CHAPTER 5ANG MULING PAGBABALIK NI VICTORIA Makalipas ang ilang buwan sa America, lumalaki na ang tiyan ni Victoria. Regular siyang nagpapatingin kay Dr. Emily upang matiyak ang kaligtasan ng natitirang kambal. Sa kabila ng takot, masaya siyang naghahanda para sa pagdating ng sanggol. Isang hapon, tumawag ang kaniyang ina mula Pilipinas. “Victoria, anak, kailangan nating mag-usap,” nanginginig nitong sabi. “Mom, what happened? You sound worried.” “Your father’s company is in serious trouble. Malaki ang nalugi natin dahil sa maling investments at mga utang. May suppliers nang hindi nagdedeliver, at may employees na hindi pa nababayaran. Your father is exhausted.” Napaupo nang tuwid si Victoria. “How bad is it?” “Baka tuluyan nang magsara ang kumpanya kung hindi tayo makakahanap ng solusyon.” “Anak,” mahinang bati ng ama, “I’m sorry. Ayokong gambalain ka habang buntis ka.” “Dad, this is our family’s company. I can’t stay here and do nothing. I’m
Huling Na-update : 2026-11-17 Magbasa pa