I'll try to wrap up the flashbacks with the next chapter. Thank you for understanding. After that, balik na sa present yey. —Twinkle ×
Sa ngayon, para na lang siyang isang buhay na patay, wala na siyang pakialam sa kahit ano maliban sa batang nasa tiyan niya. Siguro alam na rin ni Alejandro Patriarch na ang batang iyon ay may dugo rin ng pamilya Alejandro. Kahit ang isang tigre, hindi kinakain ang sarili niyang anak, kaya malamang ay wala siyang gagawing masama sa bata.Pero kasabay nito, alam na rin niya sa sarili niya na ang tinatawag na kasal at pagmamahalan nila ay isa lang magandang panaginip. Kahit pa gustuhin nitong talikuran ang lahat, masyadong marami ang puwersang humihila sa kanya, kaya imposibleng tuluyang makawala.At siya? Isa lang siyang taong dumaan sa buhay nito. Kahit anong pilit, sa huli ay paghihiwalay pa rin ang kahihinatnan. Minsan, sobrang lupit at walang puso talaga ang tadhana.Nagpalit si Patricia ng suot na sportswear na ibinigay sa kanya, at nagsuot ng hip-hop na sombrero para hindi siya makilala ng mga tao.Paglabas niya ng ospital, nakita niya ang kotse ni Daemon na dumaan sa harap niya
Chapter 107PAGKATAPOS ay tumingin ang doktor kay Patricia at sa parehong tono na parang tinuturuan ang isang estudyante, nagsalita ito, “Ganon din sa’yo, huwag mong sabihing may sakit ka pa rin. Lahat ng buntis dapat maingat. Mahigit isang buwan ka pa lang buntis, nasa panganib pa rin ang bata.” Mabilis na tumango si Patricia, tapos bigla niyang tiningnan si Daemon ng masama!Ibig sabihin, kasalanan mo lahat 'to!Pagkatapos noon, sinimulan na ang mga regular na check-up. Medyo nahiya si Daemon kaya tinanong niya si Patricia kung may gusto siyang kainin para bilhin niya.Binanggit ni Patricia ang inasal pero sabi ni Daemon masyadong mamantika 'yon kaya siya na mismo ang nag-alok na palitan na lang ng ibang pagkain. Pagkatapos ng check-up, sabi ng doktor na hindi naman sobrang masama ang kondisyon niya pero kailangan niyang alagaan ang sarili. Mas mabuting manatili sa ospital para kung may mangyari, agad na maaasikaso. Kaya hindi na dapat gumagala pa sa labas.Sa totoo lang, ayaw na
Hindi pinansin ni Daemon ang pagpupumiglas niya, hinila nito ang braso niya nang madiin at niyakap siya ng mahigpit, pinasandal ang ulo niya sa dibdib nito. "Gusto kong patunayan na akin ka. Walang sinuman sa mundo ang magtatangkang hawakan ka ulit!"Tahimik lang si Patricia sa yakap nito, habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata niya. Alam niyang dapat niya itong tanggihan nang diretso at palayain siya. Isa na siyang taong may taning ang buhay, hindi na dapat siya maging hadlang pa sa buhay ni Daemon...Pero hindi siya makapagbitaw ng kahit anong salita... Kasi, sa totoo lang, sobrang hinahanap-hanap niya ang ganitong yakap.Sa kalahating buwan na iniiwasan niya si Daemon, lagi niyang pinapakita na kalmado siya at walang pakialam, pero sa totoo lang, durog na durog na ang puso niya. Kailangan niya talaga ng isang mainit na yakap at ng isang taong masasandalan.Noon, halos mabaliw siya sa pangungulila, pero hindi niya ito ipinakita. Umalis siya sa pinaka-desisidong paraan.
Chapter 106HINDI ni Daemon akalaing sobrang hilig pala ni Patricia sa mga bata… Hindi niya pa ito nakitang nakikipaglaro sa anak ng iba, at ni minsan ay wala siyang narinig na mahilig itong magpunta sa ampunan para mag-alaga ng mga bata. Pero sa pagkakataong ‘to, para sa batang nasa tiyan, handa si Patricia na isugal ang buhay niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang humanga sa pagiging ina o matawa sa katigasan ng ulo ng isang tao.Hinawakan ni Daemon nang dahan-dahan ang kamay ni Patricia. Lumambot na ang tingin niya, wala na ‘yong yabang at pagiging istrikto niya kanina. Maging ang tono niya, mas naging banayad. “Patricia, ang tanga mo talaga.”Hindi alam ni Patricia kung narinig ba niya ‘yon o hindi, pero bahagyang kumunot ang noo niya, halatang parang hindi siya natuwa.Nilapat ni Daemon ang kamay niya sa noo nito at maingat na pinantay ang kunot sa pagitan ng kilay nito, tapos yumuko siya at bumulong sa tenga niya, “...Pwede ba kitang pakasalan?”“Pakakasalan mo ba ako…?” Mah
