Share

Chapter 5: COLD PRINCE

Sapphire’s PoV

Lagpas hatinggabi na hindi parin ako makatulog. Iniisip ko kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa masungit na lalaking iyon, at hanggan ngayon wala parin akong nararamdamang kaba o takot sa aking dibdib kahit na alam kong kaming dalawa nalang ang narito sa malaki niyang bahay.

"Hays! Tumigil ka nga diyan Sapphire kung ano-ano ang pumapasok sa kukuti mo babae ka" pabulong kong sabi habang marahang sinasampal ang sarili ko. At ng tumingin ako sa itaas nikita kong nakatitig lang sakin ang lalaking masungit na ‘yon ng wala man lang ka emo-emosyon.

Naglakad ito pababa habang naka bulsa sa kaniyang pajama ang kanyang dalawang kamay. 

"Wala ka bang balak hubarin yang coat ko?" malamig nitong bigkas habang nagsasalin ng tubig sa baso.

Aba! May pagka manyakis din pala ang sungit na to! Huh! Baka akalain niya maghuhubad ako dahil lang sa pinatira niya ako dito sa bahay niya. *Huh! Asa ka!

"Hindi! Bakit may problema ka ba!?" masungit kong sabi habang nakahiga sa mahabang upuan na sing lambot ng kama.

"Kung hindi ka komportable diyan punta kalang sa taas" sambit nito saka tumalikod at naglakad muli pa itaas.

"At anong akala mo sakin? Basta-basta nalang bibigay! Haaaah! Akala mo kung sinong guwapo!" pasigaw ko sa kaniya habang nakatayo at naka pamiwang.

Humarap itong muli sakin, at ganun parin wala parin itong ka emo-emosyon. Ang lungkot siguro ng kabataan nito.

"May dalawa pang bakanteng kuwarto sa itaas, ikaw na ang bahala kung saan mo gusto matulog. At isa pa! Hindi kita type" malamig nitong paliwanag saka tuluyan ng naglakad.

Togs-togs-togs parang may karirang nagaganap sa aking dibdib. Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko para isipin na matutulog kami sa iisang silid lamang. Hindi ganyan umasta ang Prinsesa! Pabulong kong muni-muni.

Makalipas ang ilang minuto umakyat na rin ako sa taas. At tama nga siya ang daming silid na bakante dito, hindi lang dalawa dahil mayroon siyang total na apat na silid at magkakapareho ang mga pintuan.

“Saan ba dito ang kaniyang silid?” Naguguluhan kong saad.

Naglakad ako pa kanan upang tingnan ang pinaka dulong silid. Bumulantang sakin ang maalikabok na silid, na halos mga isang taon ng di nalilinisan. Marami itong gamit na pambata. 

“May anak kaya siya? tapos hiniwalayan siya ng asawa niya dahil masungit siya, Hahahaha, mali- mali Sapphire, o baka laruan niya ito nung bata pa siya, pero-- asan na ang mga magulang niya?” tanong na ‘di masagot ng aking guni-guni.

Lumipat na ako sa ikalawang silid at kumpara sa naunang silid na aking nabuksan ay malinis ito. Maganda ang pagkaka ayos ng mga gamit, may upuang mahaba dito gaya ng hinigaan ko sa ibaba. Marami din itong libro, paniguradong magiging masaya ako sa pagbabasa dito.

“Dito nalang ako matutulog” masigla kong sambit.

“Aha! Ang lambot nito huh! Mas malambot pa ito sa kama ko duun sa palasyo” saad ko habang tumatalon talon sa taas ng kama.

“Sandali nga lang-- baka importante kay ginoong sungit ang mga damit na ito” Tulala kong sabi habang nakatitig sa pantalon at damit na suot suot ko!

Binuksan ko ang kulay kayumangging kabinet at bumulaga sa akin ang tambak tambak na iba’t ibang kulay na kasuutan. May nakita akong puting kamisita na may konting kalakihan. Kinuha ko ito kasama ang isang bughaw na pajama na magka pareho ng suot ni ginoong sungit. 

Matapos duun ay may nakita akong maliliit na kabinet kaya nilapitan ko ito upang tingnan baka may suklay sila at mga pabango, nandidiri na ako sa amoy kong amoy damo at sa buhok kong daig pa ang leon. 

“Ano kaya meron dito?” malimit kong tanong sa sarili ko

May nakita akong bote na base sa mukha nito ay parang pabango.

“Uhooh! Uhoooh! Anong klaseng pabango ito?” Nauubo kong tanong habang tinitingnan ang nakasulat sa bote, 

“MO-U-TH- W-A-SH? Pagba baybay ko.

“Ano kaya ito? Ano ibig sabihin ng MOUTHWASH?” Nalilito kong tanong. 

Pero kinuha ko parin ito, dibale na magtitiis nalang ako sa amoy nito kaysa naman sa amoy damo kong katawan. Binuksan ko ang pang ibabang parte ng kabinet at marami itong garter-- ay hindi, ano ‘to? Lampin? Ang iksi-iksi naman. Binasa ko ang sulat na nakalagay sa garter nito. 

“C-A-LV-IN KL-IE-N?, Ano ‘to, pantali ng buhok?” muli kong tanong habang kinukuha ang isa dito.

“Anong ginagawa mo?” malamig na boses na narinig ko sa may bandang likod ko.

Dahan dahan akong tumayo ng hindi parin lumilingon, sigurado akong si ginoong sungit ito. 

“Diyos ko, ilipat muna ako ngayon sa kabilang kwarto” nangnginig kong panalangin sa aking isipan,

--Princess Louvier’s PoV

“Sa ngayun pansamantala ko muna inaalay sayo ang posisyon bilang Heneral ng hukbong sandatahan Ministro McGruden” hindi makapaniwalang reaksiyon ng mga Ministro matapos marinig ang aking salaysay.

“Bilang bagong Reyna ng Sylverstein, magbibigay ako ng tig-iisang daang pilak sa bawat binatilyong papasok sa pagsasanay bilang bagong kawal ng Sylverstein. Ipakalat niyo ang balitang ‘yan sa bawat sulok ng palasyo at maging sa labas nito. 

Punong Ministro Hugh nais kong ibigay mo ang lahat ng talaan ng mga pangalan ng kawal, tagapagsilbi, Ministro o kahit sino man na may koneksiyon sa dating Reyna, ayukong may ahas nakapaligid sakin, ni isa man o higit pa pare-pareho parin silang makamandag” manitik kong salaysay habang di na mapalagay ang apat na Ministrong kapanalig ni Reyna Qiana.

“Masusunod mahal na Reyna” malumanay na pag sang-ayon ni punong Ministro Hugh.

“At Ministro Fearnley ipatigil mo ang pag-aangkat ng mga gamot at asin papunta sa Kaharian ng Aerosmith, gayundin ang mga mangangalakal mula sa iba’t ibang karatig bayan nais kong mas higpitan niyo pa ang pagsisiyasat sa mga dala nilang kalakal” dagdag kong talumpati na siya namang sinang-ayunan ni Ministro Fearnley.

Matapos kong magbigay utos at patnubay ay tinapos ko rin agad ang pagpupulong upang dalawin ang aking Ina.

--

“Tinatanong kita, anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?” matigas nitong saad.

*Hindi ka dapat magpasindak sapphire, masungit lang siya pero matapang ka. Pangungumbinsi ko sa aking sarili.

“Wala lang, naghahanap lang ako ng silid. Akala ko kase hindi sayo ito, dahil wala namang ka tao-tao dito!” nauutal kong pangangatwiran ng di parin humaharap sa kaniya.

“At ano naman ang kinuha mo diyan sa kabinet ko?” muli nitong tanong at nauubusan na ako ng sagot, kailangan ko na talagang makaalis dito.

“Sige lilipa---aa--” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng lingunin ko ito at nakita kong wala itong damit at naka tuwalya lamang. Namutla akog bigla, para bang hinuhuthot ng isan-daang bampira ang aking dugo. Maging ang mga tuhod ko ay nanghihina narin, sa tinagal tagal ko rin sa palasyo ay hindi ako nakaka kita ng mga lalaking naka hubad. *Malamang malamig doon. Pero impyernes ang ganda ng katawan ni sungit, ang amo talaga ng mukha niya kahit nakasimangot. Dahan dahan itong lumapit sa akin, siya ring pag-atras ko hanggang sa umabot na ako sa dingding. 

“Huh! Huh! Huh! Diyos ko hindi na ako maka hinga, parang biglaan ata akong nagka hika, buwisit talaga ang lalaking ito, ang lakas lakas ng karisma. Pinatong nito ang kaniyang kanang braso 

sa pader na para bang gusto akong ikulong sa kaniyang mga bisig. Wag na wag kang magtatangkang hawakan ako, dahil patay ka talaga sa’kin. Unti-Unti nitong inilalapit sa’kin ang kaniyang mukha. Ang perpekto ng kaniyang mukha, matatangos na ilong, ang mapula-pula niyang maninipis na labi, at ang kaniyang mala kahel na mga mata na siyang siguradong aakit sa bawat babaeng makikita siya. 

“What do you want baby?” nakangisi nitong tanong na ‘di ko maintindihan ang kaniyang sinasambit.

“Oo” Halos mapatalon ako sa aking sagot, ang bobo ko para umuo sa tanong na ‘di ko man lang naintindihan.

“Ha! Silly girl” nakangisi nitong saad at tumingin ito paibaba saka sabay na ngumiti na para bang bata. Mas lalong tumingkag ang kaniya ka guwapohan. Ito ata ang unang beses na nakita ko itong ngumiti. 

“Girls don’t wear brief” sabi nito sabay na kinuha mula sakin ang garter na kinuha ko mula sa kaniyang  kabinet. Buti nalang nalagay ko sa aking bulsa ang pabango at hindi niya ito makukuha. Brief pala ang tawag doon, saan kaya yun ginagamit? Bakit walang ganun sa palasyo namin? *sambit ko sa aking isipan.

Itinaas nitong muli ang paningin at tinitigan ako sa aking mga mata. Parang ilang segundo nalang sasabog na aking puso na kanina pa nagwawala sa sobrang bilis ng pagtibok. Itinulak ko siya palayo saka nagmamadaling lumabas ng kaniyang silid.

“Yung t-shirt ko ibalik mo!!” sigaw ni ginoong sungit mula sa kanyang silid pero hindi kona ito pinansin at pumasok na ako sa kabilang silid.

--Tracy’s PoV

“Ibang klase rin ang babaeng yun huh! Akalain mo sa dinami-dami ng tao sa mundo si Greyson pa talaga ang napili niyang samahan. Huh! Tingnan nalang natin kong magtatagal siya doon” Panimula kong storya habang naka-upo kami ni Harris sa isang Cake Shop.

“Bakit sino ba ‘yon? Bakit kaya pumayag si Greyson na patirahin ang babaeng ‘yon sa bahay niya, eh tayo nga itong mula pagkabata niyang kasama ayaw niya patirahin doon” ika ni Harris.

“Walang nakakaalam, basta ang alam ko may malalim na dahilan si Greyson doon, at iyon ang kailangan nating malaman” mahina kong sagot habang nakatingin sa lalaking nasa katabing table namin sa may bandang likuran ni Harris.

“Oh bakit, busog kana?” 

“Kailangan na nating maka alis dito- alam muna ang ibig kong sabihin” mariin kong sagot. Hindi ko parin inaalis ang aking paningin sa lalaking ito, at kung hindi ako nagkakamali nakita ko na ito dati.

“Tara na!” mabilis na saad ni Harris at tumayo agad habang kinukuha ang kanyang Hospital gown.

Lunch break nila kase kaya niyaya niya ako nitong lumabas.

Nagmamadali kaming lumabas ni Harris matapos naming bayaran ang aming mga pagkain. 

“Kahit saan talaga hindi na natin sila maiiwasan, lumiliit na ang ating mundong ginagalawan” Hinihingal kong sabi habang marahang tumatakbo suot ang aking 5 inches stick heels.

“Hatid na kita sa apartment mo” pag i-insist ni Harris. Kaya ko naman silang labanan, ha! baka di nila kilala kung sino kinakalaban nila. Pero maalaga lang talaga si Harris kaya di na ako nagsalita pa at nagpatuloy nalang kami sa pag lalakad patungo sa kaniyang kotse.

“Nagmamadali ata kayo! Hindi niyo man lang ba ako pauunlakan, ang layo pa ng nilakbay ko para lang mahanap kayo at ng isa niyo pang kasama” sabay kaming napahinto ni Harris ng marinig namin ang tinig ng isang lalaki mula sa aming likuran.

“Vincent!?” Gulat naming sambit ni Harris ng makita namin ang lalaking naka tayo sa may likuran namin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status