Share

CHAPTER 5

"STOP  IT, Marky.”

Napadilat ako nang makilala ang boses na iyon. Pero agad din na napakurap dahil sa sobrang lapit na ng kamay ni Mark sa mukha ko. As in inch na lang talaga, dadapo na ang palad niya sa pisngi ko. Nabitin lang dahil sa pagpigil ng babae.

Naningkit ang galit na mga mata ni Mark na bumaling sa kaniya, hindi makapaniwala. “Sigurado ka, Cassy? Sa pagkakaalam ko, malaki ang atraso nitong babaeng ‘to sa ‘yo, ‘di ba?”

You heard him right. Si Cassandra iyong pumigil sa kaniya. Siyempre, nasa likuran niya iyong mga alipores niyang nagtataka rin sa ginawa ng reyna nila.

Bakit nga ba ginawa iyon ni Cassandra? Eh, ang laki ng galit kaya niya sa akin, lalo na nang umalis si Justine at nag-transfer sa ibang bansa.

Wala rin naman kasi akong balita kay Justine hanggang ngayon. Ang tanging alam ko lang ay buong pamilya nila ang nag-migrate sa Canada. Hindi ko na rin naitanong kina Kuya Cusp at Kuya Kiel, mga kapatid ni Justine, ang dahilan ng paglipat nila. Pero sigurado ako na dahil iyon sa ginawa ni Yluj.

Sikat si Justine sa buong school. Kaya sobrang kahiya-hiya nga naman sa lahat na malaman na nabugbog siya ng isang transferee lang.

Hello.

Ang sakit kaya noon sa ego.

Umukit ang matamis at palakaibigan na ngiti sa labi ni Cassandra. “She’s a girl, Marky. Kung sasaktan mo siya… baka akalain ng lahat that you’re gay,” maamo niyang sabi sabay lapit sa amin.

Napalunok ako nang umangat ang gilid ng labi ni Mark nang bumaling siya sa akin. Nakaukit ang kademonyohan sa kaniyang maangas na mukha. At hindi siya mapipigilan ng kahit na sinuman.

Tss.

“Eh, ano naman ang pakialam ko sa sasabihin nila? Ako ang batas, Cassy. Kaya kung gusto kong saktan ang babaeng ito,” pilyong sabi ni Mark sabay taas ng kaniyang kamay. “Gagawin ko!”

Napapikit ako nang mariin nang marahas niyang ibagsak ang palad sa mukha ko. Pero ilang segundo ang lumipas, walang palad ang umatake sa pisngi ko.

“I said stop playing the poor Kath, Marky.”

Hawak ni Cassandra ang palapulsuhan ni Mark nang magmulat ako ng mga mata. For the second time around, she saved me from Mark’s palm.

Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng tuwa para kay Cassandra. Siguro, na-realize niyang hindi ako ang may kasalanan kung bakit napalayo sa kaniya si Justine. O hindi naman kaya, natauhan siya na hindi worth it na maging boyfriend ang isang playboy.

I sighed.

“Flores,” sabay abot niya sa Hermes bag niya sa kaniyang likuran.

Mabilis namang lumapit ang isa sa mga alipores niya at agad kinuha ang bag niya saka bumalik din sa mga kasamahan.

“Hindi ito tama, Marky. Maling i-hurt ang isang babae like Kath,” mariin niyang sabi. “She’s simple, unstylish and weak.”

“Oh, ano naman? Isusumbong mo ako?” may hamon sa naiinis nang boses ni Mark.

Cassandra rolled her eyes and pushed Mark a bit. Bahagyang napaatras si Mark at hindi makapaniwalang nagawa iyon ni Cassandra sa kaniya. Well, aaminin ko, natuwa ako sa ginawa niya. Hindi naman pala talaga siya ganoon kasama.

I feel it!

“Kahit cousin pa kita, I will report you for doing this. So if I were you… I will leave this poor Kath alone.”

Humalukipkip si Cassandra at tinaasan ng kilay si Mark na ikinailing nito.

“Shu! Go away!”

Suminghal si Mark at inis na tinalikuran kami.

Hay.

Saka ako nakahinga nang maluwag nang maglaho na siya’t kami na lang ang natira sa pasilyo.

Hindi pa naman madalas daanan ang parteng iyon ng school. Mabuti na lang at dumating ang grupo ni Cassandra. Kung hindi ay tiyak dumudugo na sana ang pisngi ko sa sapak ng lalaking iyon. Tsk!

“Are you okay, Kath? Nasaktan ka ba?” nag-aalala niyang tanong.

Napatango na lang ako kasi hindi ako makapaniwalang makita na nag-aalala rin pala siya sa akin. Well, iyong pagtulong niya nga sa akin at pagtatanggol sa mokong na iyon ay sobrang nakagugulat na.

“Sinaktan ka na ba ng cousin kong ‘yon when we’re not yet here?”

Umiling ako. “H-hindi. Hindi pa. Sakto lang ‘yong pagdating ninyo.”

