NAGULAT SI PALOMA nang maramdaman niya ang malambot na dampi ng labi ni Kenneth sa tuktok ng kanyang balikat. Para bang hinahaplos ng init ang bawat parte ng kanyang katawan, at unti‑unting lumalambot ang natitirang lakas ng kanyang tuhod.“K‑Kenneth… tama na…” mahina pero nanginginig niyang pakiusap. Pinipilit niyang pigilan ang sarili kahit ang totoo nagsimula na rin siyang madarang. Mariing ipinikit ni Paloma ang kanyang mga mata at nagsimulang huminga siya nang malalim. Pero habang hindi pa siya nalulunod sa ipinapatikim sa kanya ni Kenneth sinubukan niyang itulak palayo sa kanya. Pero habang itinutulak niya ito, mas lalong diniinan nito ang labi sa kanyang balat. Mahigpit na hinapit ang kanyang maliit na beywang dahilan para mas lalong nagdikit ang kanilang katawan. “K-Ke, hmmp,” maliit na halinghing ang kumawala sa kanyang bibig ngunit pilit niyang nilabanan ang sensasyong dulot ng mga halik ng kanyang asawa.“T-tama na, please,” pakiusap niya ngunit tila hindi man lang siya n
Terakhir Diperbarui : 2025-11-21 Baca selengkapnya