"Senyorito saan po tayo pupunta?" hindi ko mapigilang itanong dahil hinihila niya ako sa kung saan. May lagusan kaming dinaanan at duda ko ay nakalabas na kami sa kweba.
"Shut your fucking mouth if you want to live." mariin niyang sabi sa akin at mas lalong hinigpitan ang hawak sa akin.
Tinikom ko nalang ang bibig ko dahil gusto ko pang mabuhay.
Baka bigla nalang akong kagatin niyan eh.
"You change." naguluhan ako sa sinabi niya kaya tumigil ako at napatigil din siya. Tinignan niya lang ako na parang sinasabi na 'ano pang hinihintay mo?'
"Hindi pa ako marunong" sabi ko nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. Gusto niya akong mag-anyong hayop.
"What? What are you? a baby?!" inis niyang sabi sa akin at sa isang pitik lang niya ay bigla itong naging paniki at nawala ng parang bula. Umuga nanaman ang lupa kaya nataranta na ako.
Pangako pagnakabalik ako ng buhay aaralin ko na talaga ang mga spell!
Lumingon ako at nahagip ng mata ko ang isang pares ng malalaking paa. Nagdedesisyon pa ako kung saang direksyon ako tutungo upang magtago ng biglang kinagat ng paniki ang damit ko at hinila hila, sumunod ako nang mapagtantong ang Senyorito ito. Muntik ko ng sampalin ito buti na lang at napigilan ko pa ang sarili ko, pagnagkataon siguradong malalagot talaga ako.
"Senyorito!" gulat kong saad ng bigla itong nagpalit ng anyo. Nababalutan na kami ng isang malaking tela. It's a cloak, gawa ito ni Impo para mismo sa kanila. Pwede silang magtago dito at hindi makikita ninoman, maging ng mga immortal. Ginawa ito bilang proteksyon sa tuwing may ganitong pangyayari.
Mas lalong lumalakas ang pag-uga ng lupa, palapit na ito ng palapit.
"Shit! This won't work on her." bulong niya na narinig ko naman. Nakataas ang dalawa nitong kamay upang balutin kaming dalawa at sobrang lapit namin sa isa't isa kaya kahit anong hina ng bulong niya ay maririnig ko talaga. Medyo naiilang na'rin ako dahil parang niyayakap niya ako sa posisyon namin ngayon pero pinili ko nalang na manahimik dahil baka ipalapa niya ako sa kung anong humahabol sa amin kung magreklamo ako.
"Sorry, I have to do this." he muttered before leaning down. Aangal na sana ako pero huli na, nakagat na niya ako.
I felt a sting on my neck before everything went black.
Napamulat ako nang may tumama sa aking kung anong matigas na bagay.
Maliwanag na ang paligid, mga naglalakihang puno at ligaw na damo lang ang nakikita ko.
Unti-unti pang nag-aadjust ang mata ko sa liwanag nang makarinig ako ng mahinag halakhak.
Inangat ko ang tingin ko, at ayun, ang senyorito, nakaupo sa puno ng akasya, nakasandal pa ito habang pinaglalaruan ang maliit na ibon.
Sasabihin ko na sanang ang cute niyang tignan habang nilalaro ang ibon nang bigla niya itong sakmalin at pigain. May lumabas na dugo mula dito, sinalo lahat ito ng bibig niya.
Mula sa pagkakahiga ay napaupo ako. Hindi ko mapigilang maduwal dahil sa nakita ko.
Naawa ako sa maliit na ibon and at the same time ay nandidiri ako sa nakita ko!.
"Oh? Finally! The ugly witch has awaken!." rinig kong sabi niya. Ang pagkakasabi niya ay punong puno ng pagkasarkastiko.
Bumaba ito sa puno at lumapit sa akin.
Hindi pa man nakakabawi sa pagsusuka ay nasusuka nanaman ako nang makita ko ang natirang dugo ng ibon sa gilid ng labi niya.
"What's with you?! umeepekto na ba?sa pagkaka-alam ko isang taon mahigit pa naman ah." naguguluhan niyag ani, ako rin ay naguguluhan sa mga pinagsasabi niya pero hindi ko nalang pinansin dahil sa tuwing na-aalala ko kung paano niya piniga ang ibon ay nasusuka ako.
Nang mahimasmasan ay humarap na ako sa kanya, only to find out na may pinagdidiskitahan nanaman siyang baboy ramo.
