Share

THREE

Buong gabi ay hindi nakatulog si Ley dahil sa pag-iyak at pag-iisip. Hindi siya makapaghintay na dumating na ang umaga. She wanted to go to Emerson so desperately.

Paanong naakusahan ito ng panggagahasa at pagpatay na napakabait nitong tao. Emerson Sandoval was the sweetest person she ever met. Kilala na ito ni Ley simula pa pagkabata kaya hindi talaga siya naniniwala sa mga ibinibintang sa lalaki. Hindi papayag si Ley na makulong ang nobyo sa kasalanang hindi naman nito ginawa.

Sumukip ang dibdib ni Ley sa isipang ang mga mahahalagang lalaki sa buhay niya ay makukulong na lang ng gano’n. Ang kan’yang ama dahil sa utang nito, at si Emerson dahil sa salang hindi nito ginawa.

Ipinikit ni Ley ang mga mata habang lulan ang isang taxi. Hindi niya ginamit ang sariling kotse dahil wala siya huwisyo. Kulang siya sa tulog at ang utak niya ay lutang. She can’t even eat properly because of too much thinking. The what ifs are floating inside her head making her unable to focus on anything.

“Nandito na po tayo, ma’am.”

Ipinarada ng driver ang taxi sa harap ng presinto. Kaagad na nagbayad si Ley at tuloy-tuloy na pumasok sa loob.

She was greeted by a crowded police station. May mga nakaposas na lalaki sa gilid, ang mga itsura nito ay parang mga adik sa kanto. Ang mga pulis ay may kani-kaniyang ginagawa sa mga mesa nila. Some we’re drinking coffee; some we’re typing on the computer. Napakagulo.

Nilapitan ni Ley na mesa ng pinakamalapit na pulis. He's a middle-aged man with a bulging stomach. Nagtitipa ito sa computer, may burger sa gilig ng mesa nito.

“Sir, puwede kay Emerson Sandoval? Dito daw kasi siya naka-detained.” Nahihirapan si Ley sa pagbanggit ng salitang detained. Hindi kaya ng isip niya na mangyayari iyong sa pinakamamahal na nobyo.

“Oh, iyong bago kagabi? Nasa ikalawang selda, ma’am. Isulat n’yo lang ang pangalan at address n’yo dito, ma’am.” The police handed Ley the logbook.

Nang matapos isulat ang pangalan ay pinuntahan na ni Ley ang sinasabi nitong ikalawang selda.

Halos mawalan ng lakas si Ley nang sa wakas ay nakita niya si Emerson. Nabiyak ang puso niya habang nakatitig sa lalaking nakasalampak sa sahig at nakayuko ang ulo. Nag-iisa lamang ito sa selda pero napakaliit niyon. Mabaho at madilim.

Sa nanginginig na mga binti ay inihakbang ni Ley ang mga paa hanggang sa matapat siya sa malamig na rehas ng kulungan.

“Love,” tawag ni Ley dito. Her lips quivered as she called him out.

Mula sa pagkakayuko ay unti-unting nag-angat ng tingin ang lalaki. The moment their eyes met, Ley gave in.

Bumuhos ang hindi maawat na mga luha ni Ley nang makita ang mukha ng nobyo. Namamaga ang pisngi nito at ang isang mata nito ay maitim. He had bruises on his lips too. Humikbi si Ley habang iniaabot ng kamay niya ang lalaki.

Kaagad na tumayo si Emerson at nilapitan siya. Ley couldn’t contain her emotions when she finally saw the state of her boyfriend was in. Malayong-malayo ang itsura nito sa nakagawiang coat and tie na suot. Ang suot nito ngayon ay isang kupas ng maong at isang t-shirt ng may bahid ng dugo.

Emerson slid his hands out of the steel bars and touched Ley’s tears-streaked face. Napapikit si Ley nang dumapo ang palad ni Emerson sa pisngi niya.

“Baby, anong ginagawa mo rito? You’re not supposed to be here. Sino ang nagsabi sa’yo na nandito ako?” Nag-alala ang boses nito. He reached for her hand and kissed it.

Otomatikong napahawak si Ley sa pisngi ni Emerson. Ngumiwi ito nang masagi niya ang namamaga nitong pisngi. “Who did this to you? At ano iyong sinabi ni Franz na pinagbintangan kang nanggahasa at pumatay?” Humikhikbi si Ley, awang-awa sa kalagayan ni Emerson.

Mapait na ngumiti ang binata. “Attorney Suarez is working on that, babe. Don't stress yourself, okay? Wala akong kasalanan kaya hindi ako matatakot.”

“Pero sino iyong walang-hiya na nagbintang sa’yo? How can someone be so cruel to incriminate you! Sinisira ng taong iyon ang buhay mo!” Hindi mapigilang ni Ley na tumaas ang boses. Umosbong ang galit sa puso niya.

Hindi niya akalain na may mga tao na gustong manghila ng kapwa. Rape and murder are a very serious crime, it’s not something that you can just accused to someone.

Nag-igting ang panga ni Emerson nang itanong iyon ni Ley. Kitang-kita ni Ley kung paano nag-iba ang awra ng nobyo. Mula sa maamong mukha ay naging mabangis ito. He looked like a predator ready to pound its prey. His eyes turned as shade darker as her pursed his lips into a thin line. Nanginginig na ikinuyom nito ang mga kamao.

