Third Person Point of View
Kanina pa nakatingin si Gilda sa may salamin. Hind niya malaman kung paano niya tatanggalin ang boses na bumubulong sa kanyang isipan.
Gusto niyang ibigti ang kanyang leeg o laslasin ang kanyang kamay. Sigurado siya na sa kanyang kamatayan ay hindi na siya masusundan nito.
Ilang oras na siyang nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang sarili.
Nakatulala lang siya roon habang binubulungan siya ng mahiwagang kakaibang boses.
‘Nais mo bang malaman ang katotohanan? Pwede mong tanungin sa salamin. Sasabihin niya sa iyo ang nais mong malaman. Tuturuan kita.’
“Sino ka ba? Bakit mo ako ginagambala?” tanong ni Gilda sa boses na ito.
Hindi niya alam kung totoo nga ba na may boses sa kanyang isipan o sadyang nababaliw na siya. Hindi niya alam kung ano ang totoo sa hindi.
Basta ang alam lang niya ay may boses sa kanyang isip na hindi siya tinitigilan.
‘Ako ay iyong kaibigan. Tinawag mo ako sa aking pagkakahimlay.’
“Tinawag? Kailan kita tinawag? Wala akong matandaan na may tinatawag akong tulad mo!”
‘Hinawakan mo ang itim na libro. Ibig sabihin lang niyon ay pinahihintulutan mo akong pumasok sa iyong katawan. Malakas ang iyong dugo kaya naman nais kong maging kaibigan mo. Malaki ang magagawa mo sa hinaharap. Magiging magaling kang pinuno. Malakas ka kung mag – aaral ka lamang ng mga bagay sa itim na libro.’
Napatigil naman si Gilda. Naalala niya na hinawakan niya nga ang libro ng kanyang Lola Teresa at binuklat ito.
Para sa kanya ay isang hindi kapani paniwala ang bagay na nangyayari sa kanya ngayon. Tila pang baliw lamang. Hindi niya malaman kung ano ang tawag dito. Kung nag iilusyon ba sya o kung ano.
Kung sasabihin niya ito sa iba ay siguradong walang maniniwala sa kanya. Sino naman kasi ang maniniwala sa kanyang mga sasabihin na may bumubulong sa kanya?
Siguradong pagtatawanan siya ng mga ito at tatawagin na isang baliw.
Kung mayroon mang maniniwala sa kanya ay ang kanyang lola na si Teresa dahil sa kanya ang itim na libro na kanyang hinawakan.
‘Huwag kang maniniwala kay Teresa. May binabalak siya sayong masama. Hindi niya ka niya mahal. Hindi ka niya itinuturing na apo pagka’t anak ka ng kanyang kinaiinisan na babae. Ang iyong ina na si Lilybeth.”
“Sinisiraan mo ba ang aking Lola sa akin?! Kung mayroon man akong dapat hindi paniwalaan ay ikaw iyon! Pagka’t hindi kita kilala at hindi ka totoo!” mariin na sabi ni Gilda.
“Magtiwala ka sa akin, Gilda. Kapag sa akin ka naniwala ay maililigtas mo ang iyong sarili. Sasaluhin kita sa ano mang bagay. Sundin mo lamang ang lahat ng mga ipag uutos ko sa iyo at wala kang magiging problema.’
“MANAHIMIK KA! Hindi ako naniniwala sa iyo! Hinding hindi ako maniniwala sa isang tulad mo. Isa ka lamang ilusyon! Nag – iilusyon lamang ako. Walang boses! Wala akong boses na naririnig!”
Tumango tango si Gilda.
“Tama. Gilda, gumising ka. Kakatitig mo sa salamin ay nag – iilusyon ka na lamang! Get back to yourself! Kumain ka baka gutom ka lamang.” Kausap ni Gilda sa kanyang sarili.
‘Nais mo bang patunayan ang sarili ko? Bakit hindi mo puntahan ang punto ng iyong ama na itinuro sa iyo ni Maria. Sasabihin ko na sa iyo at uunahan na kita. Wala kang makikitang bangkay doon.”
Napatigil si Gilda at muling napatingin sa may salamin.
“Ano ang ibig mong sabihin na wala?! Paanong wala? Anong nangyari sa bangkay ng aking ama?”
‘Bakit hindi ka muna magtungo roon at tignan mo? Siguro naman ay maniniwala ka na sa akin kapag napatunayan ko ang aking sinasabi sa iyo ngayon.’
Tumayo si Gilda. Napagdesisyunan niyang gawin ang bagay na iyon upang patunayan din sa kanyang sarili kung nag iilusyon ba siya o hindi.
Alam niyang kapag totoo ang sinasabi ng boses na iyon ay siguradong hindi siya nag iilusyon dahil imposibleng maisip lamang iyon ng kanyang isipan.
GILDA POINT OF VIEW
Agad akong nagtatakbo sa may bukid. Tinahak ko ang daan kung saan itinuro sa akin ni Maria na inilibing niya si Tatay.
Dala dala ang aking pala na kinuha sa bahay ay sinimulan kong hukayin ang lupa kung saan may krus na nakalagay.
Mabigat ang pala kasama ang lupa kaya naman nakakailan pala pa lamang ako ay hinihingal na ako.
Ngunit hindi ako titigil. Huhukayin ko ito!
Matapos ang isang oras ay napatigil ako at napatingin sa kabaong na tinamaan ng dala kong pala.
Napapikit ako at napaupo na lamang. Naiiyak ako.
So baliw ako at nagiilusyon ang isip ko ng boses? Ano ito? Panong nangyari iyon? Anong sakit ito? Bakit kusa na lamang may bumubulong sa akin?
Hindi kaya dahil ito sa paglubog sa akin ni Maria sa may dugo?
Napailing iling ako at napakagat ng aking labi. Hindi kaya may lahing baliw ang pamilya ko kaya napagbibintangan din sila?
Kailangan ko nang pumunta sa may doktor. Baka matulungan nila ako sa sakit kong ito.
‘Bakit ka tumigil, Gilda? Tanggalin mo pa ang mga lupa at buksan mo ang kabaong.’
Sira na ata ang ulo ko at ginawa ko ang sinasabi ng boses. Inalis ko ng aking kamay ang mga lupa at noong maalis ko na ay binuksan ko ang kabaong.
Nanlaki ang aking mga mata.
Tama at eto nga ang kabaong na ginamit ng aking tatay ngunit…
Ngunit wala siya rito!
Wala si tatay dito! Nasaan siya?
“Nasaan ang bangkay ni tatay? Bakit wala siya rito.”
Tumawa ang boses sa aking isipan.
‘Ngayon alam mo na. Hindi ka baliw at totoo ako.’
“Sabihin mo sa akin kung nasaan ang bangkay ni tatay!”
‘Hanapin mo sa bahay niyo, Gilda. Hindi ko sasabihin kung saan eksakto. Kapag nahanap mo ay may sikreto pa akong sasabihin sa iyo.’
“Sagutin mo na lamang ang tanong ko!”
Ilang minuto akong naghintay ngunit wala akong narinig na boses muli.
“GILDA?!!”
Napatingin ako sa aking likuran at doon ay nakita ko si Maria na naglalakad patungo sa aking kinalalagyan.
Agad kong itinapon ang pala sa baba at tinabunan agad ito ng mga lupa.
Matapos ay agad akong tumakbo sa kanya upang hindi na niya marating ang lupa.
Malalaman niya na hinukay ko ito.
THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang
THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m
THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs
Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.
Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si
Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n