Share

The Outlaw’s Darling - Chapter 4

The Outlaw’s Darling - Chapter 4

UMUURO sa matinding sakit ang ulo ni Alana. Napaungol siya nang malakas.

Iniangat niya ang isang kamay upang sapuhin ang kanyang noo. Ngunit hindi siya makagalaw.

Tinangka niyang kumilos.

Napakunot-noo si Alana. Bakit hindi siya makakilos?

Pinilit niyang dumilat. Her eyes were gritty with fine particles.

Ngunit napamulagat pa rin siya nang maramdamang umaalog ang kama niya. At tila napakalapit niya sa bintana...

"A-ano'ng--?" umpisa niya, paungol. Na nauwi sa pagkabigla. "Oh, my God! Nas'an na ako?"

She craned her neck to look up.

Napagtanto na niyang nasa loob siya ng isang umaandar na sasakyan. Nakaharang ang mataas na upuan kaya pinilit niyang iangat nang husto ang kanyang ulo.

Ngunit biglang nagkabaku-bako ang daan. Nakalog ang buong sasakyan kaya muling bumagsak si Alana.

Habang tinitiis niya ang pagkaliyo, unti-unting nagbalik ang mga nangyari kagabi.

Nagk

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status