“Well, good to hear that.”

I smiled genuinely. “S-Salamat nga pala, Cassandra. Kung hindi ka dumating, siguro sugat-sugat na ‘tong pisngi ko.”

She chuckled. “That’s nothing! Ano ka ba! Maliit na bagay lang ‘yon. Saka, sino pa bang magtutulungan, ‘di ba?”

I smiled. “Oo nga naman. Siyempre… tayong mga sinaktan ni Justine.”

She laughed mockingly. “Yeah. Friends?”

Napalunok ako nang titigan ko ang nakalahad na kamay niya. Hindi naman yata masamang makipagkaibigan sa kaniya. At least, wala na akong magiging kaaway sa school na ito.

“Friends.”

“Friends,” sabay yakap niya sa akin.

Napangiti ako dahil sa ginawa niya. Sabi ko na nga ba, eh. Kahit medyo may kasamaan itong si Cassandra at hindi naging maganda ang una naming pagtatagpo… ramdam ko na mabuti nga siyang tao.

Totoo nga naman iyong kasabihan na “don’t judge a book by it’s cover”. Isa si Cassandra sa halimbawa noon. Mukhang maarte at m*****a sa unang tingin, sa kaloob-looban niya ay may kabutihan din na nagtatago.

Or so I thought.

Hindi pa man ako nakahahakbang ay biglang bumagsak na ako sa sahig. At umugong ang tawanan nilang lahat.

“Cassandra?” nagtataka kong tanong sa kaniya. “Bakit mo ako pinatid?”

Humalukipkip siyang lumapit sa akin. “What do you think? Kakampihan kita? Kakaibiganin after what you did to me and Justine?”

“A-akala ko ba okay na sa ‘yo ang lahat?”

“No! Ikaw, ikaw ang may kasalanan kung bakit Justine flew away and broke up with me.”

Gigil niya akong idinuro at sinipa ang tuhod ko. Doon ko lamang napansin ang sugat doon, pero wala akong naramdaman na sakit o hapdi man lamang. Kahit kitang-kita ko ang padurugo niyon.

“Because of you… umalis siya!” Tears pooled on her eyes. “B-Because of you… h-he broke up with me. Kasalanan mo ang lahat, loser!”

Hindi ako nakaapila nang sugurin niya ako at sinabunutan. Dama ko ang sakit sa anit dahil sa higpit at lakas ng pagkakahatak niya sa buhok ko. Lalo pang dumoble ang sakit nang dumugin din ako ng mga alipores niya at tinulungan siya.

“T-Tigilan ninyo ako, Cassandra!” impit ko, hindi na matiis ang sakit na tila makakalbo na yata ako.

“No! Bitch! Tama lang ito sa ‘yo!”

Gusto kong lumaban pero anim sila. Tanging nagawa ko na lang ay ang protektahan ang sarili ko kahit sobrang imposible.

“T-Tama na!”

“Tama lang ito sa ‘yo,” sabay sampal sa akin ni Kanica.

“Oo.” Si Les.

Panay ang impit ko nang pagsisipain nila akong anim. Halos mamaluktot na ako sa sobrang sakit at hapding nararamdaman ko sa iba’t ibang parte ng katawan ko.

Nalalasahan ko na rin ang bakal mula sa dugong pumutok sa labi ko. Kahit hirap na ako sa paghinga, wala pa rin silang tigil sa paghatak sa buhok ko at pagsipa sa katawan ko.

Gusto nang pumikit ng mga mata ko. Nilalakasan ko lang ang loob ko dahil baka kung anong mangyari sa akin. Kahit na nagsisimula nang dumilim ang paningin ko.

I screamed when a voltage of current attacked my heart, pinipigilan ang pagtibok ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib.

Umingay ang paligid. At tumigil na ang grupo ni Cassandra sa ginagawa nila sa akin. O hindi naman kaya ay namanhid na nang tuluyan ang katawan ko dahil sa sobrang sakit ng mga ginagawa nila sa akin.

“Why are you doing this?! Are you planning to kill her?!” galit na sigaw no’ng lalaki.

Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Na tila lumilipad ako sa alapaap. Na tila ligtas na ako sa kamatayan. O hindi naman kaya… patay na ako? At lumilipad na ako patungong langit?

“I-I didn’t mean it,” mausal-usal na sinabi ng babaeng demonyita.

“Didn’t mean it. Didn’t mean it! Kung ihampas ko kaya ‘tong trashcan na ‘to sa mukha mo? ‘Tapos sabihin ko rin na hindi ko sinasadya?” galit na sabi ng isa pang babaeng amazona.

Wait, is that Yiel?

I tried to open my eyes. Pero nagpatuloy ako sa paglipad sa langit. At ang bango-bango pa ng hangin, parang hindi polluted. Unti-unting hinihila nito pabagsak ang mga talukap ko.

