"ahhhh!!" gustong saktan ni Evie ang sarili dahil sa mga nalaman niya tungkol sa kanyang pagkatao. Halos hindi siya makahinga dahil sa labis na pag iyak at dumagdag pa ang galit sa mga Clarkson. Parang hindi pa tanggap ng kanyang isipan ang totoo. "kahit hindi niyo ako anak hindi ko iyon naramdaman" tama ang pasya niya hustisya para sa kanila ang dapat makamit tutal iisang tao lang ang dahilan kung bakit naging miserable ang kanilang buhay . Nagpunas siya ng luha at tumayo kailangan na niyang simulan ang plano para matapos at makapag bagong buhay na siya .Pero kahit ganun gusto niyang hanapin ang tunay nilang dahil sigurado siyang ito rin ang mga magulang niya. "saan ako maghahanap nito !'' lalo siyang naguluhan nang isipin kung saan siya magsisimula ni hindi nga niya natanong kay Joseph kung saang hospital siya nakuha . Napapikit siya habang nag iisip kung ano nga ba ang dapat niyang gawin dahil naguguluhan na siya ang hirap para sa kanya tanggapin ang katotohanan dahil noong
Last Updated : 2025-04-27 Read more