Asteria's Point of View
Dahan-dahang tumatama sa mga mata ko ang sinag ng araw na nanggagaling sa siwang ng bintana. Ano ba ang nangyari kagabi? Iminulat ko ang mga mata ko nang maramdaman ko na may nakayakap sa akin. Huwag mong sabihing totoo talaga ang nangyari kagabi at hindi panaginip?
Tiningnan ko si Gray na nakahubad pa ang pang-itaas habang ang akin ay nakabihis na nang buo. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya. Tumayo ako nang makaramdam ng sakit na nanggagaling sa ibabang parte ng katawan ko. Napahawak ako sa table na nandoon dahil hindi ko maitayo ang katawan ko na parang akong napilay.
“Gaano ba kalaki ang bulldog niya at ganito ang naging balik sa akin? 'Yan, Asteria, ginusto mo 'yan,” bulong ko sa sarili nang may yumakap sa akin mula sa likod.
“Good morning,” bati ni Gray habang nakayakap sa akin mula sa likod. Hindi niya ba nakikita na nahihirapan ako?
Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at paika-ikang naglakad sa palikuran. Hindi niya puwedeng makita na ganito ang hitsura ko. Naghilamos lang ako dahil wala namang sabon at isa pa, kanino bang kubo ang ginawan namin ng milagro?
Pagkabalik ko ay nakabihis na siya at inaya na akong umuwi. Walang sumagot sa aming dalawa dahil sa awkwardness na nararamdaman namin sa nangyari kagabi. Sino bang hindi mahihiya, 'di ba? Katabi ko ang lalaking pinagbigyan ko ng puri.
Nang makarating kami sa bahay nila ay dire-diretso lamang siyang pumasok. Hiindi alintana na kasama niya ako, how dare him?
“Iha, bakit ka paika-ika? Napilay ka ba?” nag-aalalang tanong ni Aling Cecilia, ngunit sinagot ko lang ito ng ayos lamang ako.
“Nadapa lang po ng sa malaking sanga na nakaharang sa daan,” sagot ko at ngumiti nang pilit sa kanya.
“Gano'n ba, iha? Sa susunod ay mag-ingat ka. Aba'y hindi biro ang malalaking sanga na nakakalat tuwing may ulan,” wika nito habang nakatingin sa akin.
“Opo, masyadong malaki 'yong pumasok— este 'yong natapakan ko po sa labas na sanga,” sagot ko. Wala itong kaalam-alam na si Gray ang may gawa nito sa akin. Hindi nila alam kung anong nangyari sa amin. Mas mabuti kung hindi ko ito ipagsasabi sa kahit kanino.
Kaagad naman itong tumango at hindi na nagtanong pa. Siguro ay na-sense niya na wala ako sa mood.
Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko si Gray at Leiya na magkayakap. Okay, that was a nice view. Parang kagabi lang ay baby ang tawag niya sa akin, ngayon ay nasa iba na ang atensyon niya. Wow, ganito pala ang mga lalaki.
“Ang ganda ninyong harang sa daan, can you move a little? I'm going to my room,” wika ko sa kanila. Dumasog naman sila. Nakita ko ang irap na nagmula kay Leiya.
“Ano ba ang nangyari sa inyo kagabi? Bakit ngayon lang kayo nakauwi? Alam mo bang nag-aalala ako sa 'yo? Okay, kay Asteria rin,” rinig kong sabi ni Leiya kay Gray habang nasa loob ako ng kuwarto. Mabuti na lamang at hindi niya pinunit ang anuman sa damit ko. Kung hindi ay 'di ako makauuwi.
Tiningnan ko ang kabuuan ko sa salamin at bumuntonghininga. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na I should make a distance from the other guys, pero ako pa itong abot ang papansin kay Gray.
“Nakitulog lang kami kina Inday dahil sobrang lakas ng ulan kagabi,” dahilan ni Gray. Hindi dapat ako nakikinig sa usapan nilang dalawa, pero tutal nandito na rin ako sa loob. Tinapat ko ang tainga ko sa pintuan upang pakinggan itong mabuti nang biglang bumukas ang pintuan na muntik ko nang ikadapa.
“Uhm, Asteria?” wika ni Gray habang nagtatakang nakatingin sa akin. Dali-dali akong napaayos ng tayo saka tumakbo palabas. Ano raw, Asteria na lang? Parang noong nakaraan ay binibini pa ang tawag niya sa akin.
Ganito ba talaga ang ugali ng isang Gray Anderson? He was so freaking rude, but handsome.
Inalis ko sa isipan ko ang pag-iisip na 'yon. Ilang araw na ba akong hindi nagse-cell phone? Ni hindi ko na nakakausap ang mga kaibigan ko. Humanap ako ng signal upang makatawag sa kanila at luckily, mayroon naman, pero ang layo ko na sa bahay nina Tiya Cecilia. Well, soon to be Mother Cecilia, charot.