Nanghihina pa ako gawa ng pagsusuka kaya wala akong ganang mag-aksaya ng laway sa pagtawag sa Senyorito, so I muttered the spells and viola! gumalaw ang sticks sa banda ng Senyorito, kaya tumakbo ang baboy ramong pinagdidiskitahan niya. It's the least thing I can do to save that pig. Ang pagpapagalaw lang ng mga bagay ang kaya ko pang gawin. Pagnaka-uwi na ako, sisiguraduhin kong lahat ng spells ay mememoryahin ko.
With glaring eyes, he approach me.
"Why did you do that?! alam mo bang gutom na ako? ha?!" binulyawan niya ako sa pagmumukha ko kaya na-amoy ko ang amoy kalawang niyang hininga. Nagsisipag-unahan nanamang lumabas ang mga alaga ko sa sikmura!.
"Can you please stop that?!" Inis niyang sabi sa akin, pinaharap niya ako sa kalagitnaan ng pagsuka ko kaya hindi ko kasalanang siya ang naging lupa ko.
"What the hell?!" pa atras niyang bulyaw sa akin.
"S-senyorito, p-please 'wag na muna po kayong lu-lumapit sa akin." hinang hina kong paki-usap.
"Look what have you done!" duro niya sa akin at nandidiring inamoy ang nasukahan kong bahagi ng kanyang damit. "Magtutuos pa tayo! You Witch!" huling sabi niya bago nag-anyong hayop at umalis.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang tuluyan ng mawala ang Senyorito sa paningin ko.
Mabilis akong mandiri pero ewan ko at bakit ko naisipang pumasok sa mundo ng medisina.
Siguro dahil gusto kong makapaggamot, yung totoong panggagamot na hindi gumagamit ng mga gayuma at spells.
"Saan ka ba kasi galing bata ka? Bat' ka biglang nawala ha?!" napabuntong hininga ako sa bungad ni Nanay sa akin. Madaling araw na ako nakauwi dahil napagtanto kong hindi ako pwedeng umuwi ng may araw pa dahil pagnakita ako ng mga tao ay tiyak tinustang bruha na ang labas ko.
"Si Impo po?" pagbabalewala ko sa tanong niya at dumeritso na sa kusina, kukuha na sana ako ng baso para uminom nang biglang may lumipad na sandok na gawa sa kahoy. Eto talaga si Impo kahit uugod ugod na eh mabilis parin ang reflexes, buti nalang at mas mabilis reflexes ko hehe. Masakit pa naman matamaan nun.
"Hanap mo 'ko Ineng?" mahihimigan ang pagkasarkastiko sa boses ne'to.
Kumuha ito ng panibagong sandok mula sa napakaraming koleksyon niya ng sandok at naghalo ulit sa malaki nitong palayok.
"Impo naman po kasi, bigla kayong nawala! Eh natakot po ako kaya tumakbo, eh di ko na po kayo mahanap eh" pagdadahilan ko.
"Eh mga ano nanaman po bang nilalang yung kahapon?" tanong ko at uminom ng tubig.
"Mga Kapre nanaman at Tikbalang" si Impo habang hinahalo ang kung ano ano.
"Naghahanap nanaman ng gulo ang mga panget!" eksena ni Tiya Lucia na ngayon ay may dala dalang kung ano anong halaman, siguro para ihalo sa ginagawa ni Impo.
Makapagsalita talaga 'to si Tiya eh parang hindi panget. Mga Kapre at Tikbalang, kakampi sila nuon pero tumiwalag din dahil sa hindi malamang dahilan. Maraming hakahaka, ang sabi gustong palitan ang senyor at maghari. Hindi naman namin sila pwedeng patulan dahil pagnangyari yun ay tiyak malaking gulo yun at madadamay pa ang mga tao.
Kumbaga, kung sa mga mortal ay maihahalintulad ang mga kapre at tikbalang sa mga ayaw sa gobyerno. Sa pagkakaalam ko, ayaw daw nila sa pamamalakad ng Senyor eh. Narinig ko lang naman pero mas matindi paring hakahaka iyong gusto daw nilang palitan ang Senyor pero malay natin diba?
Papasok na ako sa silid ko pero agad din akong napabalik sa kusina dahil bigla akong sinigawang batugan ni Impo. Sabi ko nga tutulong na ako eh.
Tutulong sa paghalo, hehe yun lang naman talaga ang ambag ko pagmay ginagawa sila.
Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maghanda na. Nag-aaral ako, college na nga ako pero hindi nila alam, ang alam lang nila nagtitinda ako ng isda sa palengke.
Kung susumahin, halos dalawang daan na akong nabubuhay bilang mangkukulam sa mundong ito. Sa halos dalawang siglong iyon ay ngayon lang ako nagkalakas ng loob na pasukin ang mundo ng mga mortal, para suwayin ang gusto ng Impo.
