Share

Chapter 5

Author: Raw Ra Quinn
last update Last Updated: 2020-11-18 11:58:49

Wala na silangng imikan hangang makarating sila sa bahay nila Gabino.

Badtrip talaga siya dahil sa sinabi nitong akala nito insecure siya kay Millet. Si Millet na naging muse lang dahil hindi siya nakasama sa mga pag pipilian dahil sa higher section lang kumukuha ang school nila.

Bungalow ang style ng bahay nila Gabino, simple pero makulay dahil pintura ng bahay nila na blue, pink at yellow. Idagdag mo pa ang mga nag gagandahang bulaklak na alaga ng mama ni Gabin.

Nakita niya kaagad ang mama ni Gabino na nag didilig ng mga halamangbtanim nito kaya lumapit siya dito at nag mano. Kilala niya na ang mama ni Gab dahil nung second year mag kakaklase sila nila Gab at ng kuya niya, kaya madalas silang mag kapatid dito para gumagawa ng mga project at report. Lagi rin kasing may pamiryenda ang mama ni Gab kaya naman nawili sila dito.

"Kamusta po tita Grace lalo kayong gumaganda ah" nakangiting bati niya dito.

"Ito talagang si Sabrina napaka bolera" natatawang sabi nito. Maganda naman talaga si tita Grace para nga lang silang mag kapatid ni Gab

"True naman yon tita hindi bola." Aniya pa dito. Nakakatawa lang dahil mas close pa siya dito kesa sa mommy niya. Hindi kasi sila nakakapag bonding ng mommy niya.

"Ma pasok muna kame" sabi ni Gab na humalik sa pisngi ni Tita Grace saka hinila na siya papasok sa bahay deretso sa kusina nila

"Asan si Jasmine?" Tukoy niya sa kapatid nitong mas bata sa kanila ng walong taon.

"Nasa kwarto niya" sabi nito saka nilapag ang mga pinamili namin sa lamesa at isa isang tinanggal sa plastic ang laman. "O ikaw ang mag balat ng carrots pa cube ha" utos nito sabay abot ng peeler at kutsilyo saka ng sangkalan. Pumunta ito sa lababo at hingusan ang karne.

Parang nawala ang inis niya dito habang pinapanood niya ito habang kumikilos sa kusina. Ang smooth ng galawbnuto at halatang halata na sanay kumilos sa loob ng kusina.

Napaka gwapong chef siguro nito kung may soot na chef uniform.

"Hindi ka pa ba sinasagot ni Millet?" Pag kuwan ay tanong niya dito. Naupo siya sa upuan na nakaharap sa lamesa at inumpisahan na niyang balatan ang carrots.

"Bakit mo natanong?" Sagot nitonna hindinman lang lumilingon sa kanya

"Wala naman curious lang ako" kibit balikat niya

"Hindi pa" anito

'Hindi pa'. Ibig sabihin lang may tyansa pa siyang ipag patuloy ang pag lalandi dito at kailangan niyang mag madali na madevelope sa kanya si Gab bago pa siya maunahan ni Millet! Napangiti siya.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan" naka kunot ang noo na tanong nito. Nakatungin na rin pala ito sa kanya.

"Cute mo kasi eh" wala sa sariling nasabi niya

Nagulat naman ito pero natawa lang "Uy crush niya ko" pabirong sabi nito habang tumatawa

"Crush ka dyan. Gusto kaya kita" sabi niya naka tingin sa mga mata nito. 'Uy kikiligun na yan..!' Natatawang bulong niya sa isip. Natigilan naman ito at sumeryoso ang mukha kaya medyo kinabahan siya. Baka mabigla ang loko at ma friendzone siya. Uso pa naman yon. "joke!" Dugtong niya nalang sabay tawa. Napaka tabil niya talaga.

NAPAPAILING nalang siya dahil sa kalokohan ni Sab. Kinabahan siya don ah, akala niya talaga seryoso na ito sa sinabi nito. 'Sheet sayang.'

Naaliw na pinag mamasdan niya ito habang hirap na hirap sa pag babalat ng carrots kahit peeler na nga ang gamit nito. Halatang walang alam sa pangungusina si Sabrina. Di niya maiwasang mapangiti lalo na kapag kumukunot ang noo nito kapag dumudulas ang peeler.

Crush niya ito first year palang sila, kaya nga pilit niyang kinaibigan ang kuya nito dahil mailap si Sabrina. Halos wala itong ibang kaibigan dahil maloko at maldita.

Hanggang ngayon nga di niya magawang ligawan ito kahit na gustong gusto na niya. Natatakot kasi siya na baka ma basted lang siya at ang malala pa ma-friendzone o layuan siya nito.

