“Oh my… ang aking Kapitan! Mabuti naman naalala mo ako! Hmp malapit ng magtampo sa’yo si Lola. Ilan taon na din ang nakalipas.” Sabi ni lola ng may pagtatampo sa kaniyang tinig. “Magagawa ba naman kitang tiisin, ikaw ata ang pinaka-mamahal kong Lola!” nakangiti kong sagot kay Lola sabay yakap sa kaniya. Habang masaya akong bumabati kay Lola ay isang pigura ng babaeng nakatalikod ang unti-unting tumayo at nakangiting humarap sa amin. Si Yvette. Hindi ko inaasahan na dadating siya ngayong araw. Nakangiti siya pero makikita sa kaniyang mata ang kakaibang lungkot, isang damdamin na kahit anong tago ang gawin ay hindi niya maitatanggi. Si Yvette ang dati kong karelasyon at muntik ko ng mahalin matapos kong aliwin ang aking sarili ng malaman kong naging boyfriend ni Karmela si Andrew. Tumaas ang kilay ko ng makita ko siya. Wala naman akong pakielam sa kaniya pero knowing Yvette? Paniguradong gagawa siya ng eksena at ayokong matakot si Karmela dahil sa kaniya. Lumapit siya sa akin at nag beso. Nakangiti niya akong binati ngunit may halong pait sa kaniyang boses “My Captain Xian Herrera… its nice to see you again. Ang tagal na din ng huli nating pagkikila” may panunuya siyang tumingin kay Karmela at mapait ng ngumiti sa kaniya “siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako sinuyo? Kaya naman pala bigla kang nawala sa picture. May bago ka na palang pinagkaka-abalahan!” Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Yvette ay alam kong hindi lang iyon simpleng pagpuna. Naramdaman ko sa kaniyang boses ang matinding hinanakit. Kinapitan ko ng mahigpit ang kamay ni Karmela at tinignan siya na parang sinasabing “ huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan.”
View MorePROLOGUE
“I want her!” seryosong sabi ni Capt. Xian Herrera habang titig na titig siya sa isang babaeng sumasayaw sa ibabaw ng entablado sa ilalim ng patay sinding ilaw. “Oh…wow! wait lang Captain ahh. Tama ba ang narinig ko? Gusto mo ang babaeng yan?” hindi makapaniwalang tanong ng kaniyang Co. Pilot na si Matteo habang kapit ang baso ng whisky sa kaniyang kamay. Tumango si Capt. Xian Herrera ng walang kagatol-gatol.“Teka lang Captain. Hindi ba wala ka namang interes sa mga babae pagkatapos ng nangyari sa inyo ni Yvette? At saka isa pa mukhang masyadong bata yan para sayo. Baka makasira lang siya sa career mo. Wag mo nang tangkain. Tama na tong pa chill-chill na lang tayo! Distraction lang yan!” natatawang sabi ni Matteo kay Xian. Hindi siya nakinig sa kaniyang Co-Pilot / kaibigang si Matteo Itinaas niya ang kamay at agad na lumapit si Levie, ang bar owner . “I want her on my hotel room tonight! Ito ang address,” madiin na sabi ni Capt. Xian kay Levie, iniabot ang isang piraso ng papel na may nakasulat na address. “You know me, Levie. Hindi ako kumukuha basta-basta ng babae kaya kung sinabi kong gusto ko siya. Kailangan dumating siya. Hindi ko din aaksayahin ang kahit na isang minuto para hintayin siya. Masyado akong busy sa mga negosyong kinakapitan ko pati na sa hilig kong magpalipad ng eroplano.7 pm sharp. Pag -suotin mo siya ng sexy dress!Sige na makakaalis ka na!” pagkasabi noon ay winasiwas niya ang kaniyang kamay para paalisin si Levie pero nanatili itong nakatayo sa gilid niya. Para namang pusang inipit si Levie na nakatayo sa gilid nila Capt. Xian. Hindi niya alam ang tamang salitang sasabihin niya, namumugal na ang pawis sa kaniyang pisngi sa kaba dahil alam niya na isang maling salitang sabihin niya at hindi magustuhan ni