Share

Kabanata 10.2

HINDI PA RIN maalis sa isip ni Ann ang kakaibang kilos ni Clayton noong kinuha nito ang cellphone na tumutunog kanina at mabilis na patayin ang tawag ngunit pinilit niyang isawalang bahala iyon dahil baka nag-o-ovethink lang siya. Isa pa, may usapan na sila ni Clayton na aayusin ang relasyon para kay Rence. 

Nag-ayos na lang siya ng gamit ng anak dahil nang tanungin nila ang doktor kung maaari na bang iuwi si Rence, pumayag na ang mga ito. Ayon sa kanila, pwede nang makauwi ang bata at ibalik na lang sa next schedule nito para alisin ang benda at tahi sa ulo nito. 

Panay ang silip ni Ann kay Clayton at Rence na naglalaro pa habang siya ay nagtitiklop ng mga pinagbihisan nang makita niyang tumayo si Clayton at pinatong ang cellphone sa side table bago dumiretso sa common bathroom ng private room kung nasaan sila ngayon. 

Muli na namang tumunog ang cellphone na nakakuha ng atensyon ni An

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status