Althea Solene "Sol" Mendiola POVPang-apat na shot ko na yata ng whiskey, o baka pang-lima. Hindi ko na binibilang. Ang alam ko lang, unti-unti nang namamanhid ang labi ko, pero ang sakit sa dibdib ko, ayaw pa ring mawala. Umaalingawngaw pa rin sa tenga ko ang boses ni Tristan at ang mapang-aping ngiti ni Chantal.Gusto kong magrebelde. Gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi ako ang nawalan. Kung tinawag nila akong selosa at walang kwenta, paninindigan ko na lang kaya?Iniikot ko ang natitirang yelo sa baso ko nang maramdaman kong may tumabi sa akin sa bar counter. Isang pamilyar na amuy-lalaki ang humalo sa amoy ng alak sa paligid at amoy ng mamahaling cologne. "Double black on the rocks," baritono ang boses ng katabi ko. Ang lalim, malamig, pero may kakaibang magnetsmo.Palingon kong tiningnan ang estranghero. Awtomatikong napaawang ang labi ko. He’s drop-dead gorgeous. Matangkad, malapad ang balikat, at kahit nakaupo, kitang-kita ang magandang itsura niya. Nakasuot siya ng whi
Last Updated : 2026-07-20 Read more