"Alis na po ako" paalam ko sa kanila bago lumabas. Naka anyong tao na ako at suot suot ang mahabang saya at simpleng tshirt pero sa ilalim nun ay ang uniform ko.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang itago ito sa kanila Impo, bahala na.
"Ang tagal naman!" reklamo ko dahil 10 minutes nalang ay first subject ko na. Nasa bayan pa ang eskwelahan!
"Pasensya na diba? Tumakas nga lang ako eh! hello?! tag-ulan na kaya kailangan na naming mag-ipon" pagdadahilan niya at kinuha na ang stick na may ginunting gunting na plastic sa dulo, pantaboy ng langaw. Agad akong nagbihis at kinuha na ang bag ko sa maliit na lagayan. May maliit na pwesto ako dito sa palengke.
"Si Marinda? 'bat ikaw lang? tsaka si Bongie? asan na?" tanong ko ng hindi parin dumating ang dalawa ko pang kaibigan.
"Aba malay ko dun! tsaka alam mo naman yung si Marinda! ayaw niya sa ginagawa mo! Nasasaktan daw siya sa ginagawa mo sa mga kaibigan niya!" Madrama nitong sambit at itinaas pa ang sariwang bangus na tinda ko- na siya ang magtitinda dahil mag-aaral ako. Hindi ko nalang ito pinansin at inayos na ang sarili.
"Dindi ah! huwag mong kalimutan yung mga presyo! pag ako nalugi bibigwasan talaga kita!" bilin ko pa dito bago umalis. Narinig ko siyang nagreklamo pero hindi ko nalang ito pinansin.
Si Dindi ay isang duwende, sa aming apat siya ang pinakamaalam sa mundo ng mga mortal dahil nakikitira sila sa mga bakod ng mga mortal. Si Bongie ay isang Bungisngis habang si Marinda naman ay isang Kataw na siyang bantay tubig.
Nagmamadali na ako at muntik ko pang makalimutan ang bayad sa tricycle, nakakahiya tinawag pa ako ni Manong. Tinakbo ko na ang gate papuntang classroom, maliit lang naman ang paaralang ito eh, sadyang nagmamadali lang talaga ako, dagdagan pa na pencil skirt ang saya namin ang gandang tumakbo pag ganito.
" 'Bat ka late?" bungad sa akin ni Vina, kaklase kami sa subject na ito. Nagkibit balikat lang ako, ayokong sagutin dahil baka mahuli kami at mapagalitan pa ako ni Prof.
Paalis na ako para sa next subject ko nang kinalabit ako ni Vina.
"Tasya, I think ikaw ang ibig sabihin ni Kuya dito." kunot noo kong binasa ang nakapaloob na message sa phone ni Vina.
'Vina, who's that ugly witch? the one who assist me from the other night?'
____________Clarifications:
Impo means Lola Tiya means AuntiePS: I change some parts here, so expect a lot of changes sa next chapter!
💛👀🍭
"Pinapabigay po kay Madame Annastasya." otomatikong umangt ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa bukana ng silid ay may babaeng nakauniporme na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa katulong sa mansyon na ito. "WoOw, kanino galing?" may bahid ng panunuksong saad ni Trice. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bawal pong sabihin." tanging saad lang ng babae. Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat ako kay ate na nagdala ng pagkain pero ang sinagot niya sa akin ay, "Makakarating po." "Bigatin! Pinapadalhan!." patudsada ni Trice. May dala pang papilantik sa daliri habang sinasabi niya 'yan. "Gusto mo? Sabay na tayong maglunch." alok ko kay Trice pero umasim lang ang mukha niya nang makita ang mga pagkain sa tray. Puro gulay at masusustansyang pagkain lang kasi ang laman nito. "NO. Hindi ako kumakain
"Ha? Ah oo! gabi na! uuwi na po ako Senyorito. Sige po, mauna na ako." natataranta kong saad. Ang kaninang masakit na balakang at namamaga kong pwet ay parang nawala na lang bigla. Medyo masakit pa, pero dahil madali lang namang maghilom ang mga sakit namin sa katawan, nagagawa ko na itong itayo pero hindi. Kailangan kong tumakbo!. Paika-ika akong naglakad papalabas ng opisina niya. "Tasya... Ayaw mo ba talaga sa akin?. I really want to pursue you but I can't do it without your permission." hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. "I love you Tasya. I don't know how this happened. But, I really do. I-I know this is forbidden. Two different clans can't be together. But I also don't want to let this feeling passed by without you knowing, without me doing anything." natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. "Mahal? Seryoso ka ba? Naririnig mo ba sarili mo? Alam
