تسجيل الدخولSa mismong gabi ng engagement niya, nahuli ni Althea Solene ang kanyang fiancé at sariling stepsister na nagtataksil sa kanya. Masakit pa rito, pinagtulungan siya ng sariling pamilya, inalisan ng mana, at pinalayas na parang basura. Sa tindi ng sakit at kagustuhang makalimot, nagpakalunod si Sol sa alak at binalot ng init sa piling ng isang misteryoso at guwapong estranghero. Pero bago pa sumikat ang araw, tumakas siya nang walang paalam. Makalipas ang isang buwan, isang malaking sorpresa ang bumago sa kanyang tadhana—buntis siya sa kambal. Upang iligtas ang mga sanggol mula sa kanyang mapagsamantalang pamilya, pinili niyang maglaho at magtago sa malayo. Pagkalipas ng limang taon, nagbalik si Sol bilang sekretarya sa isang sikat na airline company. Ngunit laking gulat niya nang mapag-alaman na ang bilyonaryong CEO at Senior Captain na matagal nang naghahanap sa kanya ay ang lalaki noong gabing 'yon—si Captain Tyler Jaxith Arevalo. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, hindi lang si Sol ang nakita ni Jax, kundi ang dalawang batang kamukhang-kamukha niya. Mapoprotektahan pa ba ni Sol ang kanyang lihim, o tuluyan na ba siyang mahuhulog sa mga kamay ng bilyonaryong piloto na walang balak pakawalan siya muli?
عرض المزيدAlthea Solene "Sol" Mendiola POV
Suot ko ang isang mamahaling puting cocktail dress, habang ang marangyang ballroom ng isang sikat na hotel sa Maynila ay puno ng mga bulaklak, mamahaling alak, at mga ngiti ng alta-sociedad. Ngayong gabi ang engagement party namin ni Tristan. Dapat ay nagdiriwang ako. Pero heto ako ngayon, naglalakad sa madilim na pasilyo ng VIP holding rooms sa ikalawang palapag, bitbit ang isang baso ng champagne at isang box ng paborito niyang customized cufflinks na balak kong ibigay bago kami opisyal na iharap sa mga bisita.
Napatigil ako sa tapat ng p***o ng Suite 204 nang mapansin kong hindi ito lapat. Bahagya itong nakabukas.
Noong una, mahinang kaluskos lang ang narinig ko. Pero habang papalapit ako, naging malinaw ang bawat tunog. Mga ungol. Ungol ng isang babae na tila nasisiyahan, at ang pamilyar na boses ng isang lalaki na humihingal.
"D-Dahan-dahan, Tristan... baka may makarinig sa atin," ungol ng isang boses malandi. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Ang step-sister ko. Si Chantal.
"Hayaan mo sila," sagot ng lalaki. Si Tristan. Ang lalaking nangako sa akin ng kasal kanina lang. "Nasa ibaba ang lahat. At si Althea? Masyado iyong inosente at tanga para makahalata."
Parang gumuho ang buong mundo ko sa dalawang pangungusap na iyon. Nanigas ang mga binti ko, nawalan ng lakas ang mga kamay ko, at bago ko pa napigilan ang sarili ko, nahulog ang hawak kong baso ng champagne sa sahig. Nabasag ito.
"Sino yan?" boses ni Tristan mula sa loob, may halong gulat at taranta.
Hindi ko na hinintay na magbihis sila. Buong lakas kong itinulak ang p***o.
Ang bumungad sa akin ay ang pinakamasakit na tanawin sa buong buhay ko. Si Chantal, hubot-hubad at nakapatong pa kay Tristan sa ibabaw ng malaking kama. Halos hindi pa sila tuluyang nakakapaghiwalay nang makita ang nanlilisik kong mga mata.
"Sol..." bulalas ni Tristan, mabilis na hinila ang kumot para takpan ang sarili. "It's... it's not what it looks like."
"Bullshit, Tristan!" Sigaw ko, gumuho na ang lahat ng poise at turo ng pamilya ko sa akin. Ang luha ko ay tuloy-tuloy na pumatak, mainit at masakit sa pisngi ko. "Hindi ba kayo makapaghintay? Sa gabi pa talaga ng engagement natin?!"
Mabilis na nagsuot ng bathrobe si Chantal, pero walang bakas ng hiya sa mukha niya. Sa halip, isang mapang-aping ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. "Ate Sol, huwag ka namang mag-eskandalo rito. Masisira ang party."
"Masisira ang party? Pinagkaisahan niyo ako!" Hahakbang sana ako para saktan si Chantal sa tindi ng galit ko, pero mabilis na humarang si Tristan at tinulak ako palayo. Hindi ganoon kalakas, pero sapat na para ma-realize ko kung sino ang pinoprotektahan niya.
