Bahagyang nanginginig ang mga binti ni Clara habang umaakyat ang private elevator patungo sa penthouse floor ng Bonifacio Global City tower.Sa bawat pagtaas ng indicator number sa digital panel, lalong bumibigat ang dibdib niya. Sa tabi niya, napakatahimik ni Damon. Nakapasok ang isang kamay nito sa bulsa ng kanyang slacks habang ang isa naman ay patuloy na nakahawak nang mahigpit sa kamay ni Clara—isang mainit at matibay na hawak na nagbibigay sa kanya ng kaunting lakas sa gitna ng matinding kaba.Bumukas ang mga pinto ng elevator, nagpapakita ng isang napakalawak at napakalaking penthouse. Floor-to-ceiling glass windows na may view ng buong skyline ng BGC, Italian marble floors, at mga mamahaling artwork na pader.Ngunit sa gitna ng sala, nakaupo sa isang cream velvet sofa, ang isang babaeng may napaka-impeccable na posture. Naka-tailored tweed suit ito, may pearls sa leeg, at may hawak na porcelain teacup.Victoria Valderrama.Dahan-dahang ibinaba ng matandang babae ang tasa sa pl
Huling Na-update : 2026-11-11 Magbasa pa