Hindi nagsalita si Chastain. Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Daemon. Kung may masamang nangyari kay Patricia, malamang nabaliw na siya ngayon.Pero pinsan pa rin niya si Sylvia, at mahal na mahal siya ng nanay ng pinsan noong nabubuhay pa. Kaya sa totoo lang, itinuring na rin niya itong parang tunay na kapatid. Kahit na ang dami niyang ginawang mali, pinalalaki pa rin niya ito sa tamang paraan. Pero ngayon, nakita talaga niya ang intensyong pumatay sa mga mata ni Daemon!Sandaling tumigil si Daemon, tapos bahagyang ngumiti ng parang demonyo pero nakakatakot. "Sabihin mo na rin sa mabait mong tiyuhin na wala na ang kasunduan sa kasal. Sabihin mo may asawa’t anak na ako, at malapit na akong ikasal."Hindi makapaniwala ang tingin ni Chastain kay Daemon. Gusto sana niyang magsalita, pero parang na-stuck sa lalamunan niya ang mga salita at hindi niya ito masabi.Noong panahong tiniis ni Patricia ang sakit habang pinoprotektahan ang bata sa tiyan niya, gusto talaga niyang itapon sa i
Chapter 105NANG mahanap ni Chastain si Sylvia, nasa loob ito ng isang bar, umiinom kasama ang grupo ng mga lalaki at babae na puro makapal ang make-up at mukhang mga halimaw.Lumapit si Chastain, hinila niya ang braso nito at pilit na inilabas sa pinto!Patuloy pa ring pumapalag si Sylvia. "Kuya... anong ginagawa mo? Nasasaktan ako! Bitawan mo ako!""Saan mo siya dinala? Kung aaminin mo nang maayos, pwede kong hindi sabihin kay Daemon ang mga kagaguhan mong ginawa!""Sino? Anong pinagsasabi mo?" Kahit medyo lasing na si Sylvia, hindi niya inamin na siya ang kumuha kay Patricia.Hindi na sinayang ni Chastain ang oras sa pakikipagtalo. Hinila niya si Sylvia sa lobby at hallway, at ipinasok ito sa isang private room, tapos inihagis sa sofa. "Sylvia, ginagawa mo ba 'to kasi hindi na kita kayang ayusin ngayon?"Nasa sulok si Sylvia ng sofa, medyo takot ang tingin niya. Alam niyang si Chastain ay parang multo na laging nakaabang para kunin ang buhay niya, at ang Kung family at pati ang mga
Pagkatapos, may nagdala ng palanggana na may baga ng uling. May masamang ngiti sa mukha ni Sylvia habang sinabi niya, “Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng mga buhay pa…”Tapos tiningnan niya si Patricia ng may malalim na ibig sabihin, at lumabas ng kwarto kasama ang ilang lalaking naka-itim. Isinara nila ang pinto at nilock ito. Nasa labas si Sylvia, nakangiting parang baliw, “Patricia, magkasama kayong mamamatay ng anak mo! Akin lang si Daemon! Walang ibang pwedeng kumuha sa kanya!”Alam ni Patricia kung anong balak ni Sylvia, pero mag-isa lang siya at wala siyang lakas. Kailangan din niyang mag-ingat para sa baby sa tiyan niya, kaya mula simula hanggang dulo, hindi siya pumalag.Buti na lang… hindi siya itinapon sa ilog gaya ng inaasahan niya… Ang pagpatay gamit ang baga ng uling ay matagal bago umepekto, kaya may oras pa siyang makaisip ng paraan para iligtas ang sarili o hintayin ang tulong…Basta makaligtas lang siya…Tumingin siya sa paligid. Walang bintana, pinto lang ang meron
Chapter 104MATAPOS ang matagal na katahimikan, isang salita lang ang nasagot ni Daemon. "Sige." Pagkatapos ay binuhat niya si Patricia pabalik sa kama sa ospital at lumabas ng kwarto para bumili ng makakain para sa kanya.Pagkaalis ni Daemon, bumangon din agad si Patricia mula sa kama, nagsuot ng coat, nagpalit ng pantalon, nagsuot ng sapatos, at lumabas ng kwarto.Madaling araw pa lang at halos walang tao sa corridor ng ospital. Nasa VIP ward siya, at tig-iisang pasyente lang kada kwarto. Bukod sa mga doktor at nurse, wala nang ibang tao roon.Tinakpan ni Patricia ang ulo gamit ang hood ng coat niya, tinago ang kalahati ng mukha niya, at mabilis na tumakbo palabas ng corridor, pababa ng ospital. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya ganoon kahina, umaarte lang siya para makaalis si Daemon.Hindi siya puwedeng basta na lang maghintay na mamatay. Kailangan niyang tumakas!Nakita niya ang likurang pinto ng ospital, tumakbo siya palabas at sumakay ng taxi. Pagkasakay niya, doon lang n
"Patricia, kahit ito na lang ang natitirang chance mo para maging ina sa buong buhay mo, kailangan mong mabuhay! Naiintindihan mo?!" Hawak ni Daemon nang mahigpit ang ulo niya, at may halong paninigas ng ngipin ang boses niya. Tahimik lang si Patricia. Hindi siya lumalaban at hinayaan na lang si Daemon na yakapin siya. Pumikit siya ng marahan, parang tahimik na tumatanggi.Pakiramdam ni Daemon mababaliw na siya. Hindi ba puwedeng maging masunurin man lang ang babaeng ‘to?!Pero matigas at matibay ang sagot ni Patricia. "Daemon, umalis ka na. Ayoko nang makita ka ulit.""Sa tingin mo ba may silbi pa yang mga sinasabi mong ganyan ngayon?!" Pinilit niyang idiin ang ulo nito sa dibdib niya, parang hindi na niya ito pakakawalan kailanman.Napabuntong-hininga si Patricia at hinayaang yakapin siya, kahit sobrang hina na ng katawan niya. "Daemon, may laban ka pang hinaharap para sa posisyon mo, may kasal ka pang aasikasuhin. Hindi ito ang tamang oras para kontrolin mo ako.""Minsan gusto tal