Nakadama ng kaunting takot si Ley nang makita ang itsura ng nobyo. Ngayon lang niya ito nakitang nagalit ng gano’n.

“That bastard Matthews did this. He framed me up just so he could get you.” Emerson gritted his teeth.

Nanlaki ang mga mata ni Ley. Hindi makapaniwala si Ley sa narinig. Tama ba ang narinig niya? Si Seig ang may pakana ng lahat?

“Ano’ng sabi mo, Emerson?”

“Si Seigfreid Matthews ang may pakana ng lahat ng ito. He manipulated everyone around him, Ley just to get you. Mula sa pagkakabaon ng papa mo sa utang, hanggang sa pagbagsak ng kompanya ko, at ito namang pag-frame up niya sa akin. That man is crazy, Ley! He's very dangerous! Huwag na huwag kang lalapit sa lalaking iyon.” Kinuha nito ang dalawang kamay ni Ley at pinisil ang mga iyon.

Umusbong ang panibagong galit sa puso ni Ley dahil sa ibinunyag ni Emerson. Anong karapatan ng lalaking iyon na sakit ang mga mahahalagang tao sa buhay niya? For what reason? To get her attention again? Just like what he always did before.

“Napakasama niya! Wala siyang kwentang tao!” Hilam ng mga luha sa pisngi ni Ley.

“Don’t worry, babe. Gagawa ako ng paraan para makalaya dito. He wanted me to be locked in here so he can take advantage of you. Hindi ko hahayaan na mangyari iyon, Ley! Magkamatayan man, hindi ako papayag na aagawin ka niya sa akin!” Nag-aapoy ang mga mata ni Emerson sa galit.

“Hindi niya ako maagaw, Emerson. Ikaw lang ang mahal ko, at kailanman ay hindi ko hahayaan na siraiin tayo ng Seig na iyon. Walang puwang sa puso at buhay ko ang lalaking iyon. Kung mayroon man akong nararamdaman, iyon ay galit at pagkamuhi.”

Kahit na nangako siya kay Emerson na hindi na mangingialam tungkol sa kaso niya, hindi nakinig si Ley. Kailangan niyang harapin si Seig at komprontahin ito. She will not sit and watch him destroy the people she loves. Hindi puwedeng wala siyang gagawin.

“I’m so sorry, Emerson. Pero kailangan kong gawin ito.”

Tiningala ni Ley ang matayog na gusali ng Summit Industries. Napalunok siya nang makita kung gaano iyon kagara at katayog. Kung tutuosin ay parang isang langgam lamang siya sa buhay ng isang Seigfreid Matthews na nagmamay-ari ng isa sa pinakamatagumpay na kompanya sa buong mundo.

Paano niya ba lalabanan ang ganito kayamang tao? May laban kaya siya?

Ley combed her hair using her fingers and released a heavy breath. Bitbit ang lakas ng loob at ang galit sa puso ni Ley, pumasok siya sa loob ng gusali. Napamaang siya nang makita ang loob, kung gaano kaganda ang itsura ng gusali sa labas, ang ganda ng lobby ay hindi matatawaran.

The floors were of an expensive marble tile in cool silver. The wall is in a glass façade design, and the elevator is also made of glass.

Manghang-mangha si Ley sa ganda ng interior design ng lobby. Ang bawat disenyo ng mga lamps at chandelier sa lobby ay may pagkakahawig sa itsura ng isang baril.

Alam niya na napakayaman ni Seig at ang pamilya nito, ngayong nakita na niya kung gaano talaga ito kayaman, nakadama ng panliliit si Ley. Makakaya kaya niyang kalabanin ang isang ito? Hindi niya malalaman kung hindi niya susubukan.

“Miss, can I talk to Mr. Matthews?” tanong ni Ley sa babaeng nakatuka sa likod ng reception desk.

“Your name, miss? Do you have a scheduled appointment with Mr. Matthews?” Ngumiti ito kay Ley bago nagtipa sa computer.

“Ano, wala e. Pero ang sabi niya kahapon ay pupuntahan ko siya dito. Leyla Jimenez ang pangalan, kilala niya ako. Kailangan ko siyang makausap ngayon, miss. Pakisabi sa kan’ya na makikipag-usap ako.”

Tumaas ang kilay ng babae at tiningnan ang kabuohan ni Ley ng may panghuhusga, pero wala naman itong sinabi. May tinawagan ito, at sa naririnig ni Ley, kausap nito ang secretary ni Seig.

Nang matapos ang tawag ay ngumiting muli ang babae at binigyan siya ng visitor’s pass. “Okay. The CEO’s office is in the fiftieth floor. You can use that elevator.” Tinuro nito ang glass elevator.

Nagbuga ng hangin si Ley bago pumasok sa elevator. Hinaplos niya ang dibdib na sumakit dahil sa lakas ng paghampas ng puso niya. Kailangan niya ito, para sa mga taong malalapit sa kan’ya. Kakausapin niya ito bilang isang tao na may pinag-aralan. Makikipag-negosasyon siya rito.

If he refuses anything she’s willing to offer, then Ley doesn't have much choice but to accept her doom.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status