Bago pa man ako makaganti ng salita, bumukas nang tuluyan ang p***o at iniluwa nito ang tatay ko at ang madrasta kong si Elena, kasama ang ilang malalapit na business partners ng pamilya na nakarinig ata ng sigaw ko.
"Ano ang kaguluhang ito, Althea Solene?" Galit na sigaw ng Papa ko.
"Pa! Sila..." Itinuro ko ang dalawa, nanginginig ang buong katawan ko sa galit. "Nahuli ko sila! Nagtatalik sila sa mismong gabi ng engagement ko!"
Pero sa halip na kampihan ako, tiningnan lang ako ni Elena nang may pandidiri. "Huwag mong baligtarin ang kwento, Sol. Alam ng lahat kung gaano ka ka-selosa at ka-praning. Tristan is a good man. Sigurado akong gumagawa ka lang ng eksena dahil hindi mo nakuha ang atensyong gusto mo ngayong gabi."
"Ano?" Napanganga ako. Tiningnan ko si Tristan, na ngayon ay nakatungo lang, walang balak ipagtanggol ang katotohanan. Tiningnan ko si Papa, umaasang makikita niya ang sakit sa mga mata ko.
"Tama na, Althea," malamig na sabi ni Papa. "Huwag mo kaming pahiyaan sa harap ng mga investors. Kung hindi mo kayang umayos, umalis ka rito. In fact, bawiin mo lahat ng sinabi mo o kalimutan mong Mendiola ka."
"Papa, niloko nila ako!" Sigaw ko, gumuho ang huling natitirang tiwala ko sa pamilyang ito.
"Mula ngayon, tinatanggalan na kita ng access sa lahat ng account mo sa kumpanya. Ibigay mo ang credit cards mo at ang susi ng kotse mo," patuloy ni Papa, walang emosyon. "Hindi ako nagpalaki ng anak na gagawa ng iskandalo at maninira ng sariling kapatid."
Iniwan ko sila doon. Hindi ko na hinintay na tuluyan nilang kunin ang mga gamit ko—ako na mismo ang nag-iwan ng designer bag ko sa mesa, maliban sa cellphone ko na nasa bulsa ng damit ko. Tumakbo ako palabas ng hotel, hindi pinapansin ang ulan na nagsisimula nang pumatak, at ang mga mapanuring tingin ng mga taong nadadaanan ko.
Makalipas ang dalawang oras, napadpad ako sa 'The Vault', isang high-end, exclusive bar sa gitna ng Bonifacio Global City. Basang-basa ang ang buhok ko, sira ang make-up ko, at durog na durog ang pagkatao ko.
Umupo ako sa pinakadulong bahagi ng bar counter. Wala akong dalang wallet, walang pera. Ang tanging natitira na lang sa akin ay ang suot kong mamahaling diamond earrings na pamana pa ng totoong ina ko, na agad kong hinubad at ipinatong sa counter para ibayad sa bartender.
"Bigyan mo ako ng pinakamatapang na alak na mayroon kayo," pakiusap ko sa bartender, pabulong, dahil kahit ang sarili kong boses ay ayaw ko nang marinig. "Iyong kaya akong patayin sa sakit."
Tiningnan ako ng bartender nang may awa bago naglapag ng isang baso ng straight whiskey. Isang lagukan, ininom ko iyon. Gumuhit ang init sa lalamunan ko, pero walang-wala iyon sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Limang taon kaming magkasama ni Tristan. Limang taon akong naging mabuting anak, mabuting kapatid, at tapat na kasintahan. Pero sa isang gabi lang, itinapon nila ako na parang basura para lang pagtakpan ang paboritong anak ng madrasta ko.
Wala na akong pamilya. Wala na akong pera. Wala na akong matutuluyan.
Muling pumatak ang luha ko habang nakatitig sa walang lamang baso. Kasabay ng unti-unting pag-ikot ng paligid dahil sa tapang ng alak, naramdaman ko ang lamig ng hangin mula sa pintuan ng bar, hudyat na may bagong dating na kostumer. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang likod ng palad ko, sinusubukang itago ang sarili kong kahihiyan sa dilim ng sulok na ito.
Inabot ko ang pangalawang baso ng whiskey na inilapag ng bartender, handang lunurin ang huling natitirang wisyo ko ngayong gabi.
