Maagang-maaga pa lamang ay abala na ang mga tao sa palengke ng San Gabriel. Maririnig ang tawaran ng mga mamimili, ingay ng mga traysikel, at tawag ng mga tindero na nag-aalok ng kanilang paninda. Sa gitna ng kaguluhang iyon, isang magandang dalaga ang abalang nag-aayos ng mga isdang nakalagay sa kanilang puwesto.Nakasuot siya ng simpleng puting T-shirt, maong pants, at rubber shoes. Nakatali ang mahaba niyang buhok habang nakasentro ang atensyon sa kanyang ginagawa. Kahit walang make-up at mamahaling damit, hindi maikakailang kapansin-pansin ang kanyang kagandahan.Si Roxanne Carpio, eighteen years old, ang kinikilalang pinakamagandang babae sa San Gabriel. She stands five feet and nine inches tall, with a slender figure, beautiful facial features, and an undeniable charm. Ilang beauty pageants na rin ang kanyang sinalihan at halos lahat ng iyon ay nauwi sa pagkapanalo niya. Recently, she was crowned Miss San Gabriel, a title that made her even more popular in their town.P
Huling Na-update : 2026-11-15 Magbasa pa