All Chapters of Clementine: The Mistress: Chapter 31 - Chapter 40
61 Chapters
CHAPTER 31
CHAPTER 31CLEMENTINE DESCHAMPSKanina pa 'ko nakatingin at nagpapalakad-lakad sa harap ng salamin. Nakasuot lamang ako ng isang simpleng damit na kulay berde na nabuburdahan ng mga pulang rosas. May laso ito sa dibdib at berdeng bato sa gitna. Ang buhok ko naman ay hinayaan ko na lang nang nakalugay. Ang tatlo lang naman ang nagpumilit na ayusan ako at lagyan ng kolorete sa mukha."Bagay na bagay sa inyo ang ayos n'yo," puri ni Fantine. "Talagang napakaganda n'yo, Madame."Nahihiya akong ngumiti at tumingin sa salamin. "Hindi naman gaano...""Lalo na ang damit n'yo, Madame," dagdag niya. "Talagang tumutugma sa inyo ang disenyo at kulay nito.""Sa totoo lang, gusto ko rin ang kulay na 'to," sagot ko. "Napakapresko at kalmado nitong tignan."Tila may naisip siya sa sinabi ko. "Madame, ang sabi nila, kapag nagugustuhan ng isang
Read more
CHAPTER 32
CHAPTER 32CLEMENTINE DESCHAMPS"Nandito ka na pala," nakangiting bati sa'kin ni Sofia nang pumasok ako sa silid niya.Ngayong araw ay nakasuot lamang siya ng isang puti at simpleng damit. Pababa ring nakatirintas ang buhok niya na walang kahit na anong palamuti maliban sa puting laso na nakatali rito. Simpleng itim na sapatos lang din ang suot niya na may kaunting takong. Bukod sa mga ito ay wala na siyang suot pa na kahit anong palamuti sa katawan at kolorete sa mukha. Pero kahit na simple lang ang gayak niya, may makikita kang liwanag sa mga mata niya."Ikaw lang yata ang kilala kong masaya na aalis.""Makakawala na 'ko sa mga tanikalang pumipigil sa'kin at makakapagtungo sa landas na ninanais ko, sinong 'di magiging masaya?"Napangiti at napatango ako sa tinuran niya. Kung masaya siya ay masaya na rin ako para sa kaniya. Alam kong an
Read more
CHAPTER 33
CHAPTER 33CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame, nakahanda na po ang lahat," nakangiting wika ni Fantine matapos isara ang huling kahon na dadalhin namin sa biyahe.Ngumiti ako at sinara na ang librong binabasa ko. "Mabuti naman. Maaari na tayong umalis mamaya."Lumabit siya sa'kin at inabutan ako ng pares ng puting guwantes. "Suotin n'yo po 'yan.""Salamat," sagot ko at kinuha ito para suotin."Madame," wika naman ni Isabelle. "Nandito na po si Duc Richard at Marquis Saber.""Papasukin n'yo na sila."Tumango si Isabelle at sinenyasan si Julie na buksan ang pinto. Pumasok naman sa silid ang magpinsan at nakangiting bumati sa'kin. Ngumiti na lang din ako sa kanila at pinaupo sila."Halos kalahating araw din pala ang magiging biyahe natin," wika ni Richard."Mauuna muna tayong pumunta sa Rouen para bisitahin ang mga magulang ni Madame. Pagkatapos ay pupuntahan din natin ang ampunan sa lugar nila. Sandali lamang tayo r'on at pupuntahan naman natin ang mga kapatid niya sa Dieppe," paliwanag ni Sa
Read more
CHAPTER 34
