Share

Kabanata 2

Penulis: Evergreen Qin
"Young Master Spark!" Agad na masiglang binati ni Madame Claire ang papalapit na tao.

Nakasulat ang respeto sa mukha ng bawat tao sa villa. Siya si Spark Rockefeller, ang batang director ng Rockefeller Group. Bagaman hindi alam ng mundo ang totoong numero, tinatayang aabot ng hanggang tatlong daang bilyong dolyar ang yaman ng Rockefeller Group, higit pa sa pinagsamang yaman nila.

Gayunpaman, nang makita ni Alex ang lalaking ito, sumugod siya sa kanya na may galit sa mga mata niya, hinawakan niya siya sa kwelyo at sumigaw, “Hayop ka. Sister-in-law mo si Dorothy. Paano mo tatawaging ang sarili mong isang tao kung gusto mong pakasalan ang sister-in-law mo?"

Sa kasamaang palad, si Spark ay pinsan ni Alex. Anak siya ng kanyang uncle, si John Rockefeller. Matindi ang galit ni Alex sa kanilang dalawa. Naalala niya ang isang maliit na insidenteng nangyari noong Oktubre, pagkatapos ma-aksidente ang kanyang mga magulang, si John ang lumabas na nag-frame sa kanyang ama ng katiwalian at ninakaw ang Rockefeller Group na itinayo ng kanyang mga magulang, at tinakwil si Alex sa Rockefeller’s residence. Kung hindi dahil sa kanila, hindi babagsak ng ganoon ang kalagayan ni Alex.

Mapanghamak na tiningnan ni Spark si Alex at sinabi, "Anong sister-in-law? Tinakwil ka na sa Rockefellers’ residence ng sariling mong lolo, paano mo masasabing sister-in-law ko si Lady Dorothy? At saka, hindi ka karapat-dapat sa kanya."

Hinila ni Madame Claire si Alex palayo at sinipa siya. Pagkatapos ay nakangiti siyang tumalikod, sinabi kay Spark, "Master Spark, napakapalad ko ang isang respetadong taong tulad mo ay naglaan ng oras para sa akin ngayon."

Tumatawang sinabi ni Spark, “Madame, kaarawan mo ngayon, personal akong pumunta rito para batiin ka. Isa itong 100-year-old na ginseng, kahit na ako ay kinailangang dumaan sa butas ng karayom at bilhin ito sa tatlong milyong dolyar, para maihandog lamang ito sa iyo bilang birthday gift."

Nang marinig na nagkakahalaga ng gayong pera ang ginseng, hindi napigilan ni Madame Claire ang kanyang kagalakan. Agad niya itong tinanggap nang may sakim na ngisi sa magkabila niyang tenga.

Nang tumingin si Spark kay Lady Dorothy, natulala siya sa kanyang kagandahan. Halata sa lahat na may pagtingin siya sa kanya. Sa katunayan, matagal na niya itong hinahangad. Mahinahon siyang nagsalita, "Dorothy, narinig ko ang tungkol sa maliit na insidente sa pamilya Gates. Nagkataong may matalik na kaibigan ang ama ko sa upper management ng Thousand Miles Conglomerate. Pwede kitang tulungang ayusin ang bagay na ito. Kapag tapos na ito, bibigyan kita ng isang engrandeng kasal na higit pa sa iyong imahinasyon! Dorothy, mahal kita ng buong puso at minahal kita mula pa noong una kitang nakita. Kapag kasal na tayo, magiging iyo ang buong Rockefeller Group."

Kalmadong umiling si Lady Dorothy at sinabi, "Hindi ako makikipag-diborsyo."

Napuno ng excitement si Madame Claire nang marinig niyang magiging pag-aari ng kanyang anak ang buong Rockefeller Group. Hinila niya si Lady Dorothy at sinabi, “Nababaliw ka ba? Ang mga posibilidad ng pagkakaroon ng isang lalaking tulad ni Spark ay mas mababa pa sa tamaan ka ng kidlat. Bakit gusto mo pa ring manatiling kasal sa basurang ito?"

Lumingon si Madame Claire kay Spark at sinabi, “Well, Mr. Spark, mukhang totoo ang pagmamahal mo sa aking anak. Maganda ito. Mula ngayon, ikaw na ang magiging son-in-law ko."

