Part Seventeen Miggy watches the girls as they hug each other so tight, comforting the youngest of them all. He heard it that Casey is the baby of the group, and there they are hugging like no one's letting go. Pagkatapos nilang pumunta sa PAO ay tinawagan kaagad ng dalaga ang mga kaibigan at kung nang mga nagdaang araw ay tawanan at hagikhikan ang narinig niya sa video call, kanina ay katahimikan at iyakan. And where is he? Nakatunganga lang naman siya habang nakasandal sa hood ng kanyang kotse. Nasa Paradise resort sila na pag-aari niya at doon na lang nagkita-kita ang apat para safe sa dalaga. Mamaya ang byahe nila papuntang Pampanga at palagay niya ay apat na babae ang babantayan niya oras na dumating sila roon, kung sasama ang mga iyon. He’s sure that those girls won’t leave Casey all alone. At alam niya na oobligahin na lang siya ng ate Kristine niya na bantayan si Empress. Hindi naman makokontra ang mga batang iyon na huwag samahan ang pinakabatang kaibigan kahit na gaano p
Part Eighteen Sa loob ng sasakyan ay tahimik na nakasandal si Casey sa upuan. Walang ibang marinig doon kung hindi ang mga kanta na galing sa stereo ng kotse. Iilang damit naman ang dala niya at ganoon din si Miggy. Bitbit niya at tangan-tangan sa kandungan ang ginansilyong sombrero na ginawa niya para sa kanyang lola. Mahilig kasi iyong magpahangin sa garden tuwing hapon kaya naisip niya na iyon ang ibigay sa matanda. Magkaparehas kasi sila ng birthday at 89 years old na sana iyon pagkalipas ng mahigit isang linggo.She just decided to put the black and crocheted hat on that has a big crocheted pink flower on the other side, complimenting her black jumpsuit. She's a young lady in black and Miggy is in his gray long sleeves. He looks like a rugged business corporate boss, too handsome to be true. Hindi naman niya maitatanggi iyon at ayaw din niyang itanggi kung ano man ang totoo. Isa pa, mabait ito. Nakaka-intriga ang ugali dahil parang walang kasing seryoso a
Part Nineteen After 45 minutes, finally Miggy’s blood pressure drops down. Pinatay niya ang makina ng kotse matapos na maiparada ang sasakyan sa VIP garage na siya lang ang pwedeng mag-park. He tilts his head to the side and leans closer to Casey. Nakaharap ito sa gawi niya kaya kitang-kita niya ang maamong mukha. And he swears to hell, he wants to run down his fingers to her cheek. Mabuti na lang at hindi na ito nakipagtalo sa kanya kanina dahil baka napagbuntunan lang niya ito ng inis kay Ronnie. Mabuti at natulog na lang ito at mas pinili na manahimik. Akala naman yata ni Ronnie ay basta-basta na lang niya ibinigay ang anak ni Denisse sa lalaking iyon. Ano siya, bangag? He’ll not do it not because Casey’s Denisse's daughter, but because he’s feeling something unusual for her. She’s a treasure worth keeping and he will not let her go just like that, whether what he feels is plain sexual or emotional. Masyado lang nagmamabait ang hinayupak na iyon kapag kaha
Part Twenty Makailang beses na kumurap si Casey habang nakatingin kay Miggy. He’s so towering over her and standing so close to her; but she’s the one who came near to him, she has to remind herself. Nakahawak pa siya na parang bata sa waistband ng pantalon nito at tila ba natabunan ng isang truck na tutuli ang mga tainga niya nang sabihin nito na yakapin niya, kapalit ng pagpapautang sa kanya ng pambili ng panty at bra. “Y-You mean – hug you? T-Tight?” She swallowed. She’s sure that Miggy’s not a dangerous guy but her heart is accelerating again and it isn’t because of fear, it’s because of awkwardness. “Yeah.” He threw back his head and shut his eyes close. “Faster.” Bakit parang wala pa man lang ay nag-e-enjoy na ito? Para itong nakakain ng masarap na pagkain sa tingin niya. “’Wag mo nga akong lokohin, Tito.” Napapiksi siya at niyugyog ulit ang belt ng suot nitong pantalon. She heard a low growl as a response from him. “No kidding. No hug, no panties.” He smirks naughtily.
