"SAAN ka pupunta, sweetheart? May practice ka ba?" maagap na tanong ni Attorney MM ang kanyang anak. Sa loob lamang ng ilang minuto, kakalat na ang dilim. Kaya't dali-dali niya itong tinanong kung saan pupunta sa mga sandaling iyon. "Hindi, Mom. Kami ng mga kaibigan ko ay may gagawin para sa aming pag-aaral. Huwag mag-alala, Mom. Kukunin ko na lang ang kotse para kahit magtagal kami ay makakauwi pa rin ako ng ligtas. Mahal kita, Mommy." Hinalikan siya nito sa noo at pisngi saka kinuha ang susi ng kotse. "Sige, sweetheart. Mag-ingat ka sa labas. Huwag maging pabigla-biglang driver. Tandaan mo na bata ka pa kahit na ikaw ay labing-walo na. Ang iyong matandang ina ay labis na nagmamahal sa iyo." Wala siyang nagawa kundi sumang-ayon sa kaniyang nag-iisang anak na babae. Ngumiti ang dlaaga at lumabas saka dumiretso sa parking area ng kanilang tahanan. Kaso! "INIIIWASAN MO BA AKO, baby?" May isang tinig na nagtanong sa kaniya. Kahit hindi siya lumingon ay alam niya ang may-ari.
Terakhir Diperbarui : 2025-08-06 Baca selengkapnya