Natuwa si Spark nang makita ang reaksyon ni Madame Claire. "Narinig ko ang balita tungkol sa ina mong may sakit at kailangan mo ng kalahating milyong dolyar para sa kanyang operasyon. Heto ang kalahating milyong dolyar, sa iyo na yan kung mag-file ka ng diborsyo bukas." Sinabi ni Spark kay Alex habang walang alinlangan niyang tinapon ang isang American Express card sa paanan ni Alex.

Namula ang mga mata ni Alex. Hindi niya kayang kunin ang pera ni Spark.

Hindi na nakatiis si Lady Dorothy, hinila niya si Alex at sinabi, “Pupunta ako sa ospital kasama mo para makita ang iyong ina. Hindi ako makukuha ng kalahating milyong dolyar ngayon, ngunit maghahanap ako ng paraan."

Hinila siya ni Madame Claire at sinabi, "Paano mo ito gagawan ng paraan? Wala tayong ganong pera, maliban na lang kung ibebenta mo ang bahay! Sinasabi ko sa iyo ngayon Dorothy, kung maglalakas-loob kang lumabas sa pintuang ito ngayon, hindi na tayo pamilya!”

Tumayo si Lady Beatrice at tinulak si Alex palabas ng pinto. “Alex, umalis ka na ngayon. Pinapahiya mo ang kapatid ko sa presensya mo. Lumayas ka rito!"

Bang! Nasa labas si Alex ng villa at sinara ang pinto sa harap niya. Narinig niyang sumigaw si Spark mula sa loob ng villa na "Alex, huwag mong kalimutang makipag-diborsyo bukas!" at ang tawa ng lahat ng mga panauhin ang pumalit sa tahimik na gabi.

Nanggagalaiti si Alex sa galit at balisang umalis sa Assex's residence sa kawalan ng pag-asa. Kahit na sa pangalan lang siya naging asawa ai Lady Dorothy, tunay niyang iniibig siya. Sama-sama silang pumasok sa college at umibig sa isa't isa sa panahong iyon. Isa silang pares na hulog ng langit, ngunit ang lahat ay nawasak sa araw ng kanilang kasal. Bumagsak siya nang lubusan, nawala ang kanyang mga magulang at ang kanyang kayamanan. Bukod pa rito, lalo pang nagpapahirap sa kanya na kinamuhian siya ng kanyang mother-in-law.

Sa sandaling ito, isang itim na Rolls-Royce Phantom ang dahan-dahang tumigil sa tabi niya. "Master Alex!" Isang lalaki na nakasuot ng maayos na suit sa kanyang fifties ang lumabas ng kotse.

Naguluhan si Alex dahil hindi niya kilala ang lalaking ito at sinabi, “Tinatawag mo ba ako? Kilala ba kita?"

Lumapit ang lalaki sa kanya, bahagyang yumuko at sinabi, “Ako si Lex Gunther ng Thousand Miles Conglomerate. Nagtatrabaho ako para sa iyong ama."

Ano? Napatigil si Alex. Ilang sandali lamang ang nakalipas, narinig niyang nais ipagbili ng pamilya Assex na ang kanilang anak sa pinakamataas na bidder dahil nag-aalala silang sirain sila ng Thousand Miles Conglomerate. Hindi inaasahan, si Lex Gunther ng Thousand Miles Conglomerate ay biglang lumitaw at sinabi pang nagtatrabaho siya para sa kanyang ama. Kalokohan pa itong lahat?

"Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ni Alex habang walang emosyon ang kanyang mukha.

"Narinig kong marami kang pinagdadaanan kamakailan, Mr. Rockefeller. Nandito ako para magbigay sa iyo ng konting tulong. Ang PIN ay ang birthdate mo. ” Sabi ng matanda habang inabot niya kay Alex ang isang itim na ATM card.

Nataranta si Alex, "Magkano ang pera sa account?"

Sumagot si Lex Gunther, "Maliit lang, nasa sampung bilyong dolyar."
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
BingBoy Madamba
kabanata 90 na ako bumalik sa kabanata 1
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1942

    “Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1941

    Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1940

    Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1939

    Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1938

    “Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1937

    Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1936

    “Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1935

    Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1934

    Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status