CHAPTER 34CLEMENTINE DESCHAMPS"Ano pong gusto n'yong suotin, Madame?" Tanong ni Fantine habang pumipili sa mga nakahelerang damit."Dahil pupunta tayo sa ampunan at inaasahan din natin na may mga taong pupunta r'on para salubungin ako, mas mabuti kung kumportableng damit na lang ang susuotin ko. Iwasan din sana natin na magsuot ako ng mga mamahaling alahas.""Masusunod, Madame.""Salamat, Fantine."Binalik ko ang atensyon ko sa binabasa kong talaan. Binigay ito sa'kin noon ni Sofia para pag-aralan kung paano ginagastos ng palasyo ang pondo nito. Binabasa ko na 'to para maging handa na 'ko sa pagbabalik ko sa palasyo."Madame, nandito si Marquis Saber," ulat naman ni Isabelle."Papasukin mo siya," tugon ko at nilapag muna sa mesa ang talaan na binabasa ko."Magandang umaga, Madame," bati ni Saber at yumuko."Magandang umaga rin. Maupo ka.""Salamat, Madame," tugon niya at
Read more
CHAPTER 34.5
CHAPTER 34.5CLEMENTINE DESCHAMPS"Nandito na po tayo sa Dieppe," wika ni Fantine at binuksan ang pinto ng karwahe.Tinulungan niya 'kong makababa, at nang makababa na 'ko ay sinara na niya ang pinto ng karwahe. Napatingala ako at napatulala sa malaking mansion na nasa harapan ko."Ito po ang tahanan ni Duc Richard dito sa Dieppe," paliwanag ni Fantine."Nang sinabi niyang maliit na tirahan, hindi ko inaasahan na ganito pala ang maliit sa kaniya..."Halos kasing laki na ito ng palasyo sa Rouen.Natawa naman si Fantine. "Ang pamilya nila ang isa sa mga pinakamalalaking negosyante sa France, England, Scotland, Spain, at Germany. Maliit lamang 'to para sa kanila.""Ano nga palang mga negosyo nila?""Marami silang hawak na negosyo, Madame. Pero ang pinakamalaking hawak nila ay ang negosyo nila ng mga alahas.""Kaya siguro napakadali rin sa kaniya na kumbinsihin ang mga maharlika na tu
Read more
CHAPTER 35
CHAPTER 35CLEMENTINE DESCHAMPS"Tama ba ang iniisip ko, Corbeau?" Tanong ko sa kaniya ngayong kaming dalawa na lang naiwan sa hardin.Ngunit imbes na sumagot ay nagbaba lang siya ng tingin."Corbeau," maawtoridad kong wika. "Sumagot ka.""P-patawad, ate..." mahina at nauutal niyang sagot. Ni hindi man lang siya makatingin sa'kin."Siya ang magiging reyna ng England, Corbeau.""A-alam ko naman 'yon... Kaya nga 'di ko na sinabi pa sa'yo..."Napabuntong-hininga ako. Ba't naman kasi sa dami ng magugustuhan niya ay si Prinsesa Lorraine pa? Siya ang magiging reyna ng England. Ikakasal na siya sa dauphin ng England sa Disyembre."Masasaktan ka lamang...""'Di ko naman sinadyang magustuhan siya. 'Di rin naman ako umaasa na magugustuhan niya rin ako. Lalo na at siya ang prinsesa ng France at magiging reyna ng England."Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kaniya. Hinintay kong
Read more
CHAPTER 35.5
CHAPTER 35.5 CLEMENTINE DESCHAMPS "Anong oras tayo aalis bukas, Madame?" Tanong ni Julie na kasamang nag-aayos nina Isabelle at Fantine para sa pag-alis namin bukas. "Aalis tayo pagkatapos mag-agahan," nakangiti kong sagot. "Makakasama na uli ni Madame ang hari," tila kinikilig na usal ni Julie. Natawa naman si Isabelle. "Kung anu-ano na naman ang sinasabi mo. Mag-ayos ka na nga lang diyan." "Kahit naman sandali lamang tayo rito, matagal na 'yon para kay Madame," depensa ni Julie. "Tiyak kong nais niya na ring makita ang hari." Napapailing na lang kami sa mga sinasabi ni Julie. Ngunit 'di ko rin naman maiwasang isipin kung ano bang ginagawa ni Francis ngayon. Siguro ay habang inaasikaso ko ang pamilya ko, abala naman siya sa pagpapalawak ng teritoryo ng France. "Madame, paano kaya kung magpadala ka na ng paunang sulat na babalik na tayo bukas?" Tanong ni Fantine. "May tao naman tayo na