Una kong tinawagan si Blaire, pero out of reach. Sunod naman si Meghan, pero wala rin. So ang huli kong option ay si Claire.
“Hello, poks!”
Wow, ang gandang bungad naman nito sa akin. Sa boses pa lang niya, halatang may masamang nangyari sa kanya.
“Long time no call. I just want to say that even when I'm here in the province, I could sense that you're haggard," wika ko sa kanya, ngunit tumahimik sa kabilang linya. Don't tell me, binaba niya?
“There's so many bad things that happened to me when you're gone. My parents decided that I should marry Lexus Reverence.” Buntonghininga niya. Well, sino ba naman ang gustong magpakasal kay Lexus Reverence? Even I will be problematic if sa akin siya ia-arange. Who wants to have an old man as a husband?
“Oh, shookt. That's a big problem. What will be your solution for that?”
“You know me. And besides, I received an invitation from Desire Island. Do you wanna hear about it?”
That's new. I never heard about that island. At paano naman no'n masosolusyunan ang problema niya?
“How can it help you?” tanong ko.
“You'll see,” huling sabi niya. Agad ko sanang sasabihin ang problema ko nang binaba niya na ang tawag. Hays, What am I supposed to do with my problem? I'm confused with my feelings right now.
Totoong kakaiba ang nararamdaman ko kay Gray, pero bakit bigla na lang siyang nagbago kani-kanina lang? Is that how he was supposed to act around me after he getting my V card?
Nang mayari na akong magmuni-muni ay tinawag ako ni Tiya Cecilia para magtanghalian. Himala at nandito si Blake. The last time I saw him was when I used him to make Gray jealous. Nakita kong magkatabi na naman sina Gray at Leiya na lagi namang nangyayari. Ang kaibahan lang ay hindi niya ako pinapansin. Ni hindi niya ako inalok ng upuan.
“Dito ka na sa tabi ko, Asteria,” alok ni Blake na ikinatango ko. Agad akong nagpasalamat sa kanya at ngumiti.
Nagsimula kaming kumain habang masaya silang nag-uusap nang biglang putulin ni Leiya ang daldalan. “May sasabihin po kami sa inyo ni Gray,” panimulang wika nito saka humawak sa kamay ni Gray na nasa lamesa.
“Ano iyon, iha?” tanong ni Tiya Cecilia na magiliw na nagsasandok ng ulam.
“Buntis po ako,” sambit niya na halos ikalaglag ko sa upuan. Huwag mong sabihin sa akin na si Gray ang ama?
Ano ba ang nangyayari?
Asteria's Point of View“Naku, iha, napakagandang balita niyan, ngunit alam na ba 'yan ng magulang mo?” tanong ni Tiya Cecilia na parang kalmado lang sa winika nito.Hindi ako mapalagay, huwag sana maging tama ang iniisip ko, kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko.“Hindi pa po, pero ipapaalam ko po sa kanya once na makauwi ako sa amin,” masayang wika nito habang nakatingin nang diretso kay Tiya.Napatango naman sila nang bigla itong magsalita, “Kaya lang po, bago 'yon nais ko pong ipaalam sa inyo na si Gray ang ama,” sambit nito habang nakangiti sa akin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, pero this time, hindi ko maitago ang sakit na nararamdaman ko.
Asteria's Point of View“Ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin. Hindi ko maiwasang mamangha sa kaguwapuhang taglay niya.Napatingin ako sa lalaking sinuntok niya na ngayon ay nasa sahig na at nakahawak sa panga nito. Akmang susuntukin ulit siya nito nang hawakan nito ang kamao ng lalaki at sinipa pataas. Daig ko pa ang nanood ng action movie sa ginawa niya. Hindi mapigilan ng ibang pumalakpak habang ang bouncer ay pumunta upang alalayan ang lalaki at tinanong ang nangyari.“That man tried to harass me!” asik ko habang galit na itinuturo ang lalaki. How dare he harass Asteria Bellamy, the only daughter of the owner of the third richest company in the world?“We will check the CCTV, ma'am. If we confirmed it,
Asteria's Point of ViewNagulat ako ng may tumawag na pamilyar na boses sa akin. “Asteria?” ulit pa nito na ikinatulak ko kay Terrence. Agad akong lumingon sa likuran ko at nakita ko ang inaasahan ko kanina na ngayon lang dumating. Si Gray.Tagatak ang pawis niya habang hinihingal siya. Nagtataka siyang nakatingin sa aming dalawa ni Terrence.“Who is he?” tanong ni Terrence. Pinasadahan nito ng tingin si Gray.“Ah, siya nga pala si Gray ang . . . .” Hindi ko alam ang idudugtong ko dahil unang-una, wala naman kaming label, at isa pa, malabong itong mangyari dahil sa sitwasyon nila ngayon ni Leiya. “. . . ang aking kaibigan. Gray, siya naman si Terrence. Iniligtas niya ako kanina sa lalaking
Asteria's Point of View“So, sino talaga ang tunay na ama ng dinadala ni Leiya?” tanong ko habang nakahiga sa mga braso niya. Kasalukuyan kaming nasa ilalim ng puno malapit sa bahay nila habang ang sapin namin ay tela na parang pang-picnic na nakuha namin sa damitan ni Tiya Cecilia.“Well, when we got home, she seeked for my help to make Blake jealous and take his own responsibility,” wika ni Gray habang nakatingin kami sa langit na puno ng nagliliwanag na mga bituin. Sadyang nakaka-relax ang ganitong bagay. Natutunan ko na mas maganda ang ibang gawain dito sa bukid kaysa sa pagharap sa mga gadgets.“Weh? Si Blake ba talaga ang ama no'n? Kakaamin niya lang sa 'kin, eh,” sambit ko sa kanya. Agad naman siyang napaupo sa sinabi ko habang nakakunot ang noo niya.
