Sandaling natahimik si Xian. Pinatong nito ang dyaryo sa mesa at nagbuntong-hininga. “Hailey, oo. Malungkot man, pero totoo. Nakausap ko ang isang business associate namin kanina. Hindi na kinaya ng father niya sa ospital. At bukas… pupunta tayo sa burol niya. Lilipad kami ng Mommy mo papunta ng US kasama ang iba pa naming kaibigan para makiramay.Kailangan din naming dalawin si Prince, lalo na’t ulila na rin siya sa kaniyang ina. Mahirap ang pinagdadaanan ng batang yun.”Parang may sumundot sa dibdib ni Hailey. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang mga palad. “Si Prince po? Kamusta siya?”“Wala na rin siyang ina, alam mo naman ‘yon. Kaya doble ang bigat ng pinapasan niya ngayon. Sabi ng mga kasama ko sa negosyo, nasa ospital pa rin siya. Nabaldado daw, hindi pa tiyak kung makakalakad pa siya ulit.”Hindi nakapagsalita agad si Hailey. Sa loob-loob niya, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman, lungkot ba, awa, guiltness dahil pinag isipan pa niya ito ng hindi maganda. Pero may mal
Terakhir Diperbarui : 2025-09-01 Baca selengkapnya