. Wala ka nang choice, Eliza. Wala na. This is the reality na binenta ka na niya sa akin. Sorry to tell you about it," sabi ni Alexander kay Eliza. Wala pa ring sagot si Eliza matapos ang sinabing 'yon ni Alexander. Naramdaman niya ang pagbigat ng kanyang dibdib sa nalaman niya. Unti-unti na nga niyang pinaniniwalaan ang sinabi ni Alexander sa kanya. Nagsasabi nga ito ng totoo at 'yon ang paniniwalaan niya. Totoo ngang binenta na siya ng kanyang Tita Linda sa guwapong bilyonaryo na si Alexander kaya wala na ito sa opisina nito na inaasahan niya na nandito pa sana ngunit kabaliktaran ang inabutan niya kanina pagkapasok niya sa loob. Hindi naman nga si Eliza nagtataka na binenta na nga siya ng kanyang Tita Linda dahil sa kailangan na talaga nila ng malaking halaga ng pera para sa gagawin na operasyon para sa asawa nito na Tito Arthur niya. Pinipigilan niya ang maluha sa nalaman niyang 'yon. Ang kinasasama lang talaga ng loob niya ay bakit ginawa 'yon na wala siyang kaalam-alam. Pinangakuan pa siya nito na babalikan sa sala ngunit hindi naman ginawa nito. In short, nagsinungaling sa kanya ang Tita Linda niya. Hindi lang ito nagsinungaling sa kanya. Niloko pa siya nito. Naisip na tuloy niya na kaya siguro ayaw magsalita tungkol sa pupuntahan nila ang Tita Linda niya dahil sa plano nga nitong ibenta siya. Ngayon na naibenta na siya at may pera na ito ay iniwan na siya. Naglaho na ito na parang bula. Kailangan na kailangan nila ng pera ngunit hindi naman siguro kailangan na dumating sa punto na ibenta siya nito lalo na pamangkin siya nito. Magkadugo silang dalawa. Isa pa 'yon sa kinakasama ng loob ni Eliza sa Tita Linda niya. Katwiran pa niya sa isip niya habang tahimik siyang nakatayo sa harapan ng dalawang lalaki na kahit galit ang Tita Linda niya sa kanya at siya ang sinisisi nito kung bakit naaksidente ang Tito Arthur niya ay hindi pa rin tama ang ginawa nitong ibenta siya. Hindi naman siya isang kagamitan, hayop o ano pa na puwedeng ibenta na lang nang ganoon kabilis. Tao siya, hindi siya ganoon. Maling-mali ang ginawa ng Tita Linda niya na ibenta siya kahit kailangan na kailangan nila ng pera. Wala pa naman siyang kaalam-alam na gagawin 'yon sa kanya nito. "Tapos na 'yon, Eliza. Wala ka nang magagawa pa. Binenta ka na talaga niya sa akin. Kailangan mo nang tanggapin ang katotohanan na 'yon, okay? I'm so sorry to tell you this but the truth is here. You heard it, right? She's gone now. Umalis na siya dala-dala ang perang binigay ko bilang bayad sa pagbenta niya sa 'yo," sabi ni Alexander sa kanya na tahimik pa rin kahit ilang segundo na ang lumipas. Masamang-masama ang loob ni Eliza sa kanyang Tita Linda. Hindi niya inaasahan na gagawin nito 'yon sa kanya. Magagawa pala 'yon sa kanya ng sariling tita niya na kadugo niya. Sinubukan na ikalma ni Eliza ang kanyang sarili dahil baka kung ano ang mangyari sa kanya kapag hindi niya ginawa 'yon. Huminga siya nang malalim at dahan-dahan na ibinuka ang mga labi para magsalita na kay Alexander. Hinihintay nito ang sasabihin niya. "Naniniwala na po ako sa sinasabi n'yong dalawa lalo ka na po, Sir