Siya naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanilang usapan, nasa kay Nes lang siya nakatingin dahil pakiramdam niya ay tatakasan siya ng kanyang kaluluwa. "Perfect Risse, you look so fresh and gorgeous, I am pretty sure, many customers tonight will choose you!" turan pa nito sa kanya na hinawakan ang kanyang baba upang magpantay ang mga tingin nila sa isa't isa. "How will you work tonight Risse, is it plainly escort service or with extra service?" maarteng sabi nito sa kanya na inaarok ang kanyang katapatan at katapangan. "Plainly escort!" may diin niyang sabi kahit halos hindi niya mabitawan ang mga salitang iyon sa kanyang bibig. "Good for a first timer! now, you two, hop in, in some minutes from now, the show will start," pinal nitong sabi at lumapit na muli sa mga nakahilerang mga babae para bigyan ng huling tugon. Naupo na sila sa last two seats na bakante sa may dulo. Bagama't pinapanatag na siya ng mamasang na escort service lang ang kaya niyang gawin ay nasa loob niya
Terakhir Diperbarui : 2026-04-16 Baca selengkapnya