Capt. Levie ay siguradong kakaharapin niya ang isang matinding parusa na kailanman ay hindi niya makakalimutan. Magalang at nauutal siyang nagsalita “Captain Xian, ganito po kasi yan. Ano po kasi!. Hindi po kasi nagpapa-take out si Karmela. May kasunduan po kasi kami sa kontrata niya na sasayaw lang siya at hindi magpapagamit sa kahit na sinong Costumer. Part lang po talaga siya ng aming main event show.” sagot niya na halos hindi na marinig sa hina ng kaniyang boses“And so? Ano bang sinabi ko?I want her on my hotel room. Kailangan ko ng magtatanggal ng pagod ko after 28 hours flight!” malamig na tugon ni Capt. Xian, “Wala akong pakielam sa rules niyo. Gawan mo ng paraan. Kung ayaw mong mawala ang negosyo mo. Alam mo na ang pwedeng mangyari sa bar mo kung hindi ko makukuha ang babaeng yan ngayong gabi. Handa akong magbayad ng 2 million kapalit ng isang gabi. At maari ko pang dagdagag yan depende kung gaano niya ako mapapasaya."Napalunok si Levie at wala na siyang nagawa kundi tumango. “Sige, sir… susubukan ko.”Pagka-alis ni Levie ay binalik niya ang tuon ng kaniyang mata kay Karmela. Sa unang pagkakataon matapos ang halos isang dekada ay muling nakitaan ng interes ni Matteo ang kaniyang kaibigan kaya’t napailing na lamang siya habang patuloy na iniinom ang kaniyang alak. Parang isang mabangis na hayop na nakatitig si Capt. Xian kay Karmela. Sa kaniyang paningin ay walang ibang babae ang makahihigit sa karisma nito. Ang maskarang humaharang sa mukha ni Karmela ay mas lalong nakakapag bigay ng excitement para kay Capt. Xian. Si Karmela lang ang nakakuha ng kanyang buong atensyon makalipas ang halos isang dekadang naging bato ang kaniyang puso, ang mapang-akit na sayaw ni Karmela sa ibabaw ng entablado habang kumikislap ang kanyang maiksing pulang damit. Hindi maiwasan ni Capt. Xian ang mapakagat labi sa tuwing hihimasin ni Karmela ang poste sa gitna ng entablado kasabay ang pag-ikot niya dito. Bawat indak ng kaniyang balakang ay tila mapanukso sa paningin ni Capt. Xian. Ngayon lang ulit niya naramdaman ang matinding pagnanasa para sa isang babae. Ngunit sa kabila ng ningning ni Karmela sa ibabaw ng entablado ay siya namang dilim ng kaniyang personal na buhay. Sa bawat ngiti ay masasalamin sa kaniyang mata ang hindi kayang maitago ng maskara . Ang malungkot na katotohanan na maaring mawala sa kaniya ang kaniyang ina anumang oras dahil sa isang malubhang sakit na siyang dahilan ng lahat ng pagsasakripisyon niya . Iniwan sila ng kaniyang ama at sumama ito sa kaniyang kabet dahilan para lalo silang maghirap sa buhay. Sa loob ng bar. Hindi pa rin tuluyang nagtungo si Levie sa dressing room ni Karmela. Sinenyasan niya ang isang talent niya para lapitan si Capt. Xian at baka sakaling magustuhan niya ito at mawala na ang kaniyang isip kay Karmela, nagsimulang magsayaw ng kaakit akit ang babaeng ito sa harapan ni Capt. Xian. Pero tinabig lang niya ito ng walang pag-aalinlangan.Saka siya sumigaw ng malakas "What are you doing Levie?!, sinabi ko sayong ang babaeng iyon ang gusto ko at wala ng iba". "Yes Captain, ito na nga papunta na ako ngayon kay Karmela" tarantang sagot ni Levie. Sabay talikod sa matalim na tingin ni Capt. Xian. Pagtakatapos ng prod ni Karmela ay nagmamadali siyang pumunta sa dressing room nito. Habang naglalakad sa hallway ay panay ang bulong ni Levie sa sarili “Naku naman talaga! Bakit ba kasi sa kinadami dami ng babae dito sa kasa si Karmela pa nagustuhan nitong si Captain?!” bugnot niyang sabi sa sarili. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Levie bago siya pumasok sa loob ng dressing room ni Karmela, isinarado niya ang pinto. Nandoon na si Karmela, nakaupo sa harap ng salamin, tinanggal na ang kanyang maskara at ang kaniyang wig, gayundin ang makapal na make up na ngtatago sa natural niyang ganda . Tinititigan siya ng malamlam na mga mata nito.“Anong kailangan mo, Levie?” tanong ni Karmela, bahagyang napapakunot ang noo niya sa pagtataka, alam niyang may ibang pakay ang kaniyang amo kaya ito nandoon ngayon. Sa buong gabi, siya ang naging sentro ng atensyon. Ang misteryosong babae sa ilalim ng makislap na mga ilaw, ngunit sa pagkatanggal ng kaniyang maskara ay muli na namang siyang bumabalik sa isang pagiging malungkot na anak na nagsisikap para matustusan ang medical bills ng kaniyang inang lumalaban sa kaniyang kidney failure ng dahil sa kakulangan sa pera ay lumala ang kundisyon nito at naging Stage 3 cancer.Hanggang gate ay hinatid nila Karmela ang kanilang anak ng may malungkot na mukha. “Anak, kelan ka na naman kaya makakauwi dito sa amin ng Daddy mo? Yung room mo dito hanggang ngayon ay nandito pa rin hindi pa rin namin binabago kung gusto mong mag stay dito ay welcome na welcome ka” anas ni karmela sa anak habang hinahaplos ang likod nito ng magyakap sila. “Mommy naman, akala mo naman ang layo ng bahay ko sa bahay niyo! Mom iisang subdivision lang naman tayo! Busy lang po talaga kaya hindi ako arawr-araw na nakakadaan sa inyo. Pero pipilitin ko pong kapag may time ay dadaanan ako dito sa inyo.” tugon ni Hailey sa kaniyang ina ng may paglalambing. Natatawa na lang si Xian sa kaniyang asawa sa pagiging OA nito pagdating sa kanilang unica iha. “Oh siya sige na, umuwi ka na at baka dumating na si Leila sa bahay mo. mag-iingat ka sa pagda drive.” nakangiting sabi ni Xian bago humalik sa pisngi ng kanyang anak. Gaya ng inaasahan ni Hailey ay nakapamewang ng naghihintay sa
Napukaw ang kaniyang pag-iilusyon ng kung anu-ano ng biglang magsalita ito sa kaniyang harapan ngunit ang kaniyang mga mata sa pagkakataong ito at katawan ay nakatutok na sa kaniyang laptop.“Kung wala ka ng itatanong pa sakin Hailey, you can go home for today, your job will start tomorrow!” sabi ni Prince habang tila nagbabasa siya ng mga emails sa tapat ng kaniyang laptop. “Ahhh—Yes… see you tommorrow Sir” tugon ni Hailey ng may pag-aalangan.Hindi na din nagtagal si Hailey sa kwartong iyon. Pagkasara ng pinto napasandal si Prince sa kaniyang swivel chair ng may ngiti sa kaniyang mga labi habang pinapaikot ang kaniyang upuan.Samantalang si Hailey na kanina pa kating kati na i message ang kaniyang best friend ay napapangiting sumakay sa elevator pababa. HAILEY: My God girl, alam mo bang yung ka meeting ko dapat na sinasbai nila Daddy ay hindi pala for business partner purposes?! Kundi siya pala ang mag ta train sakin para malaman nila Daddy kung pwede ko ng i handle ang busines
“Hi Miss. Pinababalik po ako dito, tapos na po akong pumirma ng kontrata” takot na sabi ni Hailey kay Charmis. Nakaismid na tinignan siya ni Charmis mula ulo hanggang paa ng nakataas ang kilay. “Oh wow, nakapasa ka?!” ang kaniyang tono ay tila hindi makapaniwala at may panghahamak. “Anyway, welcome onboard, im glad na nakapasa ka!” ulit nito pero ang kaniyang mukha ay daig pa ang byernes santo sa pagkainis. “Honestly Miss, alam kong mangangapa pa ako. Wala pa akong ideya sa magiging trabaho ko!” sagot ni Hailey ng may pagkailang. “Depende naman kay boss kung anong ipagawa niya sayo!” tugon nito ng may pagkamataray. “Ano Miss, papasok ka ba sa office ni boss o magiging istatwa ka na lang dyan sa pwesto mo? Aba hindi ang amo ang mahihintay sayo.” Halos magkandadapa si Hailey habang hinahabol ang sekretaryang mataray ni Prince. Habang naglalakad sa isip niya “ay impakta din, manang mana sa amo niya! Hindi na ko nagtataka kung bakit magkasundo silang dalawa dahil parehas ang ugali
Nagpangalumbaba si Prince at magiliw na nagsalita “okay Ms. Hailey, baka naman sabihin mong aabusuhin ka ng aming company, since hindi mo talaga alam na ito talaga ang original plan ng Daddy mo, sige dahil sa may isa kaming staff na mag-uundergo sa operasyon, magle-leave siya at hindi niya alam kung kailan siya makakabalik ay magsisimula ka muna bilang assistant ko kapalit niya, don’t worry, hindi naman libre ang pagtatrabaho mo sa amin. Bibigyan kita na benepisyo at sahod ng sa gayun ay hindi mo naman sabihing kuripot ang aming kumpanya.Kung okay sayo ang magiging offer na idu-discuss sayo ng aming HR team ay maari ka ng magsimula as soon as possible.”Tatanggi sana si Hailey pero naisip niyang kailangan niyang bayaran ang nasirang sasakyan ni Mr. Tan ng hindi nalalaman ng kanyang parents. Ngumiti siya kay Prince at inilahad ang kaniyang kamay. “Okay deal ako dyan” Kahit na walang ideya si Hailey kung magkano nga ba ang sinasahod ng assistant ni Mr. Tan ay nakaramdam siya ng kagin
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Hailey, pampatanggal ng kaniyang nerbyos bago siya tuluyang kumatok sa pintuan.“Come in” anas ng boses ng isang lalaki. Pagkapasok ni Hailey ay isang gwapong lalaki ang sumalubong sa kaniya at bumulong. “Naku Miss, napakamalas naman ng punta mo at natapat ka sa araw na sobrang mainit ang ulo ng kaibigan ko. Goodluck!” anas nito bago tuluyang lumabas ng pintuan ng ngingiti ngiti ng nang-aasar.Tila kakaibang kalabog sa dibdib ni Hailey ang kaniyang naramdaman. “Good morning Sir, sorry I am late for 5 minutes. May nangyari lang po sa daan.” hindi tumugon ang lalaking nakaupo sa kaniyang swivel chair na patuloy na nakatingin mula sa bintana. Nakatalikod ito sa kinatatayuan ni Hailey at panaka nakang tina-tap ang ballpen sa kaniyang arm rest. Nagpatuloy si Hailey sa pagpapaliwanag “Sir, by the way ako po yung pinadala ni Xian Herrera na makikipag deal para sa business tie up ng aming company para sa inyong company.”Biglang inikot ng lalaki ang
“Okay akina na ang driver’s license ID mo para may proof ako. Mahirap na baka hindi tama ang mga kontak information na binigay mo.” napangiwi na naman ang mukha niya pero tila bata niyang inabot ang kaniyang lisensya. Agad ko itong kinuhaan ng litrato” Tinignan ko ito at parang pamilyar sa akin ang kaniyang pangalan at apelyido pero hindi ko na ito pinansin. Pakiramdam ko ay nahi-hipnotize ako sa tuwing tumititig ako sa kaniyang mga mata kaya naman agad kong iniiwas ang tingin ko sa kaniya. THIRD PERSON POV Makalipas ang ilang minutong pag-uusap ay napagpasyahan nilang maghiwalay na ng landas. Pagsakay ni Hailey sa kaniyang sasakyan ay napansin niyang wala na ang lalaking nakabanggaan niya, ang sasakyan na lang nito ang iniwan niya sa tabing kalsada. Napailing na lang siya. Isa… Dalawa… Tatlong beses siyang nag start ng kaniyang sasakyan ngunit ayaw na din nitong umandar. “Haist kailangan kong makakuha ng taxi, meron na lang akong 10 minutes na natitira” tensyondaong sabi ni
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments