Home / Romance / Billionaire's Bed Warmer / Chapter 151 - Chapter 160

All Chapters of Billionaire's Bed Warmer: Chapter 151 - Chapter 160

162 Chapters

Kabanata 151

Find me...Hindi pa rin mawala iyon sa isipan ni Maxine. Paulit ulit pa rin umuugong iyon sa kanyang pandinig. Wala siyang kaalam-alam kung anong nangyari sa babae. Pero sa itsura nito kanina, parang may tinataguan ito."Craig Samaniego, patay na!" biglang bulong ni Sharon sa kanya. Magkasama na sila ni Sharon. Nakangiti siya habang bumabati sa mga bisita pero napawi iyon dahil sa bulong nito. "Not a good joke, Sha!" saway niya sa kaibigan. Natawa naman ito. "Patay na patay sa iyo. Paano tignan mo kung paano makatitig at paano ka sundan ng mga tingin..." ika nitong ininguso ang kinatatayuan ni Craig. Pagbaling niya dito ay nagtama agad ang kanilang mga mata. Na kahit hindi magsalita ay saglit na nag-usap bago ito sumenyas na pupunta sa taas. Alam na niya kung saan ito pupunta, sa hotel room ng lolo nito. May dala kasi itong envelope.Magsisimula na ang party. Abala naman sila ni Sharon sa pagbati sa mga dumadating pa na mahahalagang bisita. "Sha, magba-banyo lang ako," paalam ni
last updateLast Updated : 2025-05-03
Read more

Kabanata 152

Dire-diretso si Craig sa back stage para puntahan ang kanyang lolo. Nag-aapoy ang mga mata niya sa galit. Ni hindi niya napansin si Maxine na papasalubong sana sa kanya. He was consumed with anger! Habang ang hawak niyang envelope ay nalukot na.Agad siyang nakita ng kanyang lolo. Malawak ang ngiti nitong sumalubong sa kanya. Inilahad ang kamay para kunin sa kanya ang speech sana."Akin na Craig," ika nitong puno ng enerhiya.Lalong nagdilim ang mukha niya. Nagsitinginan ang ilang mga naroon dahil doon. Na-sense ng mga ito ang galit niya."Leave us!" utos niya sa mga iyon. Agad na nagsitalima nang makitang seryoso siya. Nagsalubong ang mga kilay ng matandang Samaniego. Hindi niya agad napansin ang madilim na awra ng apo dahil excited siya sa speech na gagawin. Hindi lang kasi about sa negosyo at kompanya ang sasabihin niya. Ipapakilala na rin niya si Maxine na magiging parte ng kanilang pamilya. "Why, Lo? Kaya ba ayaw mong makaalala ako dahil sa mga ginawa mo?" sumbat agad ni Craig
last updateLast Updated : 2025-05-04
Read more

Kabanata 153

Papalubog na si Maxine nang isang matipunong braso ang agad na pumupulot sa kanyang katawan at iniahon siya. "I told you, if he hurt you, I'll be here for you. Sasaluhin kita..."Bago siya mawalan ng malay ay narinig niyang ika ng taong buhat na siya ngayon paahon sa tubig. Nagawa pa niyang iyakap ang kamay sa batok nito. Kumukuha doon ng lakas. Parang napako naman si Craig habang muling nasa pool. Pagkaahon niya kay Althea ay agad din naman siyang bumalik para sagipin si Max. Pero nahuli na siya. Karga na ito ngayon ni Sergio. Naunahan siya ng lalakeng sagipin si Max. "Max! Max!" sigaw ni Sharon sa pangalan ng babae. Mula sa kinaroroonan niya ay kitang kita niya na wala itong malay habang mabilis na papaalis si Sergio. Nakasunod naman ang pinsan niyang umiiyak. "Craig..." tawag sa kanya ni Althea. Basang basa ang babae. Nasa gilid ito ng pool. Ang wheelchair nito ay nakalubog na sa tubig. "Aivan, take her to the hospital..." utos niya sa kaibigan nang makita itong lumapit sa ba
last updateLast Updated : 2025-05-04
Read more

