LOGINSi Maxine Garcia ay tatlong taon ng kasal sa CEO na si Shawn Velasco. Wala siyang ibang ginawa sa taong iyan kung hindi alagaan, pagsilbihan, at mahalin ang lalaki hanggang sa tuluyan itong gumaling mula sa kanyang pagkaka-aksidente. Ngunit pagkatapos ng lahat, malalaman niyang may iba pala itong babae at ang masakit, bumalik siya sa dati nitong minahal na iniwanan siya habang pansamantalang naging inutil. Nasagad na si Maxine sa sakit na idinulot ng lalaki sa kanya kaya nagdesisyon siyang hiwalayan ito at ayusin ang sarili niya. Subalit sa kanyang paglisan ay siya namang biglang pagsimula ng asawang CEO na ipanalo siya pabalik…
View MoreNgunit hindi siya.Galit na galit si Monica na para bang mababasag na ang kanyang mga ngipin sa panggigigil. Para sa kanya, sobrang tindi ng ginawa ni Maxine. Ngayong araw, ginamit ni Maxine ang mismong plano niya laban sa kanya, at sa huli, dinala pa niya si Shawn para ibigay ang pinakamalakas na dagok na kanyang kakaharapin.Noon, minamaliit niya si Maxine. Ngayon, saka niya na-realize kung gaano pala talaga katalino si Maxine. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para tapatan ito.Samantala, kinuha naman ni Monica ang kaniyang telepono at tinawagan ang ilaw ng tahanan ng pamilya Garcia. Si Marivic Garcia.****Pagbalik ni Maxine sa dormitoryo ng mga babae, naroon na rin si Jessica. Agad namang nilapit ni Maxine ang kaibigan at nagtanong.“Jessica, naabutan mo ba si Raven?” tanong niya.At dahil diyan, biglang napangiwi si Jessica.“Hindi. Hindi man lang niya ako pinapansin,” sagot ni Jessica sa kanya.Napangisi si Maxine at sinabi, “Mukhang hindi madaling habulin si Raven,
Itinaas ni Monica ang kanyang paningin, at agad na napuno ng isang marangal at gwapong mukha ang paningin niya. Dumating bigla si Shawn.Kaya naman ay nanigas siya sa kanyang direksyon. Biglang kumabog ang kanyang dibdib.'Bakit narito si Shawn?' takang tanong niya sa kanyang isipan. Hindi niya inasahang makikita si Shawn dito.“S-Shawn, bakit ka narito?” utal niyang tanong sa lalaki.Tiningnan siya ni Shawn nang malamig ang ekspresyon at hindi nagsalita.Samantala, napangisi naman si Maxine at sinabi, “Monica, ako ang tumawag kay Mr. Velasco.”“Ano?” gulat na saad ni Monica.Nanlaki naman ang mga mata ni Monica sa gulat. Hindi niya inakalang nakontak na pala ni Maxine si Shawn kanina pa.Lumapit naman si Maxine sa harapan niya, ang malinaw nitong mga mata ay kumikislap. Bahagya itong ngumisi bago magsalita.“Ngayong araw, ikaw at si Crizza ay naghanda ng napakagandang palabas. Siyempre, dapat tawagin ko si Mr. Velasco para panoorin ito,” paliwanag ni Maxine. “Alam na alam m
Pagkasabi no'n, agad na tumalikod si Raven at naglakad palayo sa kanilang lahat. Habang si Adrian naman ay natigilan sa kanyang nasaksihan. Hindi siya makapaniwala na naglakas-loob talaga si Raven na isnabin siya nang gano’n.“Adrian, kung gusto mo ng laban, eh ’di lumaban ka. Sino ka ba?” malamig na saad ni Jessica at tumingin sa direksyon ni Raven. “Raven, pasensya ka na at madamay ka dahil sa 'kin. Teka, hintayin mo ako!”Muli siyang tumakbo para habulin si Raven na ngayon ay papalayo na sa kanila.Nagalit naman si Adrian. Kumuha siya ng bola, at buong lakas itong ibinato patama sa likod ni Raven.Nang dahil diyan, biglang napasinghap si Jessica sa kanyang nakita.“Raven, umiwas ka!” sigaw niya upang bantaan ang lalaki.Mabilis naman na lumipad ang bola. Bago pa ito tumama sa likod ni Raven, bigla niyang iniunat ang kamay at sinalubong ang bola, diretso sa kanyang palad.Lumingon siya at tiningnan nang malamig si Adrian, saka biglang humarurot papunta sa basketball court.Ti
Nanigas si Jessica nang hilahin siya pabalik ni Adrian. “Ano'ng ibig mong sabihin?” takang tanong ni Jessica sa lalaki.Tumingin naman si Adrian mula kay Raven pabalik sa kanya at nagsalita.“Ano ang relasyon ninyong dalawa?” malamig na tanong ng lalaki.At dahil diyan, halos matawa si Jessica sa sobrang galit. Mariin niyang inalis ang kamay nito mula sa pagkakahawak sa kanya.“Adrian, paalala lang na tapos na ang engagement natin. Ano ang karapatan mong magtanong nang ganyan sa 'kin? At huwag mong kalimutan na ang girlfriend mo ngayon ay si Crizza na,” malamig naman na tugon ni Jessica.Samantala, agad naman na sumunod si Crizza. Ilang sandali lang ang nakalipas, hinabol ni Jessica si Raven at agad naman siyang sinundan ni Adrian.Ito ang unang beses na kusang hinabol ni Adrian si Jessica. Habang nanlaki naman ang mata ni Crizza sa pagkagulat sa kanyang nasaksihan sa mga oras na ito.Nakatitig lamang siya kay Adrian, ang mga mata na puno ng awa at hinanakit. Pero ni hindi siy






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore