Share

Kabanata 6

Author: Zanicolette
last update Last Updated: 2020-09-15 17:18:02

Ang isang magandang panaginip,

walang karugtong,

walang katapusan.

Kaya dapat,

hindi dinudugtungan,

para habambuhay na lang

na maging isang napakagandang panaginip.

1912

Isang taon na. Isang taon ko na s'yang sinusundan patago sa Unibersidad. At ngayon, naririto ako sa likuran ng malaking puno habang sinusulyapan ang paguusap ni Isagani at ng mga kaibigan n'ya.

"Balita ko ay kalahating taon ka nang ninanakawan ng tingin ni Paulina, hindi ka ba nagkakaroon man lamang ng interes sa kaniya?" tanong ng lalaki kay Isagani. Nakaupo sila sa damuhan at nagpapahangin.

"Tama si Alejandro, maganda s'ya at mabait. Huwag ka nang magpaka-torpe pa dahil tiyak na maraming nagbabalak na mangligaw kay Paulina," tatawa-tawang sabi naman ng isa.

Tumawa si Isagani. "Alam n'yo namang may naitatago akong pagibig sa isang Fernandez."

Nanlaki ang mga mata ng kaniyang kaibigan na si Alejandro. "Fernandez?! Sabagay, ikaw naman ay anak ng may ari ng malalawak na lupain, sila rin ay mayaman sa pagpapalawak ng negosyo. Ngunit sino roon sa tatlong babae? Marahil ay--"

"Manahimik na kayo, papasok na ako sa susunod kong propesor." Tumayo na si Isagani, napatingin s'ya sa gawi ko kung kaya't madali akong nagtago sa puno. Marahil ay kailangan ko nang bumalik sa aming silid.

Marami ang Fernandez sa aming bayan ngunit natitiyak kong ang aming pamilya ang tinutukoy ni Isagani. Ngunit sa tatlo sa amin... Imposibleng si Crustacia dahil s'ya ay sampung taon lamang. Sa amin ni Ate Catalina... Ay may siguradong napupusuan s'ya.

Mabilis, at malalaki ang aking hakbang patungo sa aking silid-aralan. Ngunit habang nasa pasilyo, napatigil ako nang marinig ang pangalan ni Isagani mula sa tinig ng isang Propesor. Napalingon ako sa silid na katabi ko lang. Kitang kita sa bintana ang mga mag-aaral na katulad ko, naroroon rin si Isagani at Ate Clarita.

"Mr. Isagani, you're late. Maybe you can share us the poem I assigned to all of you yesterday," anang ng Amerikanong propesor.

"Y-yes, sir..." Tumayo si Isagani at pumunta sa harapan ng kaniyang mga kaklase.

Her smile is as beautiful as sun,

It never sets when it shines,

She makes me laugh, for she's mine

Will never get tired

Until we're gone.

Para bang natunaw ang aking puso nang marinig ang maiksing linya ng kaniyang tula. Walang humpay sa pagkabog ang aking dibdib at lalo iyong lumalakas sa bawat segundong tinititigan ko s'ya.

Lalo s'yang naging makisig sa aking paningin, lalo na nang ngumiti s'ya dahil sa palakpakan ng mga kamagaral n'ya.

×××

"Maraming salamat, Ti--" pagkalingon ko ay bigla na lamang nawala ulit ng parang bula si Tiya Alondra. Matapos n'ya akong ihatid rito sa aming tahanan ay hindi na s'ya nagsalita pang muli.

Naiwan na lamang akong tulala sa kawalan dahil sa kaniyang isiniwalat. Ang magiging anak ni Sierra at Nathan ang pangalawang buhay ni Isagani... At kapag lumaki na s'ya ay s'ya mismo ang sasagot sa nawawalang hustisya gamit ang kaniyang natitirang alaala!

Ngunit... Hanggang kailan pa? Ilang buwan? Taon?

O hindi ko na s'ya makita pa dahil darating ang panahong babalik ako sa totoo kong tahanan...

Pero ngayon ay alam ko na ang sagot kung bakit ako ang napili na ipadala rito sa kanilang panahon; upang hanapin ang hustisya. Hustisyang ipinagkait sa akin ng mga taksil na Pilipino sa aking kapanahunan.

May taksil pa rin ba sa panahong ito? Na ipinipilit pagtakpan ang sarili sa kasalanang ginawa? May mga inosente pa rin ba sa panahong ito katulad ni Isagani... Na namatay nang walang paglilitis sa husgado?

Pagpasok ko ng bahay, umupo na lamang ako sa sopa, iniisip kung hihintayin ko ba ang panahon na isilang si Isagani at habulin ang oras papunta sa kasalukuyan... O ako na ang gagawa ng paraan para sa katotohanan?

Kay Sierra naman ang katawan na ito... Wala namang masama, hindi ba?

Birhen pa rin naman ako kahit mapag-desisyunan kong gawin 'yon.

Ilang minuto pa ang lumipas, nakarinig ako ng tunog ng sasakyan sa harap ng bahay. Ang kotse ni Nathan! Bigla akong kinabahan, hinintay kong makapasok s'ya rito.

"N-nathan," tawag ko nang makapasok s'ya.

Napalingon naman s'ya sakin. "Hmm? Okay ka lang? Bakit parang balisa ka at kakauwi mo lang?" Kunot noo nyang tanong. Hinubad n'ya ang amerikana n'yang suot at nilagay 'yon sa sopa.

"A-ayos lang naman ako..." Napaiwas ako nang tingin dahil kitang-kita na naman ang magandang hubog ng kaniyang katawan sa puting polo.

"Did you already eat? Magluluto pa ba ako?" tanong n'ya habang may tinitignan sa kaniyang selpon. "Maybe we can just order online, what do you think?"

Hindi ako makasagot, wala akong maintindihan. Ano bang sinasabi n'yang online?

"M-may sasabihin ako sa iyo, Nathan..."

Naagaw ko naman ang kaniyang pansin. "What's that?"

"Tungkol sa atin..."

"Then?"

Napalunok ako. "Nathan..."

"Spill it, come on."

"N-nais ko nang mag dalang-tao."

Hindi na ako nagulat pa nang malaglag n'ya ang kaniyang selpon, lalo na nang maiwan ko s'yang tulala sa pagkabigla.

×××

Dalawang araw pagkatapos kong sasabihin ang tungkol sa gusto kong mangyari. Pero tanging narinig ko na lang ang nasa isip n'ya.

'What. The. Heck. Is she serious?!'

Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya hanggang ngayong dalawang araw na ang nakakalipas, wala akong kibo sa kaniya. Kinakausap na lang n'ya ako kung magtatanong s'ya sa gusto kong pagkain, at kapag magpapaalam s'ya sa trabaho.

"Uh -- Sierra," tawag sa'kin ni Nathan pagkapasok ko ng kotse. Kakatapos lamang ng pasok ko sa William High School.

Tatlong araw na akong nagt-trabaho at ang masasabi kong magaan lamang ang aking ginagawa. Mauupo, magsasalita at bibigyan sila ng pagsusulit, katulad ng tipikal na ginagawa ng aming propesor noon. Walang masyadong gurong pumapansin sa'kin at iyon ang ipinagtataka ko.

"Bakit?" sagot ko kay Nathan.

Napakamot s'ya sa ulo n'ya. "Uh -- a-ano, kasi--"

"Ano iyon?"

Umiiwas s'ya ng tingin at parang naiilang. "S-sierra, uhm--"

Hindi na ako kumibo pa at tumitig na lang sa kaniya.

"C-can we... Go for a date?"

Ano raw? D-date? Lalabas kami?

"A-anong sabi mo?"

Nakaiwas pa rin sya ng tingin at mukhang nahihiya. "Ang sabi ko, kung pwede tayong lumabas... Para m-mag-date."

Umukit ang matamis na ngiti sa akin. Pareho sila ni Isagani, masyadong mahiyain. Hindi na ako magtataka kung bakit sa kaniya manggagaling ang ikalawang buhay ng minamahal ko.

×××

"Bakit ganiyan ang suot mo?" tanong ni Nathan.

Pagkauwi namin, nagpalit agad kami ng damit. At ang sinuot ko ay ang mga damit na madalas kong makita sa kababaihan ngayon, isang hapit na pulang blusa at paldang hanggang hita. Unang beses ko ang lumabas ng ganitong suot, hindi ko rin maiwasang mahiya.

"B-bakit? Hindi ba nababagay sa akin?" tanong ko.

'Sierra... What the heck. It's been a while when I saw her dress like this, but now... She's so damn hot, and sexy'

Napaiwas ako ng tingin nang marinig ang iniisip n'ya. B-bakit ganoon n'ya na lamang ako ilarawan?

"No... I mean, it suits you very well. Pero, p-paltan mo."

"A-anong ipapalit ko? Puro ganito lamang ang damit na naroroon..."

Bumuntong hininga si Nathan. "Hindi mo naman kailangang sumabay sa uso... You can wear some of those long dresses, I'll buy you many of that in mall too."

"Ganoon ba, salamat..." Tapos ay bumalik na ako sa aming silid at nagpalit ng mahabang damit.

Pagkatapos magbihis, sinundan ko na s'ya papasok ng kotse. Tahimik lang kami hanggang sa maka limang minuto ay nagsimula na s'yang magtanong.

"Kumusta naman pasok mo kanina? Napagod ka ba sa mga estudyante?" tanong ni Nathan habang diretso lang ang tingin sa pagmamaneho.

"A-ayos naman. Tahimik lang ang mga bata at masunurin. May isa nga lang roon na parang..." Natigilan ako. Ilang beses ko nang napapansin ang babaeng laging may nginunguya at hindi maganda ang pagupo.

"Mukhang natuturuan mo na sila ng Good Values, ah," pagbibiro ni Nathan.

"Tinuturuan ko sila katulad ng tamang asal ng kababaihan at respeto ng kalalakihan. Pinapangaralan ko rin sila ng tamang edad sa pakikipag-relasyon," sagot ko habang nakadungaw sa bintana.

Natawa si Nathan. "Really? You had boyfriends before 18 and then there you are teaching them not to?"

Anong sabi n'ya?

Napatigil s'ya sa pagtawa. "I'm sorry, I didn't mean it."

Mukha naman s'yang tapat sa paghingi ng tawad kung kaya't tumango na lamang ako. Hindi naman ako galit, sadyang hindi ko lang maintindihan ang sinasabi n'ya.

Pagdating sa sinasabi nilang 'mall', nagulat ako sa rami ng tao. Maraming paninda, at mas nagbabago ang sinasabi nilang teknolohiya. May mga bagay na hindi ko alam ang tawag.

Napatingin ako sa kamay namin ni Nathan na ngayon ay magkahawak na. Nagsimulang tumibok ang puso ko lalo na dahil hinawakan n'ya iyon ng mahigpit.

"Saan mo gustong pumunta?" Baling sa'kin ni Nathan at pinisil ang aking kamay. Napatingin lamang ako sa kaniya, hindi ko naman alam ang tungkol sa lugar na ito. "A-are you still mad?"

Ngumiti ako. "Hindi naman ako nagalit sa'yo, ikaw na lamang ang bahala kung saan mo gusto." Magaling talaga akong magpalusot!

Magkahawak pa rin ang mga kamay namin papunta sa isang tindahan ng mga damit. Agad n'yang tinignan ang mga mahahabang saya at damit na nakahilera. "Alin dito ang gusto mo?"

Binitawan ko ang kamay niya upang masuri ang mga damit na nasa harapan namin. May bulaklahin, simple at may iba-iba ang kulay. "Siguro ay ito," turo ko sa mahabang damit na hanggang tuhod, kulay-lila ito at malambot ang tela.

"Hmm, sige. Dagdagan mo pa," aniya at ngumiti.

"Uhh --" Bumalik ang tingin ko sa mga damit. "M-may pang simba ba rito? Belo?"

"Ma'am?" Nagtatakang tawag sa'kin noong babaeng tindera. Makapal ang kolorete niya sa labi at nakapuyod ang buhok.

"Sierra, you mean -- pants and blouse? Hindi na ganoon kauso ang belo sa pagsisimba," sagot ni Nathan.

Bigla akong nakaramdam ng hiya. "G-ganoon ba... Sige, p-pwede na ito," turo ko sa isang damit.

"Miss, this one too, and this." Tinuro n'ya ang iba pang mga mahahabang damit na nakahilera.

Pagkatapos namin mamili ng damit, napansin kong maginoo pala si Nathan dahil s'ya ang nagdala ng mga supot ng pinamili namin. Habang naglalakad kami, napansin kong marami ring magkasintahan ang bumibili ng kung ano-anong magustuhan nila. May masayang kumakain, may batang nagtatakbuhan.

Masaya naman pala sa panahong ito.

"Uh -- Sierra."

Lumingon ako kay Nathan. "Ano iyon?"

"M-may gusto ka bang gift?" Tanong n'ya sa gitna ng paglalakad.

Gift? Bakit naman n'ya tinatanong ang gusto kong regalo?

"Sabihin mo lang kung anong gusto mong regalo, malapit na ang birthday mo, 'di ba?" Ngiting tanong ni Nathan.

Kaarawan? Kailan naman ang kaarawan ni Sierra?!

"Sulat... Iyon na lang ang naiisip kong posibleng iregalo mo sa'kin sa aking kaarawan, dahil iyon ang nagpapahiwatig ng purong pagmamahal ng isang lalaki sa kaniyang minamahal."

Napatigil si Nathan sa paglalakad, ganoon rin ako. Tumingin s'ya sa'kin, 'Heck. How can she say that?'

"M-may mali ba sa nasabi ko?"

"Wala," ngumiti s'ya at parang pilit na binura ang iniisip n'ya. "I'll do whatever you want, let's go." Hinawakan n'ya ang kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad.

×××

Pagkauwi namin, dumiretso kami sa aming silid dahil alas-nuebe na ng gabi. Kumain kami sa sinasabi nilang 'restaurant' at pumasyal sa 'mall'. Niyaya n'ya pa akong maglaro pero hindi na ako pumayag dahil hindi ko naman alam kung paano gamitin ang teknolohiya.

"Are you already full?" tanong ni Nathan pagpasok namin ng kwarto.

Tumango ako. "Salamat sa kanina, nawala kahit papaano ang pagod ko."

Binuksan n'ya ang lampara malapit sa kama. Ako naman ay naglakad papunta sa banyo ng aming silid upang maligo nang tawagin ako ni Nathan.

"Bakit?"

Lumapit s'ya sa akin. Tinitigan n'ya ako ng malalim, at tanging ilaw na nanggagaling sa buwan ang tanglaw upang makita ko ang maamo n'yang mukha.

"Thank you," mahina n'yang sabi at hinawakan ako sa baewang.

Nagsimulang tumibok ng mabilis ang aking dibdib. "Nathan..."

Hindi maputol ang titig namin sa isa't isa. Hanggang sa mapunta ang mga tingin n'ya sa labi ko. Dahan-dahan... Hanggang sa ilang sentimetro na lamang ang aming pagitan, palapit ito ng palapit, hanggang sa magtagpo ang aming mga labi.

Sa gabing ito, nag-isa ang aming mga puso. Umapoy ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Ang bawat halik, at haplos ng aming katawan ang s'yang sinaksihan ng buwan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 24: Huling Kabanata

    Ating balikan ang unang kabanata,Ang simulang walang katapusan.Tunghayan ang huling kabanata.Huling prosa sa kawakasan.1913NILIBOT ko muna ang tingin sa labas ng Unibersidad bago pumasok sa kalesa. Ito na ang naging tahanan ko sa loob ng 16 na taon. Salamat dahil natakasan ko kahit papaano ang problema ko ngayon sa buhay."Binibini, saan po ang inyong paroroonan?" tanong ng kutsero. Naipasok n'ya na pala ang maleta ko at handa ng paandarin ang kalesa."Sa daungan po papuntang Maynila." Inayos ko ang laylayan ng aking Trahe De Mestiza nang makasakay na sa loob.Kinuha ko ang isang kulay-kape na libro mula sa'king maleta. Napulot ko lang ito sa lamesa ng aming silid-aralan at nalimutan ko nang ibalik pa. Sinimulan kong tignan ang unang pahina ngunit blangko iyon, kaya dumiretso na ako sa ikalawa.&

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 23

    Ang katapusanAy laging may simulaNgunit may mga simulangHindi na nakikita ang katapusan.1913."Hindi mo pa ba alam ang balita?""Anong balita?""Pumanaw na si Clarita, iyong magaling makipag-argumento sa propesor?""S-sandali! Wala na siya? Paano?""Ang sabi sabi, pinatay s'ya ni Ginoong Isagani ngunit bago iyon, ginahasa n'ya muna si Clarita.""Isagani? Hindi ba't si Catalina ang nobya n'ya? Nakatakda na ang kasal nila sa susunod na buwan 'di ba?"Tumigil ako sa pagkain sa kapiterya ng aming Unibersidad. Palagi na lamang bang ganito? Mababaliw na ako sa mga bulong nila. Animo'y bubuyog na nagpapasakit ng tenga ko!Pilit kong pinakalma ang sarili."Aalis na ako."Sapat na ang aking boses upang patahimikin ang lahat. Hindi sila makapaniwa

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 22

    Balikan natin kung saanNagsimula ang lahatUpang sa gayo'yMagawa na nating bumalikSa pinagmulan.1913.Inangat ko ang tingin sa kaniya.Tahimik s'yang pumasok sa kwarto kung saan pwedeng magusap ang bisita at mga nakakulong.Mahigpit kaming binantayan ng mga sundalo at binigyang magusap ng kaunting minuto.Balisang umupo si Isagani sa'king harapan.Huminga muna ako nang malalim bago s'ya kausapin. "Kumusta ka? Maayos ba ang lagay mo rito?"Ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi pa rin s'ya sumasagot.Ikinuyom ko ang nanginginig kong mga kamay. "M-magsalita ka naman," pinipigilan kong umiyak habang tinititigan s'ya.Nakatungo lamang s'ya at balisa."Nag-aalala na ako sa'yo... Alam mo bang tumakas ako sa'min kahit labag sa kagustuhan ni ama?"

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 21

    Ang pagibig ay hindi kailanmanMagiging marahas,Ito ay mapagubayaAt nagpapahalaga.1913.Naalimpungutan ako at napakamot sa mata.Tinanaw ko ang bintana at kumurap ng ilang beses.Nakarinig ako ng bulungan sa labas ng aking kwarto. Marahil iyon ay ang aming mga katulong.Maya-maya ay nakarinig ako ng malakas na sigaw kung kaya't napaupo ako sa kama."Kay Imelda ba ang boses na 'yon?" Tanong ko sa'king sarili.Nagsigawan na rin ang iba pang katulong, dahilan para lumabas ako ng kwarto at puntahan sila."A-anong nangyayari?"Nilapitan ko sila na nasa may pintuan ng aming hacienda."S-s-si binibining Clarita..." Ani Imelda habang nakatingin sa labas ng aming pintuan.Tinignan ko ang nasa harapan namin.

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 20

    Mas masahol pa sa hayopAng magkunsintiSa maling asalNa ginawa ng isang tao1913Kalansing ng mga kubyertos ang maririnig sa buong hapagkainan."U-umalis na nga po pala si Adam noong isang araw... May ensayo po sila sa Amerika," pagpapa-alam ni Ate Clarita sa aming lahat."Kung gayon bakit hindi man lang s'ya nagpaalam sa'kin?" sagot ni ama.Napatigil sa pagkain si ate. Ang katabi ko, si Isagani, ay napatingin sa kan'ya."Labis po s'yang nagmamadali dahil huli na raw po s'ya sa daungan, ama," aniya at nagpatuloy sa pagkain.Ibinaling ni ama ang atensyon kay Isagani. Mukhang wala s'ya sa tamang timpla dahil sa inilahad ni ate."Hijo, bakit hindi kita mahagilap noong isang linggo?"Tama si ama. Ni anino n'ya ay hindi ko nahagilap sa buong linggo kong pamamalagi sa

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 19

    Kailangan bang gawin moAng lahat upang matanggap kaSa lipunangpuno ng mapanghusga?1913.Isang linggo ang lumipas.Nobyo.Paulit-ulit kong inisip ang huling sinabi ni Ate Clarita.May nobyo na s'ya?"Ina, Ama, manliligaw ko po... Si Adam," pagpapakilala ni Ate sa mga magulang namin.Nagsama-sama kami ngayon sa sala dahil sa 'di inaasahang bisita.Katabi n'ya ang maputi at matangkad na lalaki. Amerikano nga s'ya. Hindi nakapagdududa."Hi, Madamme and Mister Fernandez. Nice to meet you all," wika ng kanyang nobyo. Ngumiti naman si Ina at Ama."Manliligaw? N-ngunit akala ko'y--"Pinanlakihan ako ng mata ni Ate. Senyales na hwag ko munang ibunyag na mag nobyo na sila."A-ang ibig kong sabihin... Bakit ngayon mo lamang s'ya pi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status