Kabanata 154

Nagulat siya nang makitang nakatayo na si Sharon sa may pinto. Humahangos ito na tila may hinahabol. Napatigil siya sa paghakbang at hinintay itong lumapit sa kanya. Natigil kasi ito bigla nang bumaba ang tingin nito sa kanyang maleta."Saan ka pupunta, Max?" At alam niya. Siya ang hinahabol nito. Kaibigan nga niya talaga si Sharon.Ngumiti siya ngunit hindi na niya napigilan ang pagluha. Gusto sana niyang umalis ng tahimik na walang sinong makakaalam. Pero siguro nga, gaya ng sabi nito palagi, kahit magkaibigan lamang sila ay magkadikit talaga ang kanilang mga bituka. Naramdaman nito ang kalungkutan ng puso niya at ang balak niyang pag-alis. Hindi niya naitago rito ang lahat. She sensed her."Max, aalis ka?" Naluluhang lumapit ito sa kanya. Kinuha ang mga kamay niya kaya nabitiwan niya ang maleta. "Don't do this, please. Ano man ang dahilan..." pakiusap nito. Nagmamakaawa habang mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Ayaw bitiwan.Mapait siyang ngumiti. Binasa ang tuyong mga labi
last updateLast Updated : 2025-05-05
Read more

Kabanata 155

"How is he?"Nilapitan ni Craig ang ina na nakaupo sa may bench sa labas ng ICU kung nasaan ang matandang Samaniego. Halatang umiyak ang kanyang ina dahil sa pamumugto ng kanyang mga mata. "He's stable now, sabi ng doctor. He needs to have a bypass operation. Hindi niya sinasabi na may nararamdaman na pala siya sa kanyang puso..."Nakuyom niya ang kanyang kamao. Alam niyang nagkaroon ng trigger ang nangyari dito. And it's because of their confrontation. "Si Maxine, how is she?"Naupo siya sa tabi ng kanyang ina. Pagod na pagod na naisandig ang likod sa dingding ng hospital. "She is at home. She wants to take a rest..." aniyang walang enerhiya. "Ma...I made a mistake, right?" Hindi niya mapigilan ang paggaralgal ng kanyang boses. Hanggang ngayon, parang nakikita pa niya ang paglubog ni Maxine sa tubig. Kung hindi lang dahil kay Sergio, baka tuluyang nawala sa kanya ang mag-ina niya. Hindi niya kakayanin iyon. Ginagap ni Mrs. Samaniego ang kamay ng anak. Napansin niya ang pamumula
last updateLast Updated : 2025-05-06
Read more

Kabanta 156

Habang bumabiyahe ang tricycle na sinasakyan niya ay hindi niya mapigilang tumanaw sa paligid. Nadadaanan nila ang malaking plantasyon ng mga iba't ibang klase ng citrus plant. Makikita ang mga hitik na bunga ng mga iyon dahil wire lang ang nagsisilbing pader mula sa daan. Halos kalahati ng buong bayan ay lupain ng mga Salvador. Hindi lang citrus plantation ang meron doon. May ilang ektarya din ng lupa ay natatamnan ng mga dragon fruits at pinya. Napapikit siya at ninamnam ang sariwang hangin na dala ng lugar na iyon. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang bumalik ang alaala niya noong kabataan niya. Palaruan niya ang mga puno ng Satsuma at dalandan. Doon at tumatakbo-takbo siya habang hinahabol ng kanyang ama. Minsan ay pinipitas niya ang maliliit na bulaklak ng halaman na siyang ibibigay niya sa kanyang ina. Kay saya ng buo nilang pamilya.Ang ngiti sa mga labi niya ay napawi at napalitan ng luhang biglang sumilay sa kanyang mga mata. Nasira ang kanilang pamilya nang magkaroon ng
last updateLast Updated : 2025-05-06
Read more

Kabanata 157

"Papa..."anas niya.Hindi niya mapigilan ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata nang makita ang ama. Nakatagilid ang kanyang ama at nakatingin sa labas. Nasa balkonahe ito nakaupo. Sa gilid nito ay isang tungkod. "Papa..."Lalong nadagdagan ang bigat sa kanyang dibdib nang bigla itong lumingon sa kanya. Sa una ay blanko ang titig nito sa kanya na para bang hindi siya nakikilala.Dahan-dahan siyang lumalapit habang umiiyak. Napasinghap siya nang bigla itong ngumiti at iniawang ang kamay para sa isang yakap."Anak..."Patakbo niyang sinugod ng yakap ang amang nawalay sa kanya ng ilang taon."Papa!" Para siyang batang nagsumbong sa kanyang ama na umiyak sa dibdib nito. Hinahaplos naman nito ang kanyang likod. Hinagod at pinapatahan siya. May himig itong sinasabi habang patuloy siyang pumapalahaw ng iyak.Ramdam niyang pumayat ang kanyang ama. He was bulky from what she remembered. Batak kasi ito sa trabaho sa hacienda. Pero ngayon, hindi lang sa payat ito kundi tumanda na rin m
last updateLast Updated : 2025-05-07
Read more

Kabanata 158

"Craig, please, get hold of yourself. Alam kong mahirap, but I need you to be strong for me. Kahit sa akin na lang anak, please..." pakiusap ni Mrs. Samaniego sa anak. Ilang araw na itong nagkukulong sa silid. Ayaw lumabas kahit na magpunta sa trabaho. Nasa may pintuan siya at nag-aalala na kay Craig. Hindi na niya alam kung anong nangyayari dito sa loob ng kuwarto nito.Kasabay ng balitang umalis si Maxine ay ang pagbuti ng lagay ni Don Felipe. Naoperahan na ito at ngayon ay nagpapagaling sa hospital. Pero hindi pa nila masabi rito ang totoong sitwasyon. At ngayon ay dumagdag pa si Craig na halos napabayaan na ang lahat. Ilang araw pa lamang ang nakalilipas. Nang umalis si Maxine ay walang ginawa si Craig kundi ang hanapin ang babae sa buong ka-Maynilaan. Bus station by bus station. Maging sa pier ng barko at mga paliparan ang pinuntahan nito. Hindi tumigil sa paghahanap kahit malabong makita niya ang babae. Dahil mahirap hanapin ang taong hindi gustong magpahanap."Ma..."Nagulat
last updateLast Updated : 2025-05-07
Read more

Kabanata 159

Hawak ni Althea ang kamay ni Craig. Tulog pa ang lalake nang makarating siya roon sa tulong na rin ni Aivan. Hinintay din nilang nakauwi na muna si Mrs. Samaniego bago niya ito madalaw. Nakakaawa ang itsura ng lalake. Parang hindi ito ang Craig na kilala niya. Napabayaan nito ang sarili sa ilang araw lamang. May mga tumubong Ballas ito. Malalalim at itim ang paligid ng mga mata. Medyo nangayayat din batay sa biglang paghumpak ng mukha nito. Halos hindi na niya makilala ang lalake dahil sa mga ikinikilos nito."Ganito ka rin ba noong nawala ako sa buhay mo, Craig?" Mahinang usal niya. Naluluha. Nagsisisi siyang umalis noon. Sana hindi ganoon ngayon si Craig. Baka masaya na sila ngayon. Baka naipaglaban nila ang meron sila. Baka nga walang Maxine na nakapagitan sa kanila ngayon. "Can we back to each other, Craig. Puwede ba nating kalimutan na ang mga nangyari..." bulong niyang pakiusal dito. "I still love you...""Maxine...Max..."Natigil siya nang biglang gumalaw si Craig. Mahigpit ni
last updateLast Updated : 2025-05-08
Read more

Kabanata 160

Ilang araw na rin si Maxine sa probinsiya. Malimit siyang lumabas sa kanyang kuwarto. Maging ang ama ay malimit niyang makausap kahit na nasa bahay lang naman silang dalawa. Paano ay iniiwasan niyang magtanong ito kung ano nga ba ang nangyari sa kanya. Isa pa, hindi niya gustong makasalamuha si Elias. Kahit ganoon ay kinakausap at kinukumusta pa rin siya ng lalake. Pilit nitong inilalapit ang sarili sa kanya. Si Elias ay itinuring na ng kanyang ama na parang sariling anak. Ito ang namahala sa kanilang Hacienda nang hindi kayang pamahalaan iyon ng kanyang ama. Sa pagmamasid niya sa lalake ay masasabi naman niyang mabait ito at responsable. Kung hindi, sana ay napabayaan na ang kanilang hacienda. Sana ay naghirap na ang kanyang ama. Ngunit talagang ipinagtaka niya na parang napabayaan na ang mansiyon nila. Kaya isang hapon na may pagkakataon siyang makausap si manang Fe at wala ang ama ay nagtanong siya. "Muntik maremata ang lupain ninyo ng banko, Maxine. Kaya mas inuna nilang unt
last updateLast Updated : 2025-05-08
Read more
PREV
1
...
121314151617
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status