Share

Kabanata 16.2 (Present)

   "DADA!" Masayang sinalubong ni Rence si Clayton na kadarating pa lang mula sa trabaho. Binuhat ni Clayton ang bata na masayang nakatunghay dito at hinalikan sa noo si Rence. Nakaalis naman na si Clarisse na kapatid nito at si Ann, katatapos lang magluto ng hapunan nila. 

Sumandal si Ann sa hamba ng pintuan at pinagmasdan sila Clayton. Nakalapit naman na si Clayton na buhat-buhat ang bata at akmang papasok na noong magsalubong ang tingin nilang dalawa. 

"Ann," kiming bati ni Clayton sa kanya. 

Tumango si Ann sa direksyon nito at tuloy siyang pumasok sa loob ng bahay. Kasunod naman niya ang mag-ama. "Nakapagluto na ako. Ipaghahain na ba kita?"

"Kumain na ba kayo ni Rence?" Lumingon si Ann para sana sagutin ito. 

"Hindi pa, Dada! Hintay ka namin! Sarap ulam! Want ko na kain!" Si Rence ang sumagot sa tanong ni C

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status