'Haay ang hirap naman mag ka gusto sa ka-tropa tsk!'

TAPOS na silang mag luto. limang grupo ang kasabay nulang nag prepare. Wala naman siyang ginawa kundi mag abot lang ng mag abot ng ingredients habang si Gab ang nag luluto.

Nang mag recess sabay na silang pumunta ni Gab sa canteen dala yung tirang menudo.

Pag pasok sa pinto nakita agad nila sina kuya sa isang lamesa

"Mauna kana dalhin mo na to bibili lang ako ng kanin" paalam nito

"Isa sakin ah. Dun ko nalang bayaran" pahabol niya pa dito.

"Libre ko na" nakangiting sabi nito

"Sige dalawahin mo na"

"Takaw!" Kantyaw nito na inirapan niya lang saka lumapit na sa kuya niya.

Mag kakatabi sina kuya, Mateo, Manolo at Arjay katapat naman ni kua si Erika kaya tumabi na siya kay erika

"Kelan ka pa umuwi?" Tanong niya kay erika

"Kagabi pa" anito na hindi lumilingon sa kanya.

"Si Gab?" Tanong ni Arjay.

"Bumiling kanin. May ulam kame eh yung niluto namin sa TLE." Sabi niya sabay tanggal ng takip sa Tupperware.

"Uy sarap yan ah" sabay sabay na sabi ng mga ito at parang mga batang nag unahan pang mag sikuha.

"Ano ba! Tirahan nyo naman kame mga PG!" inis na sabi niya pero pinag tawanan lang siya ng mga ito.

"Oh ayan. Sayo na yang adobo namin" sabi ni Mateo at itinulak ang Tupperware na may lamang adobo sa harap niya.

"Adobo ba yan? Bakit mukhang nagulat ang putla?" Nakangiwing sabi niya.

"Siraulo kasi tong si Mateo andaming sinabaw na tubig" ani Manolo na sarap na sarap sa menudo namin.

Dumating na si Gab at tumabi sa kanya. Nilagay nito sa harap niya ang plato na may dalawang takal ng kanin saka isang tasa na dinuguan

"Oh bakit bumili ka pa ng dinuguan?" Tanong niya dito.

"Alam kong mauubusan tayo ng ulam eh" nakangiting sabi anito saka nakangising ingunuso sila Mateo at Arjhay na nag aagawan pa sa ulam. Napangisi nalang din siya. Buti nalang talaga bumili ito kung hindi yung maputlang adobo ang uulamin nilang dalawa.

Nag simula na silang kumain ng lumapit si Millet. Bigla siyang nawalan ng ganang kumain. Nakakaumay ang mukha nito sa totoo lang!

"Hi, pwede ba akong maki share ng table?" Sabi nito na may hawak na tray. Pa cute na ngumiti pa ito kay Gab at parang nag puppy eyes pa.

'Tinidurin kita dyan e, landi nito!'

"Ah sure" sabi ni Gab at pinag hila pa ito ng upuan. Napaismid naman siya. Halatang excited ang loko ng dumating si Millet.

Umusog papalapit sa kanya si Erika at bumulong. "Sino yan?" Tanong nito na masama ang tingin kay Millet.

"Si Millet, nililigawan daw ni Gab" bulong niya rin dito

"Shit diba yan yung taga higher section?! Valedictorian yung karibal mo?! Kabog ka ghorl e, kahit line of eight di maligaw ligaw sa card mo" natatawang sabi nito. Inirapan niya lang ito at sinimangutan.

"Gaga palakulin kita grades ko eh. Akala mo naman may line of eight ka dyan" balik kantyaw niya dito.

"Uy sorry, eighty one ako sa English noh. ghorl excuse me" pag yayabang pa nito saka maarteng hinawi ang buhok nitong hanggang balikat lang.

"Pano nag donate si tito ng pang pintura sa building A" pang aasar niya dito.

Ha-ha lang ang naging tugon nito sa kanya. Na ikinatawa nilang dalawa.

NAPA ANGAT ang mukha niya mula sa pag kakayuko habang inaayos ang gamit niya ng may tumayo sa harapan niya.

Si Jessisca naka pameywang pa ito at ang taas ng pag kakataas nito ng kilay plakadong plakado. Ano nanaman kaya ang drama ng hitad na to at mukhang balak pang gumawa ng eksena.

"Problema mo?" Nakataas ang kilay na tanong niya dito.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko!" Sigaw nito sa kanya at dinuro duro pa siya. Nag tinginan ang ibang classmate nila dahil sa sigaw nito.