Alexander. Naniniwala na po ako pero—" "Pero ano, Eliza? Mabuti naman kung naniniwala ka na sa akin kung ganoon," mabilis na wika ni Alexander sa kanya. "Bakit ka po pumayag na ibenta niya ako sa 'yo, huh? Puwede ka naman po na tumanggi kahit sabihin natin na gusto talaga niya akong ibenta, 'di ba? Sa tingin n'yo po ba ay tama 'to? Hindi po. Hindi po 'to tama na ibenta ang isang kagaya ko na tao. Hindi po ako hayop o gamit. Alam n'yo po 'yon lalo ka na, Sir Alexander. Hindi po 'yon tama! Tumanggi ka na lang po dapat sa kanya para hindi na ako nabenta niya nang tuluyan," sagot ni Eliza sa kanya na hindi natutuwa sa mga nangyayari sa kanya. Alexander sighed deeply and said, "I know. You have a point but I need to help her. Kailangan na kailangan niya ng pera kaya pumayag na lang ako sa nais niyang mangyari na ibenta ka sa akin. Naaawa ako sa kanya. She needs money for her husband. Tinulungan ko siya, Eliza. Tinulungan ko siya sa paraan na 'yon. Hindi kita tinuuring na hayop o bagay. You're a human being. Tao ka, Eliza. I'm sorry to say this. Wala ka naman magagawa pa, eh. Nangyari na. Binenta ka na niya sa akin. Binili na rin kita at nandito ka na. You have to stay here in my mansion. Hindi ka na puwedeng bumalik pa sa inyo. Dito ka na sa mansion ko. Pagmamay-ari na kita, Eliza." Kinilabutan si Eliza sa mga narinig niyang sinabi ni Alexander sa kanya. Kailangan na lang niya na manatili sa mansion ng guwapong bilyonaryo na si Alexander. Hindi na siya puwedeng bumalik sa kanila. Pagmamay-ari na siya ni Alexander. "A-Ano po? Dito na ako sa mansion mo mananatili? Hindi na ako puwedeng bumalik sa amin? Pagmamay-ari mo na po ako? Wala pala akong pinagkaiba sa mga hayop o bagay nito kahit sabihin mo na hindi, eh. 'Di ba ganoon ang mga hayop o bagay na kapag binili na ng kung sino man ito ay pagmamay-ari na nito? Tama ako sa sinasabi ko, 'di ba po?" nadidismaya na protesta ni Eliza kay Alexander. Tumango muli ito sa harapan niya bago muling nagsalita sa kanya. "Oo. Dito ka na sa mansion ko mananatili, Eliza. Hindi ka na puwedeng bumalik pa sa inyo at alam mo na kung bakit hindi. Pagmamay-ari na kita. Uulitin ko sa 'yo ha, hindi ka hayop o bagay. Sadyang ganoon nga parehas ngunit hindi ka naman hayop, bagay o ano pa. Tao ka pa rin, Eliza," sabi pa ni Alexander sa kanya. Napakuyom si Eliza ng kanyang kamao sa inis. "Hindi. Hindi po ako mananatili dito sa mansion mo, Sir Alexander. Uuwi po ako sa amin. Pupuntahan ko po ang Tita Linda ko sa ospital dahil sigurado ako na nandoon siya. Hindi mo po ako pagmamay-ari. Diyos lang ang puwedeng magsabi n'yan sa akin o kaya ang mga magulang ko kung buhay pa sila, hindi kagaya mo!" singhal ni Eliza kay Alexander. Nag-iinit na rin ang ulo niya dahil sa mga nangyayari sa kanya. "Hindi mo gagawin 'yon, Eliza. Hindi ka na babalik pa sa kanila. Hindi mo na rin sila puwedeng—" "Aalis po ako dito sa mansion mo, Sir Alexander! Pupuntahan ko ang Tita Linda ko! Kakausapin ko siya tungkol dito!" singhal pa ni Eliza kay Alexander. "Eliza, huwag ka nang magmatigas o ano pa please. Pagmamay-ari na kita simula ngayon. Dito