Chapter 36 Nakakunot ang noo ni Lhauren sa sasakyan na mula siguro nang umalis siya ng mansyon ay nakabuntot na sa kanya. Nag-park din iyon sa ospital kaya natilihan siya. Dinampot niya ang kanyang radyo, “Kuya Anton, that red car followed us from the mansion down here.” “’Wag ka munang bababa. Aabangan ko,” anito kaya naman sumunod siya sa utos. Nakita niyang nagbunot ng baril si Anton nang bumaba ng sasakyan. Mas lalo siyang kinabahan dahil hindi pa rin bumaba ang nasa kotse na pula, pero kapagkuwan ay may babae roon na lumabas. Dire-diretso iyon papasok sa ospital at mukhang may pasyente lang sa loob. God. Kinabahan lang siya para sa wala. Itinago rin ni Anton ang baril at saka siya ipinagbukas ng pinto. “Mukhang dito talaga ang punta,” anito kaya natatawa siya. “Yeah,” she said and hopped out. Masyado siyang napa-paranoid sa mga tao. Sa bar, iniisip niya ay may nakatingin sa kanyang lalaki. She just ignored her fear and walked inside the hospital's lobby. Nakangiti siya
Chapter 37She arrived.Ang sama ng tingin niya sa ama nang datnan niya na nas sala pa rin. Nasa isang oras lang naman siyang nawala kaya malamang ay gising pa talaga ito.Lumipad ang mga mata ni Charles sa kanya nang padabog niyang isara ang pinto, at muntik pang tamaan si Anton.“You have to explain something to me!” she cried right away, “Kapag hindi mo naipaliwanag nang maayos, lalayas na kami ni Jadon!”Gusto niyang makonsensya sa pagtaas ng boses niya sa ama pero wala siyang magawa. She was so hurt.“W-What? Anong ibig mong sabihin, anak?”“You knew about Jace and Ate Leica!” humagulhol siya, “Kinunsinti mo ba sila?”“No,” agaran nitong sagot at tumayo mula sa kinauupuan.Lumapit ito pero umiwas siya papunta sa hagdan.“I don’t want to trust you.”“Lhauren,” napabuntong hininga na sagot ni Charles sa kanya, “Hindi mo naiintindihan. Ayokong manguna sa paliwanag ni Jace.“So, you really knew that Bola was Jace. Kaya mo siya pinuntahan ay agent mo siya. Si Ate Leica, nasaan siya?
Chapter 38Matapos na maikabit ni Lhauren ang swero at matusukan ng gamot si Jace ay walang imik na hinila niya ito papatayo. Parang paulit-ulit na lang ang nangyayari sa kanilang dalawa. Mag-iinarte ito, kakalasin ang mga swero, siya naman darating at magkakabit.“The next time you pull this out, ngala-ngala mo ang susweruhan ko!” inis na sabi niya at natawa pa ito.Gustong tumigil ng mundo niya. He just laughed. He laughed but when she glanced at him, his eyes were teary.Nakarinig sila ng katok kaya agad na napalingon si Lhauren.Si Dr. Gachalian ang pumasok kaya ngumiti siya.“Hi, Tito. I think this one needs restitching. I’m afraid na magtuloy ang buka ng opera niya dahil sa pagiging stubborn niya,” aniya at hindi napigil na huwag magsungit.Tumango ang lalaking doktor at lumapit.“And I thank God you’re here. Natatakot ako kay Pogi. Sa iyo lang siya sumunod. Please huwag ka munang pawala-wala.She nodded.A nurse was accompanying Raymond Gachalian. Nakatingin iyon kay Jace pero
Chapter 39 Hindi pa rin nagsasalita si Lhauren. She wanted to run away again but she was stunned on her feet. Bakit ba napakahirap na talikuran ni Jace kahit na siya ay tinalikuran na nito noon? “Hindi ba kita pipiliing iwan kung oras na lumapit ako sa iyo at subukan kang iligtas ay mamamatay ka rin dahil sa bomba sa ilalim ng upuan mo?” umpisa nito. “I had to choose her. Leica was the mastermind and she included herself when those men kidnapped you so we would not doubt that she was the one who planned hurting you. Hindi ka naman niya papatayin noong una. Tatakutin ka lang niya pero dahil sa akin, nagbago ang isip niyang yun. She desperately wanted me to be hers. What was my choice, Lhauren?” his voice was about to break. Mas lalo siyang natigalgal. Kahit na pwedeng magsinungaling si Jace, hindi niya makapa sa puso niya ang kaisipan na nagsisinungaling ito ngayon sa kanya. Ramdam at rinig niya ang pangangatal ng boses nito kaya alam niyang totoong nasasaktan ito. Pumihit siya p
