MAAGA SILANG PINATAWAG ni Marco kinaumagahan. Kahit kulang ang tulog niya'y pinilit pa rin niyang magising at pumunta sa lobby. Nandoon na silang lahat at kasalukuyang hinihintay ang kanilang boss.
Siniko siya ni Lena sa kaniyang tagiliran. "Saan ka galing kagabi? Hinanap ka pa namin. Pero nandoon ka na pala sa silid natin nang bumalik kami. Hindi ka na lang namin tinanong dahil pagod na rin kami at maging ikaw rin."
Huminga siya nang malalim. Noong inihatid siya ng misteryosong lalaking iyon ay wala doon sa loob ang tatlo niyang kaibigan. Sakto namang papalabas na siya ng silid para kumain ay siya ring pagdating ng mga ito.
Hindi naman niya aakalaing hahanapin siya ng mga ito.
"Pasensya na sa inyo, hindi ko sinasadyang mag-alala kayo sa akin. Hindi na mauulit. Naglibot-libot lang ako kagabi."
Hanggang maaari'y hindi niya ikwe-kwento sa mga kaibigan ang nangyaring kakaiba sa kaniya kagabi. Dahil panigurado siyang hindi naman ang mga ito maniniwala sa kaniya.
Kung sabagay sino naman ang maniniwala sa ganoong pangyayari? Maging siya nga'y hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon. Pakiramdam niya'y isa lamang panaginip ang kagabi at maging ang lalaking 'yon.
"Hindi ka ba nakatulog kagabi?" untag naman ni Mona na ngayo'y humihikab pa.
"Mukhang pareho tayong lahat na walang tulog," sagot niya.
Mukhang wala nga silang tulog na apat. Maging ang mga kasama rin nila. Mukhang namahay silang lahat.
Rinig na rinig nila ang tunog ng sapatos ng bakla nilang boss sa tiles na nilalakaran nito. Papalapit na ang bakla sa kanila. Kung ano man ang balak nito ngayon sa kanila'y handa na si Asula.
Mukhang ito na nga ang tunay na kalbaryo pagkatapos ng imahinasyong kasiyahang pinadama sa kanila kahapon. Tama nga siya, pagkatapos ng sobrang kasiyahan ay sobrang pasakit at kalungkutan naman ang kapalit. Well, hindi man lang siya nasanay.
Huminto si Marco sa kanilang harapan habang nagpapaypay na naman. Mataray itong nakatingin sa kanilang lahat.
"Mukhang parehong na wala tayong tulog lahat."
Napansin ni Asula na panay rin ng hikab ang kanilang boss. Mukhang namahay nga rin ito tulad nilang lahat.
"Pero kailangan niyo nang kumilos. Maagang darating ang mga i-entertain niyong mga customer mamaya. Tandaan niyong lahat ang pinag-usapan natin. Walang makakalabas na kahit ano sa mga staffs ng resort na ito. Tandaan niyo na ang palabas lamang natin ay isa kayong mga masahista. Siguraduhin niyong hindi kayo gagawa ng mali kung ayaw niyong hindi na sikatan ng araw bukas."
Napahinga nang malalim si Asula dahil sa narinig. Walang sino man ang nakakaalam na isa silang mga bayarang babae. Ang palabas ng kanilang boss na si Marco ay isa silang mga masahista.
Ayaw nitong mahuli ng mga awtoridad kung kaya't ginagawa nito ang lahat matabunan lamang ang masamang gawain. At wala silang magagawa kundi ang sumunod na lamang sila sa baklang boss nila. Dahil kapag sinabi ni Marco na walang sisikatan ng araw kinabukasan kapag may kakanta sa kanila ay magkakatotoo nga iyon.
"Bibigyan ko kayo ng oras para mag-ayos. Nasa kanya-kanya na ninyong silid ang mga unipormeng gagamitin ninyo. Bilisan niyo't kumilos na. Nauubos na ang oras."
Lumakad ulit ito papalayo sa kanila at sila'y tinalikuran. Maarte itong nagrampa papatalikod. Naiwan silang nakaupong bente sa lobby.
"Wala na talaga tayong takas. Kalbaryo na naman." Rinig ni Asula na wika ng isa sa mga kasama nila.
