Sa loob ng silid-aklatan, nakatayo nang tuwid si Diefo, ang espesyal na katulong, at maayos na nag-uulat ng lahat kay Leon."Sir Leon, gaya ng sinabi ninyo, nabigo ang estratehiya ng Demitri Group sa kumpetisyon, at opisyal na nilang inihayag ang pagkalugi. Isang oras ang nakalipas, iniharap ko na sa kanila ang ating estratehiya sa pagbili, ayon sa inyong utos." Inilapag ni Diego ang folder na naglalaman ng papeles, bilang full report patungkol sa inutos nito."Ngunit sinabi ng kanilang pangulo na gusto nilang dagdagan pa ng isang bilyon ang presyo."Nakaupo nang payapa si Leon, nakatingin sa mga dokumento sa kanyang kamay. Para bang hindi siya nagmamadali, tila hinihintay ang kahilingang iyon."Walang dagdag," mahinang sambit niya. "Hayaan natin silang maghintay ng dalawang araw. Sa huli, sila mismo ang lalapit at magmamakaawa sa atin."Tumango si Diego. "Opo, boss."Tiningnan ni Diego si Leon, magkapareho ang edad nila ngunit laging kalmado at estratehiko sa bawat kilos, na parang w
Leer más