Ngunit hindi siya.Galit na galit si Monica na para bang mababasag na ang kanyang mga ngipin sa panggigigil. Para sa kanya, sobrang tindi ng ginawa ni Maxine. Ngayong araw, ginamit ni Maxine ang mismong plano niya laban sa kanya, at sa huli, dinala pa niya si Shawn para ibigay ang pinakamalakas na dagok na kanyang kakaharapin.Noon, minamaliit niya si Maxine. Ngayon, saka niya na-realize kung gaano pala talaga katalino si Maxine. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para tapatan ito.Samantala, kinuha naman ni Monica ang kaniyang telepono at tinawagan ang ilaw ng tahanan ng pamilya Garcia. Si Marivic Garcia.****Pagbalik ni Maxine sa dormitoryo ng mga babae, naroon na rin si Jessica. Agad namang nilapit ni Maxine ang kaibigan at nagtanong.“Jessica, naabutan mo ba si Raven?” tanong niya.At dahil diyan, biglang napangiwi si Jessica.“Hindi. Hindi man lang niya ako pinapansin,” sagot ni Jessica sa kanya.Napangisi si Maxine at sinabi, “Mukhang hindi madaling habulin si Raven,
Read more