Napatayo siya at nauwi sa malalim na pag-iisip. Kahit ang tatlo niyang kaibigan ay hindi niya napansing nakasunod na sa kaniyang likuran.
Pagkatapos ng masayang pangyayari kahapon ay napalitan ng kalbaryo ngayon.
TINITIGAN NI ASULA ang sariling repleksyon sa salamin. Pinakatitigan niya nang mabuti ang sarili. Nakatago ang totoo niyang kagandahan sa mga koloreteng nilagay niya sa mukha. Hapit na hapit sa kaniyang katawan ang unipormeng pinadala sa kanila.
Kulay dilaw iyon na may desenyong linya banda sa arm whole at waist na kulay pula. Maluwag ang uka ng neckline niya kung kaya't kitang-kita ang cleavage niya. Sobrang ikli rin ang haba ng uniporme niyang suot. Hanggang sa itaas ng tuhod niya iyon. Parang kahit na anong oras ay masisilipan siya kapag yuyuko.
Hindi niya alam kung handa siyang lumabas ng kanilang silid na ganoon ang ayos at suot. Parang iisipin pa lang niya'y nilalamon na siya ng hiya. Parang kakainin siya ng langit at lupa.
Lalo na at kapag pakatitigan sila ng mga taong nasa labas ay parang inaapakan na ang pagkatao niya. Karapat-dapat nga ba niya iyong maramdaman? Dahil isa siyang babaeng mababa ang lipad?
"Handa ka na ba?" biglang untag sa kaniya ni Lena. Nakatitig ito sa kaniya sa salamin.
Tumabi rin sa kanila ang dalawa pa nilang kaibigang si Casy at Mona. "Kaya natin 'to, huwag lang tayong susuko," pagpapalakas ng loob sa kanila ni Mona.
Ngumiti silang apat.
"Yeah, we will survive," litanya niya sabay talikod sa salamin. Sumabay na siya sa tatlong kaibigang papalabas na ng silid.
Pagkalabas na pagkalabas nila'y pinagtitinginan sila ng mga taong naroroon. Pero wala na siyang pakialam roon. Dahil panigurado siya isang araw may mahuhulog na himala mula sa langit at makakalaya rin siya sa kulungang ito na kung saan siya ikinulong ng ilang taon.
Nagkahiwalay silang apat at nagsipunta na sila sa kanya-kanya nilang mga kwartong nakatoka sa kanila.
Ilang minuto ang hinintay ni Asula bago pumasok ang unang mamasahihin niya. Isang matabang lalaking medyo nasa edad mid 30's na ang pumasok.
Ngumisi agad ito pagkakita sa kaniya at hinagod siya ng tingin. Gusto niyang tumakbo at humingi ng saklolo pero hindi niya ginawa. Natatakot siyang baka hindi na siya sikatan ng araw bukas.
Humiga ang lalaki sa ibabaw ng kama at hinayaan siya nitong masasahiin niya. Wala namang ginawa sa kaniya ang lalaki kundi binigyan lang siya ng lilibuhing pera nito bago siya iniwan pagkatapos.
Ngunit alam niyang mamayang gabi'y hindi siya papalampasin ng lalaking iyon. Masahe lang siya ngayong umaga, pero mamayang gabi ay serbisyong totoo na ang gagawin niya.
Magta-trabaho na naman siya ng isang maruming gawain. Makakaya niya kayàng sikmurain ang pambababoy na namang gagawin sa kaniya mamaya?
Pakiramdam niya'y kahit anong gawing ligo niya sa katawa'y mananatili pa rin sa kaniyang buong katawan ang ebidensya ng kaniyang kasalanan.
Agad siyang hinimas ng lalaking kakapasok lang ng kaniyang silid. Gusto niyang masuka nang makitang parang tatay na niya ito dahil sa gulang. Tantiya niya'y nasa mid 60's na ang matanda pero hindi halata iyon, dahil malakas pa itong kumilos.
Hinawakan muna nito ang pang-upo niya bago nahiga sa ibabaw ng kama. Sinimulan na niya ang pagmamasahe rito.
Pinagmamasdan siya nito habang inaayos niya ng mga gamit na gagamitin niya sa pagmamasahe.