ka na sa akin sa mansion. Ako na ang makakasama mo, hindi na ang pamilyang 'yon na kasama mo. Hindi ka na puwedeng umalis pa dito. Kahit magtangka ka man na umalis ay wala ka nang kawala pa. Hindi ka na makakalabas pa sa mansion ko. May mga guards kami sa labas. Mataas ang bakod at hindi mo kayang akyatin 'yon para tumakas. Mapapahamak ka lang kung gagawin mo 'yon. Tanggapin mo na lang ang katotohanan na binenta ka na ng Tita Linda mo sa akin at 'yon ang totoo. Dito ka na titira sa mansion ko. Wala ka naman kailangan na problemahin o ikatakot dahil ligtas ka sa mansion ko. Wala kaming gagawin na masama sa 'yo. Your life will be better here. Hindi ka na maghihirap pa kagaya ng buhay na meron ka. Kung ano ang gusto mo ay ibibigay ko sa 'yo. Huwag kang mahiya. Gusto mo ng mga damit, alahas o kahit anong gamit sa katawan ay ibibigay ko sa 'yo. Kahit humingi ka ng pera ay ibibigay ko. Feel at home, Eliza. 'Wag mo nang isipin pa ang Tita Linda mo o kung sino pa dahil hindi mo na dapat sila iniintindi. Kalimutan mo na sila, okay? Your life has changed now because of me, Eliza," paliwanag ni Alexander kay Eliza. Sinabi lang ni Alexander sa kanya ang nararapat niyang malaman ngayon na sa mansion na siya manatili sapagkat pagmamay-ari na siya nito. "Sumunod ka na lang sa lahat ng sinasabi sa 'yo ni Sir Alexander, Eliza. Dito ka na titira sa mansion niya. Wala naman mangyayaring masama sa 'yo dito. You're safe here. Magiging maayos ang buhay mo dito. Huwag ka nang bumalik pa sa inyo. Binenta ka na ng Tita Linda mo kay Sir Alexander, remember? Pagmamay-ari ka na niya. Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ito ang kapalaran mo na ibenta ka ng Tita Linda mo sa isang kagaya ni Sir Alexander na guwapo na, bilyonaryo pa," sabi naman ni Nico sa kanya. Masamang tinapunan ng tingin ni Eliza si Nico. "Ayaw ko! Aalis ako dito! Ayaw ko na tumira sa mansion na 'to. Wala akong pakialam kung bilyonaryo siya," sagot ni Eliza kay Nico na dinuduro-duro pa si Alexander. "Gusto ko bumalik sa lugar kung saan nandoon ang mga taong mahal ko!" Alexander heard it. He cleared his throat before he speaks to her. Hindi na nagsalita si Nico. Tumahimik muli ito para makinig sa kanila. "Gusto mong bumalik sa kanila, Eliza. Gusto mo na makasama sila. Gusto mo na puntahan ang Tita Linda mo para kausapin. Gusto mo na umalis dito sa mansion ko. Kaya ko na payagan o hayaan ka na umalis ngunit isipin mo ang perang binigay ko sa Tita Linda mo na bayad sa pagbenta niya sa 'yo sa akin. Isipin mo 'yon. Kapag ginawa mo 'yon na bumalik sa kanila ay doon ka na muli syempre. Paano na ang perang binigay ko sa Tita Linda mo? Maibabalik pa ba 'yon sa akin, huh? Hindi naman, 'di ba? Wala na at parang niloko lang n'yo ako n'yan na mag-tita, Eliza. Kung gusto mo na bumalik sa kanila ay kailangan na ibalik mo muna ang perang binigay ko sa Tita Linda mo papayagan kita kahit anong oras. Kung hindi mo kayang ibalik 'yon sa akin ay manatili ka na lang na nandito sa mansion ko bilang kapalit o kabayaran sa perang binigay ko sa Tita Linda mo. Isipin mo ang sinasabi kong 'to para