Chapter 40 LHAUREN found herself inside the church. Dumaan siya roon bago siya roon umuwi. Nag-iisip siya at napakarami pa ring tanong sa isip niya. Kung patay na ang ate Leica niya, may naiwan ba iyong pamilya o wala na? Nasaan na ang mga negosyo nun at ari-arian? Pero sa kabila ng napakaraming tanong ay lubos ang kanyang pasasalamat dahil buhay si Jace. Ngayon, tuluyang nagsi-sink in sa utak niya ang lahat ng mga kaganapan. Her heart was filled with gratitude and contentment. God brought Jace back into her life and Jadon would be so happy. Alam niyang makakatulong nang malaki si Jade sa pagbabalik ng saya sa buhay ni Jace. Dalawang taon man ang nawala dahil sa isang sakim na nilalang, na nabuhay na sobra ang inggit sa kanya, hindi pa rin tuluyang nawala ang lahat. And now that Jace is here, she’ll do anything for him. Susuklian niya ang ginawa nun para sa kanya. Napabuting tao ni Jace. Bigla na lang na may humawak sa balikat niya kaya halos mapatili siya, pero tumatawang si La
Chapter 41 Ilang araw ang lumipas na hindi pumalya si Lhauren sa pag-aalaga kay Jace. May mga pagkakataon na napapabayaan niya ang anak nila sa Yaya Betchay niya pero iniisip na lang niya na ama naman ni Jadon ang inaalagaan niya kaya ayos lang. Parang sa mga araw na yun na lumipas ay naibabalik niya paunti-unti ang buhay ni Jace at malapit na niyang sabihin dito ang tungkol sa bata. Lhauren wondered why the cashier looked past her. Titig na titig ang babae sa likod niya kaya agad siyang napalingon. “Jace?” sambit niya. Hinawakan siya nito sa baywang saka siya marahan na hinila kaya napasinghap siya. “Isn’t done yet?” “Not yet. Naiinip ka na ba?” “Hindi naman, medyo excited lang.” She smiled and nodded. “It’s okay, Ma'am Lhauren. I’ll just process the record. You can leave it here. Mukhang nagmamadali po si, sir.” Anang kahera niya kaya tumango siya. “Thank you,” aniya saka binalingan si Jace. Pumihit siya para harapin ito pero dibdib nito ang sumalubong sa kanya. Isinampa
Chapter 42 After almost fifteen hours of traveling non-stop via air, Jace is finally inside hotel Esperanza. Sa pag-apak niya sa lobby, bitbit ang kanyang maleta, matapos na pasalamatan ang mga kasamahan na naghatid sa kanya, parang malalaglag ang mga luha niya. Bakit? Dahil sa dalawang taon ay hindi na niya inisip na muli siyang aapak ng Pilipinas nang buhay. “Jace?!” agad na bulalas ng isang boses kaya napalinga siya, “Jace!” Umiyak na iyon kaya agad siyang napatingin sa may elevator. “Pakshit ka, Brandon Jace Arguelles!” bulalas ni Sidney at pumapalahaw ng iyak doon. “Ate,” aniya na maluha-luhang nilapitan ang kapatid pero agad siya nitong kinarate kaya napailag siya. “Tang-ina!” mura niya nang magulat siya at muntik tamaan ng suntok sa mukha. “di mo ba ako yayakapin?” tanong niya sa nakatatandang kapatid na napakaganda kahit ang daming anak. “Hindi. Pakshit ka! Ang tagal naming naghintay!” anito habang nakikipag-sparring siya pero tinamaan siya nito sa tagiliran kaya na
Chapter 43 JACE felt so very emotional when he opened the door and saw Emerald and HJ standing at the door of his suite. “Damn it,” ani HJ nang makita siya at si Emerald naman ay agad na umiyak at niyakap siya. “Jace…” she cried upon embracing her. “I’m still alive, Mama Em. Don’t cry.” Yumakap din sa kanila si HJ at marahan siyang tinapik sa likod. “What happened to you? It’s been two years, Jace. Your mom is dying everyday.” Tanong ni Emerald sa kanya. Alam na niya kung sino ang nagsabi rito na narito siya sa hotel, si Sidney. “It’s a very long story, Ma but it happened to serve its purpose." “Nagtanan ka ba talaga kasama iyong anak ng UN president?” Sinipat siya ni Emerald pero ngumisi siya nang mapait, “Kung ganun ang tanan, hindi pala masarap.” Natigilan ang mag-asawa sa sagot niya. “So, it wasn’t true? Kalaban siya?” Tumango si Jace. “Ito ang tunay na mundo, malayo sa relax na buhay ng isang agent, Papa HJ. I’ve been through worst,” he said. Naglakbay ang mga mata