"Ang ganda mo, ija. Pero bakit mo iyon sinayang sa ganitong klaseng trabaho? Bakit ka naririto?" biglang tanong nito na siyang dahilan para mapatigil siya sa ginagawa at gulat na mapatingin rito.
Sa tono ng pananalita ng matanda niyang kaharap ay para siya nitong nilalait. Pero hindi niya iyon nakikita sa mga mata nitong nakatitig sa kaniya.
"Kaedad ka lang siguro ng anak ko, ija. Marahil ay pareho kayong napapariwara ng daan, kaya't naiintindihan kita kung bakit ka naririto. May sarili ka rin sigurong dahilan."
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa matanda ng mga oras na iyon. Ano nga ba ang dapat niyang isagot rito?
Bakit nga ba siya naririto? Bakit nga ba niya ito ginagawa? Paanong siya napunta rito? Ano nga ba ang rason?
Hinawakan siya ng matanda sa kamay saka siya nginitian. Bumunot ito ng lilibuhin sa bulsa saka inilagay sa ibabaw ng palad niya. Nanlalaki ang mga mata niyang napatingala rito.
"Hindi na ako babalik mamaya para sa gawain mong iyon. At ako'y aalis na rin. Kailangan kong puntahan ang anak ko sa mga oras na ito. Staring at you is like seeing my daughter too. She reminds me of you."
Walang lingon-likod itong umalis ng silid na kinaroroonan niya. Pagkatapos nito iyong sabihin.
Napatingin siya sa mga perang nasa kamay niya. Deserve niya ba iyon? Talagang karapat-dapat nga niyang tanggapin iyon?
Sinara niya nang mabilis ang pinto at naiyak na napadaus-dos sa ding-ding at napaupo sa sahig. Ano nga ba ang dahilan kung bakit siya nandito? Bakit nga ba ganitong klaseng trabaho ang napasukan niya sa halip na marami pang oportunidad para sa kaniya.
Huminga siya nang malalim saka pinakalma ang sarili. Hindi ito ang oras para maglugmok. Kailangan niyang maging matapang sa mga oras na ito. Baka mapatay siya ng boss nilang bakla na si Marco kapag malaman nito na naka-lock ang pinto at hindi makapasok ang mga customer niyang susunod.
Tumayo siya saka pinahid ang mga luhang dumaloy sa kaniyang pisngi. Mag-aayos na sana siya ng gamit para sa susunod na customer nang biglang umihip nang malakas ang hangin.
Bumukas-sara ang bintana sa silid na kinaroroonan niya. Papalapit na sana siya sa bintana para isara iyon nang bigla na lamang lumitaw sa harapan niya ang lalaki. Ang misteryosong lalaki kagabi.
Ngumiti ito pagkakita sa kaniya. Wala na itong sombrerong suot kaya't malayang-malaya siyang pagmasdan ang gwapong mukha nito.
"A-anong ginagawa mo rito?" Hindi niya alam pero nilukob ng kaba ang kaniyang buong damdamin.
"Woman," tawag nito sa kanya.
"H-hindi ka isang panaginip lang?" parang timang niyang tanong.
Tumingin ang lalaki sa sikat ng araw. Tumalikod ito sa kaniya. Kaya't malaya siyang pakatitigan ito sa likuran.
"Gaya ng sinabi ko, magbabago na ang mga darating ng araw mo. Dahil nakita mo ako ng gabing iyon. Hindi kita hahayaang lumayo."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
Lumingon ito sa kaniya. Wala na itong ngising kaninang ipinakita sa kaniya kundi seryoso na ang mukha nito.
"Never mind about that, woman." Lumakad ito papalapit sa kama at naupo roon. "You were crying a while ago, right? I know who you are, Asula. Ang mga tulad mo'y hindi dapat umiiyak. I know you are strong enough to escape this situation where you keep like in prison. So, where did you afraid o? In death?"
Parang hinahalukay ang kalukuwa niya ng lalaki nang tingnan siya nito. Umiling siya. Ang kaninang luhang natigil ay nag-uumpisa na namang dumaloy sa kaniyang pisngi.
Takot nga ba siyang mamatay? Kaya't hindi niya magawa-gawang tumakas at umalis sa poder ni Marco?
"H-hindi ko alam."