maliwanagan ka kung sakaling hindi ka naliwanagan, Eliza," seryosong sabi ni Alexander kay Eliza na hindi nakapagsalita matapos niyang marinig ang sinabing 'yon nito sa kanya.Habang lumilipas ang oras matapos na malaman nilang dalawa ang magandang balita na 'yon ay natatanggap naman nga ni Eliza ang katotohanan na buntis nga siya. Nagbunga ang pagmamahalan nilang dalawa ng boyfriend niya na si Alexander. Hindi pa rin siya makapaniwala ngunit natanggap naman niya ang katotohanan na 'yon na siya ay buntis. Halu-halo ang kanyang nararamdaman. Hindi nga maalis d'yan ang takot. Natatakot siya dahil wala pa naman siyang karanasan sa pagbubuntis at lalong lalo na ang pag-aalaga ng bata. Gayumpaman ay wala pa ring kalagayan ang tuwang nararamdaman ni Alexander na boyfriend niya sa magandang balita na 'yon na buntis siya. Magiging ama na ito at siya ay magiging ina na rin. Siguro sa lahat ng tao sa mundong 'to ay siya ang pinkasamasaya dahil magkakaanak na silang dalawa ng babaeng mahal niya na si Eliza. "Aren't you happy with that, baby?" tanong ni Alexander sa kanya pagkapasok nila sa loob ng kuwarto para magbihis ng damit na pambahay. Naiinitan na kasi si Eliz
Kinumpronta nga ni Arthur ang asawa niya na si Linda tungkol sa nalaman niyang 'yon. Galit na galit siya sa asawa niya lalo na nagsinungaling pa ito sa kanya. Hindi nito sinabi ang totoong ginawa nito sa sariling pamangkin niya na si Eliza. Akala niya ay nagtatrabaho ito ngunit hindi naman pala. Binenta pala niya ito sa isang bilyonaryo."Bakit mo ba nagawa 'yon sa sariling pamangkin mo, Linda? Hindi ka naawa sa kanya! Wala naman siyang kasalanan sa nangyari sa akin. Siya ang sinisisi mo sa nangyari sa akin kahit wala naman! Ang sama mo sa totoo lang, Linda!" galit na sabi ni Arthur sa asawa niya."Ginawa ko 'yon para sa 'yo, Arthur! Ayaw ko na mawala ka sa buhay ko. Wala naman na akong naisip na paraan para magkapera at ma-operahan ka kundi ang gawin 'yon! Sa tingin mo ba ay buhay ka pa kung hindi ko ginawa 'yon, huh? Hindi! Matagal ka nang wala kung hindi ko ginawa 'yon sa 'yo. Huwag kang magalit sa akin dahil ginawa ko 'yon para sa 'yo dahil ayaw ko na mawala ka saa amin!" sagot ni
Matapos na mabura na ni Carl James nang tuluyan ang sex video ng kapatid niya na si Alexander at ex-girlfriend nito na si Marie Heart ay naging tahimik na ang lahat. Wala na ngang nangugulo pa sa dalawang magkasintahan lalo na kay Alexander. Tinigilan na nga siya ni Marie Heart dahil wala naman na itong magagamit na panakot sa kanya para bumalik ito sa piling niya. Tinanggap na lang niya ang katotohanan na hindi talaga siya gustong makasama muli ni Alexander na ex-boyfriend na niya. Malaki ang pasasalamat ni Alexander sa kapatid niya na si Carl James sa ginawa nitong pagtulong sa kanya sa problema niyang 'yon tungkol sa sex video na pinapanakot sa kanya ni Marie Heart na ex-girlfriend niya. Kung hindi dahil dito ay baka hindi pa naayos ang lahat ng problemang 'yon. After one week ay umuwi na sina Alexander at girlfriend niya na si Eliza sa Maynila mula sa kanilang masayang pagbabakasyon sa lugar na 'yon na gusto muli nilang puntahan sa susunod. Balik sa normal ang lahat sa kanila. H
