May kirot sa dibdib ni Oliver,alam niyang nagkulang siya bilang ama. Hindi niya naalagaan ng maayos ang anak niya, at iyon ang pagkakamali niya. “Hindi na masakit, Daddy,” sabi ni Sophia habang mahinang humawak sa braso ng ama. “Daddy, huwag mo na pong awayin si Mommy. Wala naman siyang kaibigan, kami lang ang meron siya.”Ngumiti si Oliver. “Don’t worry. Daddy will take care of Mommy, love her properly, and never let her leave you again.”Sa kanto ng hagdan, hawak ni Irene ang isang basong gatas, balak sanang dalhin iyon sa mga bata. Pero nang marinig niya ang sinabi ni Oliver, parang pinilas ulit ang puso niyang buong gabi nang dumurugo.Paano niya nagagawang alalahanin pa si Mildred…?Hinaplos niya ang dati ay bilugang tiyan — bakas ng sakripisyong iniwan ng panganganak para sa kanya. Ngayon, pati anak niya at pagmamahal niya, napunta na sa ibang babae…Lalo na si Oliver — paano niya nagawang magdesisyong makisama kay Mildred?“Oliver, Sophia, Lucas,” tawag ni Irene, pinilit ayusin
Read more