Ngumisi na naman ang lalaki. "It easy to say that you don't know, but your eyes hard to say that you are. You are afraid of death, woman. Why?"
Napaupo na siya sa sahig saka pinigilan ang sariling umiyak. Ayaw niyang umiyak sa harapan ng lalaking ito na hindi niya kilala. Pero bakit ganoon? Ayaw makisama sa kaniya ng mga luha niya. Saka bakit parang tinotorture siya ng katanungan nitong simple lang? Bakit ang hirap para sa kaniyang sagutin?
"Ayaw ko pa. . . wala pa akong nagagawa sa buhay ko. Hindi ko pa nababago ang pagkatao at ang mga kasalanan ko."
Tumayo ang lalaki saka siya nilapitan. Yumuko ito sa kaniya at nilahad ang kamay sa kaniyang harapan. Tinitigan niya ang kamay nitong nakalahad sa kaniya at saka sa mukha nitong nakangiti na ngayon. Anong gustong mangyari ng lalaking ito? Bakit yata ang feeling close nito sa kaniya ngayon?
Dapat nga ba niyang pagkatiwalaan ang lalaking ito? Gayong kakakilala niya lang rito?
"Come. Get up." Hindi siya nagdalawang-isip na hawakan ang kamay ng lalaki. Agad siyang pinatayo nito. "You can call me Wave Ocean, Asula."
Napatigagal siya dahil sa biglaang pagpapakilala nito sa kaniya.
"Come with me, I'll show you something, woman."
Hindi pa siya nakakasagot ay bigla na lamang siya nitong hinila dahilan para mapakapit siya sa matipunong katawan nito. Papaalis sa silid na iyong kinaroroonan nila. Tulad kagabi'y lumipad na naman silang dalawa sa himpapawid.
EpiloguePhilippines 3000“ASULA! ANO BA naman iyang kwento mo? Bakit ganyan? Ang bitter mo naman. Pangit na nga ng kwento mo, mas pinapangit mo pa sa ending.” Reklamo ng kaibigan niyang si Angelie nang matapos nitong basahin ang manuscript niya sa kaniyang laptop.Masugid niya itong tagapagbasa. Kung kaya't ito lang ang nakakaalam na may talento siya sa pagsusulat. At iyon lang rin ang rason kung bakit nanatili lamang na mga files ang mga akda niya sa halip na pwede naman niyang ibalandra sa mga writing flatforms.Huminga siya nang malalim. Hindi niya pwedeng baguhin ang katapusan ng akda niyang 'The Big Wave' dahil inuusig siya ng konsensya niya. Laman iyon palagi ng kaniyang panaginip simula pa noong bata siya. Hindi niya alam kung ano ang koneksyon niya sa panaginip na iyon pero nang maisulat niya iyon ay gumaan ang loob niya.“Hindi ko pwedeng baguhin ang en
Chapter 20“PAKAWALAN MO si Asula,” walang tabil na wika ni Wave.Ngunit sa halip na bitawan ni Sun si Asula ay tumawa ito nang pagak saka matalim na tinitigan ang kalaban. Kahit na ano ang mangyari sa mga oras na ito ay hindi niya papakawalan si Asula. Itong babae lang ang tangi niyang magagamit laban kay Wave. Alam niya kung gaano kapangyarihan si Wave. Dahil hindi ito pipiliin ng Diyos at ng kaniyang Ama kung hindi ito mas makapangyarihan sa kaniya.Isa sa ang pinakapangyarihang elemento sa lupa ay ang tubig. Ito ang siyang pinakakailangan ng mga tao. Kaya ni Wave na wasakin ang nagbobola niyang mga apoy. Tubig ang siyang kahinaan ng lahat.“Siya lang ang tanging kailangan ko, Wave. . . laban sa iyo. Alam kong hindi mo ako magagalaw kapag andito lang si Asula sa tabi ko. Alam kong importante 'tong babae sa buhay mo.”Naisip ni Sun na kung ang apoy ang gagamitn niya bil
Chapter 19TUMAYO SI HARING ARAW na ang sunod nang hahatulan ay ang anak niyang si Sun. Pero hindi pa siya nakakalapit ay agad na nagpaulan ng mga bolang apoy sa kinaroroonan nito.“Hindi ako makakapayag na hahatulan mo ako, Ama. At lalong hindi ako makakapayag na ang Wave na iyan ang kukuha ng trono mo! Hindi siya karapat-dapat! Ako ang mas bagay sa trono!”Dahil sa biglaang pagpapaulan ni Sun ng bolang apoy. Natamaan ang Haring Araw sa dibdib kung kaya't nalapnos iyon. Kitang-kita ang laman nito habang dumudugo.Napaupo ito sa sahig at napatukod ng sariling kamay. Nahahapo dahil sa hindi inaasahang gagawin iyon ng anak sa kaniya. Hindi na niya ito kilala ngayon. Tuluyan na nga itong nilamon ng kasakiman.Hindi napigilan ni Wave ang sarili at pilit niyang winawasak ang kulungang pinasukan sa kanila ni Apolo. Maging ang kaibigan ay walang tigil sa pagsira ng kulungan. Ngunit ka
Chapter 18MAIGING TINITIGAN ni Haring Araw sina Wave, Apolo at Sun. Nagsalita ang Hari sa pangunguna ng paghahatol."Kabilin-bilinan ng kaharian na kung ano ang inyong misyon ay inyong marapat na gagawin. Ngunit hindi ko aakalaing ito ang mangyayari at kahahantungan ng misyong ibinigay ko sa inyo."Gumawi ang paningin nito sa anak na lalaking si Sun."At ikaw Sun, hindi ko aakalaing iyo itong gagawin. Isa itong kahihiyan sa akin bilang hari. Gumagawa ka ng hakbang na wala sa misyon mo. Ang masama pa'y sinugod mo si Wave na walang kalaban-laban at kaalam-alam. Hindi lang iyon. . . sumali ka sa misyon na wala ka namang kinalaman. Nakikita ko ang poot at inggit sa iyong puso. . . naghahangad ka sa isang kapangyarihan. Hindi ko ito mapapalagpas kahit na anak pa kita. Marapat lamang na harapin mo ang kaparusahang katumbas ng iyong mga kalapastangan na ginawa."Kanina pa gustong-gus
Chapter 17NANLALAKI ANG mga mata ni Wave habang pinalipad sa kaniya ni Sun ang nagbobolang apoy nito na pagkalaki-laki! Kung tatakbo siya'y huli na iyon. . . maaabutan at maaabutan siya ng malaking bilog na apoy na likha ng lalaki!He must think quickly! He must do a plan how to avoid his near death! Hindi pa niya gustong mamatay! Hindi pa niya naaamin kay Asula ang totoong nararamdaman. Hindi pa niya sigurado kung magiging ligtas ang kaluluwa nito.Inipon niya ang kalahating lakas niya para sa mabilisang paglikha ng isang malaking bilog na alon. Paniguradong iyon ang panlaban niya sa apoy ng kalaban. Bago pa sa kaniya umabot ang apoy ay mamatay na ito sa tubig na likha niya.Malapit na sa kaniya ang malaking bola na apoy at nawala ito nang tumama sa kaniyang bilog na along ginawa. Kitang-kita niya kung paano umigting ang panga ni Sun.Sunud-sunod ang pagpapaulan na naman nito
Chapter 16 NAGTATAGISAN ng paningin sina Wave at Sun. Ramdam na ramdam ang intesidad sa buong paligid.Nanunuyang ngisi ang ginawad ni Sun sa kalaban. “Hindi mo ako matatalo, Wave. You are nothing but a failure. Hindi ka magtatagumpay sa misyon mong ito. Sa pamamagitan non, hindi mo na maagaw sa akin ang tronong dapat ay sa akin.”Umiling si Wave. Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng isang ito. Isa pa nagagalit si Wave dahil hindi niya inaasahan na ito ang sisira sa misyon niya. Hindi niya matanggap na ang lubos na taong ginagalang at hinahangaan niya'y gagawin ito sa kaniya.“Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, Sun. Pero iisa lang ang dapat ko ngayong gawin. . . hinding-hindi kita hahayaang sirain ang misyon ko.”Humalakhak ito. “Wala rin sa misyon mo ang mahulog ang loob mo, Wave. Wala sa misyon ang ibigin si Asula.