“Cindy?” Hindi makapaniwalang bigkas ni Lovi.Nilingon ni Cindy si Lovi. Nakatapis lang din ng tuwalya si Cindy.“What are you doing here?” nakakunot-noo na tanong nito, unti-unti rin itong lumalapit sa kanya.Bago pa man tuluyang makalapit si Cindy kay Lovi, agad itong pinigilan ni Easton. Napatingin naman si Lovi sa kamay ni Easton na nakahawak sa braso ni Cindy, kaya agad din itong binitawan ni Easton.“Wife, it’s not what you think. Walang nangyari sa amin,” paliwanag kaagad sa kanya ni Easton.“Well, that’s true. Pero muntikan nang may mangyari sa amin ni East, kung hindi lang siya agad nagising—baka makita mo rin na nagtabi kami sa iisang kama,” nakangiting sabi ni Cindy.“Shut up!” asik ni Easton kay Cindy, nawala agad ang ngiti sa mga labi ni Cindy.“Kadiri ka!” Mariin na sabi ni Lovi habang nakipagtitigan siya kay Cindy bago ibinaling ang kanyang tingin kay Easton. “Ito ba ang sinasabi mong matagal mo ng pinaghandaan? Nag-meeting kayo—sa hotel?” Sunod-sunod na nagpatakan ang
Última actualización : 2026-01-14 Leer más