Tinawagan kaagad ni Alexander kinabukasan ang kanyang bunsong kapatid na si Carl James para malaman kung ano na ang nangyari sa plano nila. "Kumusta? Tagumpay ba kayo kagabi ni Nico?" tanong ni Alexander sa kapatid niya na si Carl James.He heard him gasped for air before answering his questions. "Tagumpay kaming dalawa ni Nico, Kuya Zander. Nabura ko na ang sex video sa cell phone ni Marie Heart na ex-girlfriend mo po. Wala ka na pong kailangan na problemahin. Problem solved na po," masayang sabi ni Carl James sa kanya.Natuwa naman nga si Alexander matapos na malaman na tagumpay ang plano nilang 'yon. Nabura na nga ni Carl James ang sex video ng kapatid niya kasama ang ex-girlfriend nito na si Marie Heart. Wala na silang kailangan na problemahin pa. "Magandang marinig 'yan. Sa wakas ay nabura na rin ang sex video na 'yon na ginagawa niyang pananakot sa akin," sabi ni Alexander sa kapatid niya."Oo, Kuya Zander. Sinigurado ko na wala na ngang kopya siya ng sex video na 'yon para hi
Two days later...Tinawagan nga ni Alexander si Marie Heart na ex-girlfriend niya para sabihin na magkita silang dalawa mamayang gabi kahit ang totoo ay nasa bakasyon pa rin siya kasama ang babaeng mahal niya na si Eliza. Naniwala naman nga si Marie Heart sa kanya na pupunta siya dahil 'yon ang sabi niya na after two days ay kailangan na may desisyon na siya.Walang kaalam-alam si Marie Heart na hindi si Alexander na inaasahan niya ang makikita niya mamaya kundi ang kapatid nitong si Carl James. Iyon ang plano nilang dalawa na magkapatid. Sa isang bar silang dalawa magkikita dahil 'yon ang napagkasunduan nila. Pabor naman nga 'yon kay Carl James dahil lalasingin niya si Marie Heart at saka kukunin ang cell phone nito para i-delete doon ang sex video ng kapatid niya kasama ang babaeng ito. Kilala siya ni Marie Heart dahil ilang beses na silang nagkita dati ngunit hindi naman sila masyadong nag-uusap.Inaasahan na niya na magtataka ito kung bakit siya ang pumunta hindi ang kapatid niya
Hindi muna pinaalam ni Alexander ang tungkol sa bagay na 'yon kay Eliza na girlfriend niya. Ayaw niya kasi na mag-alala ito. Silang dalawa lang ng kapatid niya ang nag-uusap tungkol doon."Ano'ng gagawin mo, Kuya Zander? Gagawin mo ba ang nais ng babaeng 'yon?" tanong ni Carl James sa kanya kinagabihan. Nang masigurado niya na tulog na si Eliza na girlfriend niya ay saka niya tinawagan ang kapatid niya para pag-usapan ang bagay na 'yon na pino-problema niya. Bago siya sumagot ay huminga muna siya nang malalim. "Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayaw ko na kumalat ang sex video na 'yon at isa pa ay ayaw ko na bumalik sa kanya. Hindi ko siya gusto at mas lalong hindi ko siya mahal kaya hindi ako papayag na magkasama kaming muling dalawa. Ayaw ko na iwan si Eliza na babaeng mahal ko," sagot ni Alexander sa kapatid niya na si Carl James."Kapag hindi ka pumayag sa nais niyang mangyari ay ikakalat niya ang sex video n'yong dalawa, Kuya Zander. Mapapahiya ka nang sobra n'yan at masisira ang