Tinabig niya naman ang kamay nito at pinahid ang kamay sa pisngi niya "Ngina na naman talsik laway mo" nandidiring inamoy niya pa ang kamay niya "yuck!" Nakangiwing sabi niya pa. Nag tawanan ang mga nanonood sa kanila na lalong kinagalit nito.

"Your so kapal at ikaw ang yuck! After mong akitin ang bf ni Millet. nilalandi mo naman ngayon si Gabby kahit alam mong we have something special . Your so desperate and cheap, you know!" Asik nito sa kanya.

'Wow just wow! Coming from you? kundi ka ba naman talaga ilusyonada!'

"Pwede ba, Jessica lubay lubayan mo ko!" Tamad na sabi niya dito sabay sukbit ng bag niya. tinabig niya ito at mabilis na tinalikuran, wala siya sa mood makipag away ngayon kaya mas mabuti pang umiwas nalang lalo na at may last warning na siya sa guidance.

Pero bago pa siya makalabas ng pinto nag salita pa ito

"Hindi ka magugustuhan ni Gab, dahil pariwara ka!" Malakas na sigaw nito

Nilingon niya ito at nginisihan sabay dirty finger at tuluyan ng lumabas ng room

Lintik na babae yon akala mo kung sinong santa kung hindi niya pa alam na sinusuhulan lang ng magulang nito ang mga teacher nila kaya nakakapasa! samantalang suya kaya lang bumababa ang mga grades dahil sa dami ng absent pero pag dating naman sa mga test matataas ang grade niya kesa sa Jessica na yon. Ang kapal ng mukha palibhasa kinulang sa iodine ang utak kaya utak talangka! 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Crazy Tease (tagalog)    Final Chapter

    Sabrina's POV"Nay, dali!" malakas na tili ni Leticia. Napabuntong hininga na lang siya sa anak. Hindi niya alam kung bakit ba madaling-madali ito na pumunta sila sa Garden. Dalawang araw na siyang matamlay dahil busy si Gab sa restaurant at hindi nakakadalaw sa kanila. Hindi pa rin kasi sila nito sinusundo may mga inaasikaso pa raw kasi ito."Asan ba ang mga Kuya mo?" tanong niya sa anak dahil hindi pa niya nakikita ang kambal simula pa kanina. "Dahan-dahan, anak," saway niya kay Leticia dahil pababa na sila ng hagdan.Nang malapit na sila sa pintuan palabas ng garden nakarinig siya nang pag-strum ng gitara. Medyo dim ang liwanag dahil alas siyete na rin naman ng gabi. Patay ang ilaw sa pathway na papunta sa garden. Nagtaka siya dahil hindi naman pinapatay ang ilaw pathway.Nang makarating sila sa pinto ay biglang lumiwanag ang paligid. Tumugtog ang drums at piano kasabay ng pag-strum ng gitara. Kasunod niyon ay isang pamilyar na tinig. Malamig at napakagandang tinig.Maluha-luha siy

  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 43

    Gabino's POVNagising siya sa marahang haplos sa noo niya. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niya si Sabrina na nakatunghay sa kanya."Sab..."Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Ilang araw na rin kasi siyang hindi nakakatulog dahil sa kakaisip sa sitwasyon nila ni Sabrina."Puwede na ba tayong mag-usap?" malambing ang boses ni Sabrina. Nakangiti din ang mga mata nito.Tumango siya at bumangon. Bumuntong hininga naman si Sabrina at nagsimulang magsalita."Sorry... Dahil iniwan kita no'n ng hindi man lang pinapaalam sa'yo na magkaka-anak na tayo. Magulo ang buhay ko no'n. Umalis si Mommy at Kuya, nagdala ng babae si Daddy sa bahay. Pakiramdam ko hindi na ako parte ng kahit kaninong pamilya. I don't see any future for me that time. I feel lost. Then I found out that the girl my father brings home is my real mother."Napatingin siya kay Sab. Malungkot ang mga mata nito. Ngayon niya lang nalaman na ang bagong asawa ng Daddy nito ang tunay nitong ina."Hindi ako nagdadahilan kaya

  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 42

    Gabino's POVAraw-araw nasa Villa siya para bisitahin ang mag-iina niya simula nang sampalin siya ni Sabrina. Nasaktan siya sa ginawa nito pero hindi naman siya nagalit. Alam niyang ayaw nitong kumakampi siya sa iba pero... hindi naman niya matiis si Maria. Maria is a good friend, ito ang nag-recommend sa kanya kay Don Damian. Bukod pa doon mabait naman at maasahan si Maria, madalas nga lang itong mapaaway dahil sa ugali nito. Iba kasi ang ipinapakita nitong ugali sa ibang tao kaysa sa tunay na ito. Hirap lang talaga itong makibagay sa mga tao lalo na at mababa ang self-esteem nito. At ang mga sinabi dito ni Sabrina ay mas lalo lang magpapababa nang tingin nito sa sarili kaya naman hindi na niya napigilang awatin si Sabrina.Ang kaso siya naman ang na-bad shot kay Sabrina. Ayaw siya nitong kausapin, kahit harapin. Kahit na nga nakikiusap siya sa labas ng pintuan nito ayaw siya nitong pagbuksan. Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit pumayag pa siya sa Lolo nito na dumito na muna sa Vil

  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 41

    Sabrina's POVParang bumalik sila ten years ago. Naging maasikaso na uli si Gabino sa kanya. Bawat galaw at bawat kibot niya naka-alalay ito. Para siyang babasagin kung ituring nito.Masaya siya na bumabalik na uli sila sa dati. Bumalik na ang Gabino na minahal niya.Agad siyang napangiti nang pumasok ito sa hospital room na kinaroroonan niya. Ngayon na ang discharge niya. Ngumiti rin ito sa kanya saka iwinagayway ang mga papel na hawak nito."Uwi na tayo," anito saka nilapitan siya.Agad na niyakap niya ito. Gustong-gusto niya kapag niyayakap niya ito at nararamdaman ang init nito. Gumanti ito ng yakap sa kanya at hinalikan ang ulo niya."Tara na?" anito ng humiwalay sa kanya.Tiningala niya ito at hinaplos ang pisngi. "I love you, Gab," aniya saka inabot ang labi nito at pinatakan ng halik.Pumikit ito at idinikit ang noo sa noo niya, saglit silang na sa ganoong puwesto hanggang umayos ito ng tayo. Muli nitong hinalikan ang ulo niya saka tumalikod para kuhanin ang wheelchair na nasa

  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 40

    Sabrina's POVPumasok siya sa masters bedroom pero wala doon si Gabin. Nilapitan niya ang anak na mahimbing na natutulog sa kama. Niyakap niya ito at tahimik na napaiyak.Mali ba siya nang magdesisyon siyang umalis noon? Ang iniisip niya lang naman noon ay ang kapakanan ni Gab pero... Ano nga kaya kung nanatili siya? Anong naging buhay nila Gabin? Siguro'y mas masaya kahit mahirap.Halos manikip na ang dibdib niya sa kakaiyak ng biglang kumirot ang puson niya. Napahawak siya doon dahil namilipit na siya sa sakit, napahigpit tuloy ang yakap niya sa anak kaya ito nagising."Aahhh..." ungol niya dahil mas lalong tumindi ang sakit."Nay... Bakit po?" tanong ni Leticia na nakaupo na sa tabi niya at hinihimas ang buhok niya. "Nay?" kita niya ang takot sa mata ng anak sa nakikitang paghihirap niya.Naramdaman niya ang mainit na likidong gumagapang sa hita niya. Hinawakan niya iyon at halos mawalan siya ng kulay ng makitang dugo ang na sa hita niya."Sugat ka, Nay?" ani ni Leticia saka nag-um

  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 39

    Sabrina's POVHalos araw-araw kasabay ni Gab umuuwi si Maria sa bahay. Laging nag-uusap ang mga ito sa opisina ni Gabin sa ibaba pagkatapos ay sasabay maghapunan sa kanila si Maria bago ihatid ni Gabin.Hindi niya itinago ang inis sa pinsan niya. Harap-harapan kasi nitong nilalandi si Gab at parang okay lang iyon kay Gabin. Nakakapanggigil! Pati mga bituka niya nanggigil sa pinsan niya.Madalas pa siyang ngisihan ni Maria na mas lalong kinaiinis niya. Katulad na lang ngayon na sa kusina siya habang umiinom ng kape. Lihim niyang binabantayan ang dalawa. Ngayon lang kasi inabot ng gabi ang mga iyon na nag-uusap. Na sa taas na ang mga anak niya at tulog na. Hinihintay niya na lang matapos mag-usap ang dalawa dahil gusto niyang makipaglinawan kay Gabin. Hindi uubra na harap-harapan siya nitong binabalewala lalo na sa harap ng pinsan niyang mahadera."Gusto ko ng kape," anito sa kanya. Nag-uutos at hindi nakikiusap."Di magkape ka," inis na aniya kay Maria.Ipinaikot nito ang mga mata sa k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status