Althea Solene "Sol" Mendiola POV"Mommy, look! That airplane is so big!"Naramdaman ko ang paghila sa dulo ng aking suot na navy blue pencil skirt. Pagbaba ng tingin ko, nakita ko ang bilugang mga mata ng limang taong gulang kong anak na si Skye habang nakaturo sa glass window ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Sa tabi naman niya, ang kakambal niyang si Zephyr ay tahimik lang na nakasandal sa hita ko, yakap-yakap ang kanyang maliit na pilot stuffed toy.Limang taon. Limang taon akong nagtago sa Davao, malayo sa marangyang buhay na nakasanayan ko noon sa Maynila. Naging mahirap ang simula bilang isang single mom ng kambal. Maraming gabi na umiiyak ako sa pagod, nagtitiis sa maliit na sahod bilang desk clerk sa isang lokal na hotel doon para lang may pambili ng gatas at diaper ang mga anak ko. Pero lahat ng sakripisyo ay sulit tuwing nakikita ko ang mga ngiti nila.Ngayong araw, opisyal na kaming nagbalik sa Maynila. Hindi para balikan ang pamilya kong nagtapon sa akin, k
Althea Solene "Sol" Mendiola POVHindi ko akalaing mas lalong lala ang sitwasyon ko pagkatapos kong malaman na buntis ako. Akala ko sapat na 'yung sakit na idinulot ng pagtataksil nina Tristan at Chantal. Pero nagkamali ako. Ang sarili kong dugo at laman, walang ibang alam gawin kundi gamitin at ibenta ako para sa sarili nilang kapakanan.Isang gabi, bigla na lang sumugod si Papa at ang madrasta kong si Elena sa tinutuluyan kong lumang apartment ni Mara. Kasunod nila ang dalawang bodyguards na parang may balak akong bitayin."Sumama ka sa amin, Althea Solene. Huwag mo na kaming bigyan ng sakit sa ulo," utos ni Papa, ang boses niya ay walang kaibig-akit na init, puro lamig at awtoridad lang."Bakit ako sasama sa inyo? Itinakwil niyo na ako, 'di ba?" Nilakasan ko ang loob ko kahit nanginginig na ang tuhod ko sa kaba. Agad kong hinarangan ang bag ko sa gilid kung saan nakatago ang ultrasound report ko. Dalawang buwan na ang dinadala ko sa sinapupunan ko, at ayokong malaman nila 'to.Ngum
Althea Solene "Sol" Mendiola POVSapo ang noo, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko ay parang binibiyak sa tindi ng hangover, pero hindi 'yon ang dahilan kung bakit mabilis na bumalik ang wisyo ko. Malamig na ang kabilang dako ng kama. Hinanap ng kamay ko ang init ng katawan na buong magdamag kong kayakap, pero wala na roon ang babaeng nagngangalang Sol.Bumangon ako, umaasang nasa banyo lang siya, pero ang bumungad sa akin ay ang malinis at walang taong espasyo. Bumaba ako sa sala, tiningnan ang kusina—walang tao. Iniwan niya ako pagkatapos ng gabing 'yon?Seryoso ba? Ako, si Captain Tyler Jaxith Arevalo, ang nag-iisang tagapagmana ng Arevalo Airlines, ay tinakasan lang ng isang babaeng nakilala ko sa bar? Walang naglalakas-loob na talikuran ako nang ganoon lang. Mas lalo akong nairita dahil hanggang ngayon, nakatatak pa rin sa isip ko ang lasa ng mga labi niya at ang bawat daing niya sa ilalim ng katawan ko. She was a hurricane, and then she just vanished.
Althea Solene "Sol" Mendiola POVPang-apat na shot ko na yata ng whiskey, o baka pang-lima. Hindi ko na binibilang. Ang alam ko lang, unti-unti nang namamanhid ang labi ko, pero ang sakit sa dibdib ko, ayaw pa ring mawala. Umaalingawngaw pa rin sa tenga ko ang boses ni Tristan at ang mapang-aping ngiti ni Chantal.Gusto kong magrebelde. Gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi ako ang nawalan. Kung tinawag nila akong selosa at walang kwenta, paninindigan ko na lang kaya?Iniikot ko ang natitirang yelo sa baso ko nang maramdaman kong may tumabi sa akin sa bar counter. Isang pamilyar na amuy-lalaki ang humalo sa amoy ng alak sa paligid at amoy ng mamahaling cologne. "Double black on the rocks," baritono ang boses ng katabi ko. Ang lalim, malamig, pero may kakaibang magnetsmo.Palingon kong tiningnan ang estranghero. Awtomatikong napaawang ang labi ko. He’s drop-dead gorgeous. Matangkad, malapad ang balikat, at kahit nakaupo, kitang-kita ang magandang itsura niya. Nakasuot siya ng whi


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.