Share

Chapter Five

KINABUKASAN, maaga palang ay bumiyahe na si Joey pauwi sa kaniyang probinsya sa Aklan. Kaarawan ng kaniyang kapatid na babae kaya doon niya ilalaan ang dalawang araw niyang pahinga. At dahil payday, nakabili si Joey ng regalo, at pasalubong para sa kaniyang mga magulang at kapatid.

Nang makababa na ang eroplano ni Joey sa paliparan sa Aklan ay agad siyang sumakay nang taxi papunta sa lugar nila sa Libacao, Aklan. Nakasandal lang ang ulunan ni Joey sa salamin ng pintuan ng taxi dahil bahagyang sumasakit ang ulo niya dahil wala siyang masyadong tulog. Hindi siya nakagawa ng matiwasay na tulog dahil pipikit palang siya mga daliri na ni Daxx ang agad nagpa pop out sa isipan niya.

Naiinis si Joey sa kaniyang sarili dahil hindi niya magawang kalimutan ang nangyari sa flight niya sa Bahrain, play ito ng play sa isipan niya. Buntong hiningang bahagyang inuuntog ni Joey ang kaniyang noo sa salamin ng taxi.

"Tama na Joey! Kalimutan mo na 'yun, i'm sure hindi mo na makikita ang bastos na lalaking 'yun. Forget what happened, hindi naman niya nakuha ang pagkababae mo eh." mahinang sermon ni Joey sa kaniyang isipan ng bigla dumaan sa alaala niya ang mapang-akit na bulong ni Daxx sa tenga niya na naiinis na mahina niyang pinaghahampas ang kaniyang tenga dahil naramdaman na naman niya ang kakaibang kilabot sa katawan niya na ikinagulat ng driver.

"Nakakainis! Sabi ng kalimutan mo na eh!" angal ni Joey sa kaniyang sarili.

"naa kay problema miss?" usisang tanong ng driver na napatigil si Joey sa ginagawa niya at napahiyang ngiting umiling sa driver.

"Walay bisan unsa, pasensya na po. Huwag niyo nalang po ako pansinin." ani ni Joey na ikinatango nalang ng driver sa kaniya.

Kasalanan ng bastos na manyak na wirdong lalaki na 'yun bakit ako nagkakaganito! Anong karapatan niyang hawakan at gawan ng kung ano ang perlas ng silanganan ko na sa mga R18 movies ko lang nakikita?! Malasin sana ang gago na 'yun! galit na singhal ni Joey sa kaniyang isipan para kay Daxx.

Huminga ng malalim si Joey at pinakakalmanang sarili.

"Take that as experience nalang Joey, though hindi magandang experience pero hindi puwedeng manatili sa ala-ala mo ang ginawa ng lalaking 'yun sayo. Sagpaon unta nako siya or at least gisumbag para maulian." pahayag ni Joey na cross arms na sumandal sa kinauupuan niya at nagpambuntong hininga.

"Sana hindi ko na makita ang lalaking 'yun, parang hindi maganda at safe na makita ko pa ang manyak na 'yun." sambit ni Joey sa kaniyang sarili at tumahimik nalang sa kaniyang biyahe.

Isang oras at kahalati na biyahe ay nakarating na si Joey sa bayan ng Libacao, pinahinto na niya ang taxi sa tapat ng isang simpleng bahay na gawa ang dingding sa mga kawayan, lumabas na siya sa taxi at tinulungan siya ng driver na ilabas ang mga dala-dala niya.

"Inahan! Anaa si ate!" rinig na tili ni Joey na ikinangiti niya dahil alam niyang ang kapatid niya iyon.

Nagpasalamat at nagbayad na si Joey ng pamasahe sa taxi driver, may kalayuan sa bayan ang tirahan ng mga magulang ng kaniyang mga magulang. Gusto ng mga ito na manirahan malayo sa gulo ng bayan, minsan niya ng kinausap angga ito na ipagawa na ang bahay nika at gawing bato pero umayaw ang kaniyang tatay dahil mas gusto nito ang simpleng bahay kung saan siya lumaki.

Binuhat na ni Joey ang mga dala niya at naglakad papasok sa simpleng kahoy na gate ng bahay nila ng makita niya ang pagbaba sa hagdanan na kawayan ang kaniyang ama at ina.

"Nganong wala ka man mopahibalo kanamo nga sayo ka mopauli, Josefa, hinaot nga gisundo ka sa imong amahan." ani na pagsalubong ng kaniyang ina sa kaniya na pagkalapit ng mga ito ay agad kinuha ng kaniyang ama ang mga dala niya.

"Hindi ko na po kayo inabala, alam ko din naman po na abala kayo sa pagluluto para sa kaarawan ni Gabriella." ngiting ani ni Joey.

"Pero sa susunod anak magsabi ka, hindi na maganda ang panahon ngayon. Madami ng nagkalat na masasamang tao, halika ka na at pumasok na tayo sa bahay." saad ng kaniyang ama ng pumasok na sila sa munti at simple nilang bahay.

Pagkapasok ni Joey ay agad siyang sinalubong ng yakap ng kaniyang kapatid.

"Happy birthday, Gabriella, may regalo si ate sayo."

"Talaga po? Salamat ate." masayang ani ng kaniyang kapatid.

"Magpahinga ka na muna, Josefa. Mahaba din ang naging biyahe mo." wika ng kaniyang ama na ikinatango ni Joey.

"Lahat po ng dala ko ay pasalubong ko po sa inyong lahat, ilan po diyan ay binili ko pa po sa mga bansang napuntahan ko na po dahil sa trabaho ko."

"Huwag kang gastos ng gastos ng kung ano-ano, magtira ka para sa sarili mo. Hindi ka na bata Josefa, nasa hustong gulang ka na para mag-asawa." saad ng kaniyang ama na kababa lang ng mga gamit niya sa mesa.