“Oh? Ano pang hinihintay ninyo? Tapos na ang palabas! Magsilayas na kayo! Kung hindi, i-re-report ko kayong lahat sa principal!”

“Imouto, don’t close your eyes. Okay?” the Angel said.

Pero hindi ko nakayanan pa’t tuluyan nang nagdilim ang paningin ko sa pagsara ng mga mata ko.

Nagising na lang ako sa isang sobrang tahimik na paligid. Bumungad sa akin ang kulay puti, pero napapikit agad ako nang masilaw sa tindi ng liwanag.

Wait. Nasa langit na ba ako?

Kung oo, nasaan si San Pedro at nang makapagpa-autograph ako?

“Katherine, baby, gising ka na ba?”

Teka. Boses iyon ni Mama, ah. Ano’ng ginagawa niya rito sa langit? Patay na rin ba siya?

Nagtataka, dahan-dahan kong minulat ang mga mata at bumungad sa akin ang isang fluorescent na ilaw at puting kisame.

Teka. Iyong ilaw ba iyong nakakasilaw kanina?

“Papa, gising na nga si Katherine!” sigaw ni Mama, puno ng sigla.

Nagsilapitan naman sina Mama at Papa sa akin at dumungaw. So, hindi pa pala ako patay? Eh, bakit parang nalungkot yata ako? Mas ikakasiya ko ba kung namatay na lang ako nang tuluyan?

“N-Nasaan ako?” mautal-utal man, malamig ko pa rin na naitanong sa kanila.

“Na-ospital ka na nga, nagsusungit ka pa rin?”

Naningkit ang mga mata ko nang dumungaw si Kuya Chris at bumungad sa akin ang nakakaasar niyang mukha.

“Nasa ospital ako? Pero paano nangyari? Naalaala ko, nasa school ako’t pinagtutulungan nina…”

Natigilan ako nang manariwa sa aking isipan iyong mga nangyari kanina.

Mama tsk-ed. “Nagka-mild heart attack ka dahil sa ginawa ng mga demonyitang iyon!”

“Darling, ano ba talaga ang totoong nangyari?”

Umirap ako dahil sa tanong na iyon ni Papa. As if naman na may pakialam talaga sila sa akin. Alam kong nagi-guilty lang sila sa sinapit ko. Pero ang totoo, hiniling nilang natuluyan na lang sana ako.

“Wala,” sabay iwas ko ng tingin sa kanila.

Bumuntong-hininga si Mama. “Nag-aalala lang kami nang sobra sa ‘yo, Anak---”

Pinutol ko sa pagsasalita si Mama. “Pagod ako. Gusto kong magpahinga. So please… lumabas na muna kayo.”

“Katherine,” may pagbabanta sa boses ni Kuya.

“It’s okay, Christian. Lumabas na muna tayo. Hayaan natin na magpahinga ang kapatid mo.”

“Pero, Papa---”

“Tara na, Chris. Hayaan na natin ang baby princess natin na magpahinga.” Si Mama.

“Mama, pati ba naman ikaw!”

“Tara na.”

I sighed.

Bumisita si Yiel at Joan kinabukasan. Bagot na bagot na ako kaya mabuti na lang, bumisita ‘tong dalawang ito kundi, baka tuluyan na nga akong namatay. Hindi sa mga pasa at bugbog na natamo ko kundi sa sobrang pagka-boring.

“Mabuti na lang talaga, dumating kami ni Yluj dahil kung hindi… baka paglalamayan na natin ‘tong si Kath,” inis na inis na sabi ni Yiel matapos ikuwento ang lahat na nangyari kahapon.

Bale, silang dalawa ni Yluj ang nagsugod sa akin sa ospital. Medyo malapit lang ito sa SAVS kaya naagapan ako agad.

Base sa mga kuwento ni Yiel, talaga ngang nag-agaw-buhay ako dahil sa sobrang pambubugbog na natamo ko.

Joan rolled her eyes in irritation as she crossed her arms on her chest. “How gross! Then, Cassandra deserve to be expelled. Buti nga sa babaeng iyon!”

Well, hindi lang si Cassandra ang na-expel kundi ang buong grupo niya.

“So… ano’ng plano mo, Kath?” sabay irap ni Yiel. “Siguro naman, enough na iyon para sumali ka na sa pageant?”

Joan’s eyes widened with shock. “Hala! You mean, ikaw iyong representative ng section ninyo sa Miss SAVS?”

Umiling na lang ako. “At bakit napasok ang pageant na iyon sa usapan, Mariel?”

Walang sayang tumawa si Yiel, nanunuya. “Bakit? Baka gusto mong ipaalaala ko sa ‘yo na si Yluj lang naman ang sumagip diyan sa buhay mo.”

“So---ouch!”

Bigla akong hinampas ni Yiel sa inis na ikinatawa ni Joan. “Nakakagigil ka talagang bruha ka! Bilang utang na loob, pumayag ka na!”

I chuckled. Well, nagbibiro lang naman ako.

“Oo na! Pumapayag na ako!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status