"So, is he the reason?" natigil ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko. I choose not to look back. Boses pa lang alam ko na kung sino. Pinagpatuloy ko ang paglalakad as if I heard nothing. Saktong pagkaliko ko ay may kamay na pumigil sa akin at naramdaman kong may kung anong tinakip sa bandang ulo ko. At tama nga ako, ang senyorito ito at ang balabal niya. "Annastasya, we need to talk." sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay ramdam ko ang hininga niya sa bawat pagbigkas niya sa mga salita. Kinikilabotan ako. "Senyorito, nasa gitna tayo ng selebrasyon. Baka may makakita sa atin." walang emosyon kong saad at pilit akong lumalayo sa kanya ng hindi lumalabas sa balabal. "I don't care. We need to clear things out, Tasya. Please." hindi ko mapigilang mapairap sa mga narinig ko sa kanya. "Well, I care.!" mahina ngunit puno ng emosyon kong saad. " Kung ikaw wala kang pake sa kung sino ang pwede
"Trice, uuwi ka na?" sumandal ako sa pader, tinignan ko si Beatrice na busy kakascan ng papers. Napanguso ako. "Hindi pa. Mauna ka na. Medyo matatagalan pa ako. Kailangan to bukas eh." halata sa boses at mukha niya ang pagka taranta. Umupo ako sa harap niya at kumuha ng paper. Tutulungan ko na lang siya. "Hoy! ano ba!. Ako na to okay? umuwi ka na." kinuha niya ang papers na hawak ko at binalik sa dating kalagyan. Isa ito sa mga ayaw ko kay Trice. Hindi siya tumatanggap ng tulong. "Tulungan na kita. Ayaw ko pang umuwi eh." I insisted. Kinuha ko ulit ang papel pero pinigilan niya ako. "Annastasya..." mas lalong sumimangot ang mukha ko sa tono niya. Umismid ako at tumayo na lang. "Kung ayaw mong magpatulong edi sige, hihintayin na lang kita. Sa table ko lang ako." aalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagpa-awa pa ako ng mukha nang humarap ako sa kanya. Akala ko papatulungin
"What are you doing? Bakit ka nandito? Don't you have class?" sunod-sunod na tanong ni Vin. Pabalik na kami sa mansyon nila, pinapauna akong bumalik para ma-train na daw ni Beatrice. Kulang daw kasi ako sa training sabi ni Senyorito Vincent, paano namang hindi eh first day na first day ko ngayon. "Annastasya.." natigil ako sa paglalakad at nagbuntong hininga. "Nalaman ni Impo na nag-aaral ako kaya pinatigil na ako at eto, ginawa akong sekretarya ng papa mo." "What?" hindi makapaniwala niyang tanong. Peke lang akong ngumiti sa kanya. "Is that the reason why you suddenly disappeared? ni hindi man lang kita macontact." "Sorry, kasi kinuha ni Impo ang phone. Hindi ko alam kung anong ginawa niya, siguro sinama niya sa mga sinunug niyang gamit ko. Pwede po bang huhulug-hulugan ko na lang po?" nagpatuloy na ako sa paglalakad papalabas ng office nila. Punirarya pala nila iyong napasukan ko at nagkataong opisina ni Vin. Isa sa neg
Bakit pakiramdam ko pinaparusahan ako ni Impo? Sa dinami rami ng pwede bakit ako pa?Talaga bang ayaw niya akong pagbigyan sa gusto ko? Bakit niya ako ikukulong sa responsibilidad na hindi ko naman gusto?"Impo, paki-usap ayaw ko po. Natatakot po ako sa Senyor." gusto niya akong maging sekretarya ng Senyor. Iyon pala ang tinutukoy ng Senyor na hindi ko alam at ang dahilan kung bakit sinama niya ako sa tahanan ng Senyor na hindi naman niya talaga ginagawa."Tumigil ka. Sa Senyor natatakot ka pero sa mga tao hindi? anong klaseng pag-iisip mayroon ka ha?!""Iba po ang Senyor at iba po ang mga tao, Impo." sinubukan kong depensahan ang sarili ko pero mas lalo lang siyang nagalit."Mas pinipili mo ang mga tao kesa sa mga kalahi mo? Mas gusto mo pa silang makasalamuha at pagsilbihan? Paano kapag nalaman nila ang totoong ikaw? Ha? Sa tingin mo ganyan ka pa 'rin nila ta-tratuhin?! Halimaw ka sa paningin nila.!""Bakit? Hindi p