Nilapitan ni Joey ang kaniyang ama at niyakap ang kanang braso nito

"Tatay naman, alam ko naman po na tumatanda na ako, pero wala pa po sa isip ko ang mag-asawa. Wala pa koy plano nga magkapamilya, kay wa pa nako naabot akong mga pangandoy." ani ni Joey na ikinalapit naman ng kaniyang ina sa kaniya.

"Hindi naman dapat puro pangarap mo lang ang naiisip mo, tsaka alam naman namin na kami ang pangarap na tinutukoy mo. Josefa, kuntento na kami sa mga nabibigay mo, isipin mo naman ang sarili mo. Hindi ba at nagtapat ng pag-irog sayo ang iyong kababata?" ani ng ina ni Joey.

Agad naalala ni Joey ang kaniyang kababata sa kanilanv bayan na si Rafael, guwapo ito at may kaya ang pamilya kahit papaano. Guro ito sa elementarya sa kanilang bayan, at kahit nagtapat ito ng pag-ibig sa kaniya ay wala siyang ibang nakikita dito kundi bilang isang kaibigan at kababata lang.

"Inay naman, parang gustong-gusto niyo na akong mag-asawa. Ayoko pa kaya, nag-e-enjoy pa ako sa single life ko." wika ni Joey sa kaniyang ina.

"Tama na ang ganiyang usapan, pasasaan ba at darating ang araw may ipapakilala sa atin ang anak mo. At sa oras na 'yun kikilatisin ko siya ng mabuti. Ihaharap ko siya sa aking itak para malaman ko kung maganda ang pakay niya sayo." pahayag ng kaniyang ama na ikinatawa ni Joey dito.

Ang kaniyang mga magulang at kapatid ang kaniyang rason bakit sinisipagan niya sa trabaho, she make sure na hindi siya magkakamali bilang flight attendant ng KIA.

Ang dalawang araw ni Joey na kasama niya ang kaniyang pamilya ang masasabing pahinga para sa kaniya. Kahit malayo ang probinsiya nila ay hindi siya mapapagod na umuwi doon para makasama at makita ang kaniyang mga magulang at kapatid.

Pero ang masayang dalawang araw na pahinga ni Joey kasama ang kaniyang mga magulang, ay impyerno naman sa mga tauhan ni Daxx, dahil dalawang araw na itong mainit ang ulo dahil hindi niya nakikita si Joey sa mga flight na sinasakyan niya. Hindi buong naibigay ng taong inutusan ni Daxx para kunin ang buong schedule ni Joey kaya hindi nito nalaman na rest day ng dalaga.

Dalawang araw wala sa mood si Daxx, naipapatay niya na ang taong inutusan niya at wala pa siyang makuhang information kung nasaan si Joey. Nakuha man niya ng illegal ang nakaraang schedule ni Joey, pero nahihirapan ang hacker na inutusan ni Daxx na pasukin ang data ng mga employee ng KIA dahilan upang matapos din agad ang buhay ng hacker na 'yun.

Malakas na tinapon ni Daxx ang basong may alak na hawak niya sa pader na ikinabasag nito. Walang kahit sinong tauhan niya ang nakakalapit kay Daxx na kahit si Dante ay alam na kailangan niyang dumistansya pag alam niyang galit ang kanilang don.

"Ilang baso na ba ang nababasag mo, Pendelton? Alam kong mayaman ka pero kalat ang ginagawa mo."

"I'm fvcking pissed off, Vellejo!" madiin na ani ni Daxx na ikinangisi ng hindi kaibigan, pero hindi din niya kaaway na si Noah Kitt Vellejo.

Nagkakilala sila sa isang auction at sa di malamang dahilan ay nagkakaroon na sila ng usapan at nagkikita pa para makipag-inuman pag pareho silang hindi abala.

"Eh? And what is the reason why you are pissed off, Pendelton?" ngising tanong ni Noah na ikinaingos ni Daxx.

"None of your fvcking business. Bakit ka pala narito sa play house ko? Hindi ka ba busy sa mga pinaglalaruan mo? I thought you don't want to be involved in the mafia world? " pag-iibang tanong ni Daxx dito.

"I'm always busy, but i'm human too. Kailangan ko din huminga, Pendelton. And i'm not involved in your world, i'm happy in my own world." sagot ni Noah na seryosong ikinatitig ni Daxx sa kaniya.

" Dante!"

"Yes il capo." agad na sagot at paglapit ni Dante kay Daxx.

"Call Doctor Pereza, my visitor here needs some assistance." utos ni Daxx na agad sinunod ni Dante na bahagyang ikinatawa ni Noah.

"You knew?"

"Just fvcking go in one of the room here and wait for my personal doctor. Bakit ko ba nakalimutan na isang dahilan bakit ka napunta sa play house ko is either gusto mong huminga or nakatanggap ka na naman ng latay. Just fvcking go Vellejo." ani ni Daxx na ikinatawa lang ni Noah sa kaniya bago ito naglakad papunta sa kuwarto na tinutukoy ni Daxx kung saan sa pagtalikod nito ay nakikita ni Daxx ang mantsa ng dugo sa likurang damit nito.

"The manipulator is barely hanging huh." ani ni Daxx na bumalik ang init ng ulo, na dinampot ang baril na malapit sa kaniya at isa-isang pinagbababaril ang mga nakatayo niyang tauhan na walang buhay na bumagsak sa sahig.

"Damn it! Mauubos ko mga tauhan ko! Is she hiding from me?" ani ni Daxx na ikinaigting ng kaniyang panga.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
NILEALEXANDEREVANS
bakit kinikilig ako jay Noah Kitt vellejo aka valdemor haha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status