Part Twenty-one“A beautiful face can’t conceal the vileness of a person’s attitude. It’s better not to be pleasing in one’s eye but pleasing to one’s heart.” -fk Miggy stops the motorcycle in front of a big house. Hindi niya masasabi na simpleng bahay lang iyon. It was same as Casey's but had a second floor and a rooftop, painted white and having expensive glass windows. Ang bakuran ay malawak at may maninipis na carpet. Sa kaliwang bahagi ay may garden at sa kabila ay playground. May isang garahe na may lamang tatlong sasakyan. Dalawang SUV at isang 12 seaters na van. Sa harap ay may isang pulang kotse na nakaparada. Hindi basta-basta ang buhay na mayroon ang pamilya ni Vlad pero bakit ngayon ay mag-isa yatang naghihirap ang baby ni Denisse na baby na rin niya?“Are we here?” Tanong niya kay Casey na parang mas lalong kumuyom ang mga kamay sa pagkakahawak sa t-shirt niya.According to her given direction, they're finally resting in front of Tristan Imperial's res
Part Twenty-two Hindi malaman ni Casey kung saan niya ilalagay ang saya na nararamdaman niya. Kahit paano ay nabawasan ang bigat ng kalooban na dinadala niya habang papunta sila sa St. Martha. Kung hindi pa tinakot ni Miggy ang ate Sandi niya, hindi pa yata niya makikita ang kanyang lola. At ngayon madadalaw niya ang mga magulang sa musuleo ng mga Imperial kapag inilibing ang napayapang matanda. Sa sobrang tuwa ay humigpit ang yakap niya kay Miggy nang hindi niya namamalayan kasabay ng pagngiti niya. Pero naalala niya ang lalaki na nilapitan nito kanina. Parang kakaiba ang naging mood nito simula nang lumayas ang lalaking naninigarilyo sa may harap ng bahay ng Tito Tristan niya. Nang tanungin naman niya ay wala namang naging sagot si Miggy, umiling lang at hinalikan siya sa noo. Kahit paano naman ay nasasanay-sanay na siya sa closeness nila. She accepted the truth that something's binding them together. It's a strong connection that's so hard to deny, and whatev
Part Twenty-three Masama ang tingin na ipinukol kay Miggy ng mga kamag-anak ni Casey nang makapasok sila sa loob ng funeraria. Nagsipag-layuan ang mga iyon sa kanila at inukupa ang kabilang bahagi ng may katamtamang laki ng kwarto. He doesn't care nor does he mind. His only concern is the girl beside him who’s looking at her grandmother’s casket at the forefront of the wooden chairs.Kita sa mukha ni Casey ang hindi matatawaran na lungkot. Parang ang tingin niya ay namatayan ito ng magulang sa pangalawang pagkakataon kaya hinayaan niya na bumitaw sa kanya para puntahan ang sarili nitong lola. He remained standing and scanning the entire place, nestling his arms on his chest and stood still like a guard dog. Wala namang makapagsalita at nananahimik ang mga tao sa loob na nakamasid sa dalaga. Ngayon nakikita ng mga iyon kung anong buhay ang naiwan kay Casey. Nagsasama-sama ang mga iyon samantalang ang bata ay pinabayaan.“Maupo ka na.” Anang yaya Lolita ni Casey
Part Twenty-four Casey sleepily yawned when she felt her neck was aching. Kinakalabit siya ng yaya Loring niya sa tuhod kaya nagising siya mula sa pagkakatulog. “Anak, gising. May mga pulis na bagong dating.” Anang matanda sa kanya kaya kaagad siyang napamulat. Napalinga siya sa paligid at hinanap kaagad ng mga mata niya si Miggy. Nawawala ang binata samantalang nasa tabi lang niya bago siya mapaidlip, nakasandal pa nga siya sa katawan nito dahil doon siya nagiging komportable. Halos lahat ng tao sa loob ay tulog na sa mga kanya-kanyang upuan at ang yaya na lang niya ang gising. “S-Si Tito Miggy po?” Kaagad niyang tanong at kaagad din na gumaralgal ang boses niya. Baka iniwan na siya nito at hinayaan na mag-isa. Natatakot siya nang husto sa pag-iisip na wala na ang isang defender na katulad ni Miggy. “H-Hindi ko nga alam kaya ikaw ang ginising ko.” Anang yaya niya kaya napatayo siya kaagad. “Tito Miggy!” Sigaw niya at wala siyang pakialam kung magising man ang mga tao na natutul