Share

Chapter 9

Abala akong nagdidilig sa mga halaman dito sa hardin ng bahay. Alas seyete palang ng umaga at napagdesisyonan ko munang tumulong sa mga gawaing bahay dito para hindi ako maburyo. Kanina ay sinilip ko si Kaiden sa kanyang kwarto at tulog pa naman ang bata kaya bumaba nalang muna ako.

"Manong Ben, ilang taon niyo na bang ginagawa to?" napalingon sakin si Manong Ben na abala sa paggugupit at pagtatanggal ng mga layang dahon .

"Mag siya-siyam na taon na po Ma'am" bahagya akong namangha.

"Wow, ang tagal niyo na pala dito"

"Maayos rin po kasi ang trabaho ko dito Ma'am at saka mabait si Sir Theo, mahirap maghanap ng mabait na amo"

Napatango naman ako sa sinabi niya. "Nang dahil po sa trabaho ko dito ay naipagtapos ko ng pag-aaral ang dalawa kong anak , pinapatigil na nga nila ako sa trabaho at sila nadaw ang bahala sakin pero ayaw ko at baka maburyo lang ako sa bahay pag wala akong ginagawa" natatawa pa niyang sabi at kitang kita na proud siya sa naging achievement ng mga anak niya at sa mga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status