Read more
CHAPTER 36
CHAPTER 36CLEMENTINE DESCHAMPS"BUKSAN ANG TARANGKAHAN!""Anong nangyayari?" Tanong ko habang nakasilip sa bintana ng karwahe. "Ba't ang daming tao?""'Di ko rin alam, Madame," sagot ni Fantine. "Ngunit mukhang hinihintay nila ang pagbabalik n'yo."Tumigil na 'ko sa pagsilip at hinintay na lang na huminto sa pag-andar ang karwahe. Agad namang binuksan ni Fantine ang pinto nang huminto ito. Sa pagbaba ko ay si Francis ang sumalubong at umalalay sa'kin."Maligayang pagbabalik, Clementine!" Masayang bati ni Duchesse Celine at mahigpit akong niyakap.Napatingin ako sa paligid. Tila higit na mas marami ang tao ngayon dito kaysa dati."May problema ba?" Nakangiting tanong ni Duchesse Celine.Umiling ako. "Nagtataka lamang ako dahil tila mas marami yata ang tao ngayon dito sa palasyo."Humalakhak siya. "'Wag kang magtaka, Clementine. Lahat sila ay nandito para sa'yo."Napakunot a
Read more
CHAPTER 36.5
CHAPTER 36.5CLEMENTINE DESCHAMPS"'Yan ba ang susuotin mo para sa kasiyahan mamaya?" Tanong ni Francis habang pinagmamasdan ang suot kong berdeng bestida.Pinagmasdan ko ang suot ko. "Oo. May problema ba?""Walang problema," tugon niya at niyakap ako mula sa likod. "Ang ganda mo nga, e."Napangiti ako. "Salamat.""Marunong ka na palang sumagot ngayon, ha?""Tinuruan ako ni Duchesse Celine na tumanggap ng papuri. Mas maganda raw 'yon.""Paumahin sa abala," wika ni Alphonse pagkapasok niya ng silid. "Mag-uumpisa na ang kasiyahan."Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa'kin ngunit ang kamay ko naman ang hinawakan niya."Magtungo na tayo sa kasiyahan," nakangiti niyang wika.Napatingin ako sa mga kamay namin at sa nakangiti niyang mukha. Napakagat ako sa ibaba kong labi. Naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko. Dagdag pa na napakagwapo niyang tignan sa asul niyang kasuota
Read more
CHAPTER 37
CHAPTER 37CLEMENTINE DESCHAMPS"Papasok na tayo, Madame."Tumango ako upang ipakita na handa na 'ko. Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa sandatang nakatago sa manggas ko. Kailangan kong maging handa sa mga maaaring mangyari."Duc Felix?" Gulat kong wika nang makitang siya ang kausap ni Francis. "Anong ibig sabihin nito?""'Yan din ang tanong ko sa aking pinakamamahal na pamangkin, Madame," tugon niya at bumaling kay Francis. "Anong ibig sabihin nito?""'Wag ka nang magsinungaling pa," asik ni Francis. "Mahirap man para sa'kin na tanggapin, alam kong ikaw ang traydor na nais pumatay kay Clementine at magrebelde laban sa'kin.""Madame," rinig kong bulong ni Alphonse sa'kin bago ako marahang hilahin palapit kay Francis. "Hayaan n'yong kami ang umayos nito.""Ano namang motibo ko para gawin ang bagay na 'yan?""'Yan din ang 'di namin alam," tugon ni Francis. "Ngunit sapat na ang mga ebid
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status