Asteria's Point of View Ilang oras na simula nang umalis si Blake papunta sa bukid. Pagkayari niyang sabihin iyon ay kinulit ko siya kung anong nangyare, pero ngumingiti lang sa akin. “Past is past, hindi mo na dapat binabalik ang nakalipas na,” wika niya habang nakangiti lang sa akin at saka lumabas. Samantalang katatapos ko lang maligo at ngayon ay nagbibihis na ako. May klase kami at required pumasok. Nakita ko sina Leiya at Gray na nasa lamesa. “Oh, may acting pa ba? Wala na si Blake, ah,” wika ko habang nakataas ang kilay. Masyado yata nilang ginalingan ang pag-acting at hanggang ngayon ay ginagawa pa rin nila, eh wala naman na si Blake. “Gray, sinabi mo sa kanya?
R18: READ AT YOUR OWN RISK.Asteria's Point of ViewIlang araw na kami hindi nagpapansinan ni Gray, marahil ay galit pa rin siya sa ginawa ko na pinaghintay siya tapos kasama ko lang pala si Terrence, and hindi ko man lang sinabi sa kanya ang tungkol sa amin.Ilang beses ko nang tinangka na kausapin siya, pero lagi akong nabibigo dahil hindi niya ako pinapansin. Sa tuwing kauusapin ko ito ay bigla itong may gagawin. Sinubukan ko rin na kausapin siya ngunit, lagi na siyang sumasama sa bukid kasama ang magulang niya.“Sis, ikaw ang maid of honor, ah. Alam mo na igi-gift mo sa akin, Hermes lang,” wika niya na agad kong ikinatawa. Ilang araw na rin simula nang maging legal sa pamilya sina Blake at Leiya haba
Asteria's Point of ViewNagising ako sa isang kamay na tumatapik sa akin. Agad ko namang tinapik ito nang mahawakan ko na hindi pamilyar ang kamay nito. Agad akong napadilat nang kaunti at nasinagan ko ang isang anino na parang si Dad. Well bakit naman sila pupunta rito?Pumikit ulit ako at hindi pinansin kung sino 'yon nang bigla itong magsalita, “Asteria!” wika nito na agad kong ikinabangon. Sandali, boses ni Dad 'yon, ah.Dali-dali akong lumingon at nakita ko si Dad na nakasandal sa pintuan. Anong ginagawa nila rito? Huwag mong sabihin na susunduin na agad nila ako?“Dad, what are you doing here?” asik ko at nagmamadaling bumangon upang maghilamos dahil wala pa ako kahit anong sipilyo o hi
Asteria's Point of ViewNakaupo na kami ngayon ni Lola at nagsimula siyang magkuwento tungkol sa pag-iibigan nila ni Lolo. Ang alam ko ay sa huling war ni Lolo ay matagal na ganoon din ang pagkikita nila dati ni Lola.“Nagsimula ang lahat no'ng pinapunta ang lahat ng mga sundalo dahil sa WWII. Wala akong magawa kung hindi payagan ang lolo mo. Bata pa kami noong mga panahon na 'yon, pero sariwa pa rin sa akin nang simula siyang tumalikod at kung paano ako hilahin ni Ina para umuwi sa amin,” wika niya habang hawak-hawak ang panyo na iniregalo sa kanya ni Lolo noong nakaraang kaarawan niya. Dahil kami pa mismong nag-gayak noon sa amin sapagka't pumunta pa sila rito para dito mag-celebrate.“Paano po ang ginawa ninyo, Lola, no'ng mga panahon na 'yon?” tan