Share

Chapter 4

Days Passed so fast.

Limang araw na ang nakakaraan magmula nung gabing nakaamoy ako nang pambabaeng pabango sa jacket ng asawa ko. At limang araw na din akong binabagabag dahil dun.

Pilit ko na lamang sinasabi sa sarili ko na wala lang iyon. Nag iisip na lamang ako ng mga posibleng dahilan kung bakit may pambabaeng pabango akong na amoy sa kanyang jacket pero lahat ng iyon ay parang napakalabo namang mangyari.

Gaya ng.,

Baka naman may yumakap lang sa kanya at lumipat ang amoy nito sa Asawa ko. Naisip ko din na baka yun yung babae'ng kikitain niya nung araw na'yon. At baka may pinuntahan lang siyang ibang lugar kaya hatinggabi na ito nakauwi.

Pilit kong pinapaalala ang mga rason na 'to sa sarili ko upang hindi maglumikot ang isip ko at mag isip ng kung ano ano'ng bagay.

Pero kahit na anong gawin ko, ay Palagi pading sumisilip ang mga hindi kaaya-ayang senaryo sa isip ko na pilit kong iniiwasan. Pilit kong hindi iniisip dahil.. Dahil umaasa padin ako.. Umaasa padin ako na kahit papaano ay may pagmamahal padin siya sakin. Na meron parin, kahit kaunti.

But who am I fooling?

Alam kong iba na talaga. Alam ko pero hindi ko pinapansin. Dahil hindi ko matanggap.. At Ayokong tanggapin.

Pagkatapos ng gabing yun, Kinabukasan nun ay nagising ako'ng wala na si Nathan. Umalis na pala siya at hindi ko man lang naabutan, napuno na naman ng hinala at pangamba ang puso ko nun dahil hindi parin ako maka limot about dun sa jacket niya, pero umuwi din naman siya pagdating ng alas syete ng gabi kaya kahit papaano ay nabawasan ang pangamba ko. Yun nga lang, hindi niya ako kinausap at dumiretso lang siya sa kwarto.

Kinabukasan ulit nun ay nagising na naman ako'ng wala na naman siya. Pero ang pinagkaiba lang, ay hindi siya umuwi ng gabing 'yun. Hinintay ko siya at pilit na nilalabanan ang antok ko hanggang sa mag alas tres na ng madaling araw. At kahit nakakahiya, ay kinapalan ko parin ang mukha ko at tinawagan si Papa Nante ng ganoong oras para lang tanungin kung ibinalik niya na ba sa kompanya si Nathan.

"Hindi iha, bakit?" inaantok na sagot ni papa Nante. Mas lalo tuloy ako'ng nahiya dahil naistorbo ko ang tulog niya.

"G-ganoon po ba Papa? Hindi papo kasi siya nakakauwi, nagbabakasali lang po sana akong baka naibalik niyo na siya sa trabaho at maraming ginagawa. B-baka siguro may ibang inasikaso lang po siya. Hehe, yun lang po papa, salamat. At pasensya na din po kung nadistorbo ko ang tulog niyo." paghihingi ko ng Paumanhin.

"Hindi kopa siya naiibalik sa trabaho iha, at hindi ko rin siya ma kontak. Kaya baka nga may ibang inaasikaso ang asawa mo. Hindi ba siya nakapagpaalam sayo?"

Sa ika'tlong araw ay hindi padin siya umuwi.

At sa araw din na iyon ko na naibuhos ang mga luhang pinipigilan ko sa nakalipas na dalawang araw.

Sa tatlong taon'g pagsasama namin bilang mag-asawa ay ngayon lang nangyari 'to. Na hindi siya umuwi sa bahay namin na walang sabi.

At kung sa lumipas na dalawang araw ay nakukumbinsi kopa ang sarili ko'ng baka nga may ginagawa lang siya. Na baka sobrang importante lang niyon kaya hindi siya nakauwi at nung umuwi naman isang gabi ay hindi man lang ako matignan,-- ngayon hindi na.

Hindi na, kasi alam kong may mali na. A-alam kong may ibang babae na.. Ramdam ko.. Sa puso ko.. At ang sakit.

Napakasakit.

Dumating ang gabi sa araw na iyon at umuwi siya..

At sa gabi'ng iyon tuluya'ng naglaho ang mumunting pag-asa sa puso ko. Dahil sa pagpasok palang niya sa pintuan ng bahay namin ay kaagad ko'ng napansin ang kanyang labi.

Ang labi niyang may bahid ng pulang kulay sa gilid. At ang pulang kulay na iyon ay walang iba kundi lipstick.

--

Napahagulgol ako ng iyak habang inaalala ang gabi'ng iyon.

Hindi ko matanggap...

Pumasok na naman sa isip ko ang isang imahe na naman ng babae. But this time, he's kissing my husband.

Mas lalo lang akong naiiyak satuwing naiisip ko'ng may ibang babae'ng nakakahalik sa asawa ko. Nakakahawak sa kanya.

Nakakahawak..

P-posible kayang m-may nangyari na sa k-kanila? Nung babae?

Umiling iling ako.

"H-hindi.. Hindi Naman siguro aabot sa g-ganun. Lilipas din 'to.. Right.. Lilipas din 'to." sabi kopa.

Pinunasan ko ang mga luha ko at napasinghot-singhot.

Nandito ako ngayon sa garden dito sa bahay. Nakahiga sa bermuda grass habang nakatitig sa blanko'ng kalangitan. Ni wala akong makita ni isang bituin.

Mas lalo tuloy itong nagpapabigat sa dibdib ko.

Pumikit ako at hinawakan ang dibdib ko sa bandang puso.

Humugot ako ng malalim na hininga at pinakawalan iyon ng dahan dahan.

'Hindi ako susuko. Kahit ano man ang mangyari, Nathan. Hindi kita susukuan. Kakapit ako sa relasyon natin na 'to. Kahit hindi na ganun katibay 'di katulad ng dati, ay kakapit pa din ako.'

Iminulat ko ang mga mata ko at bumangon. Ngunit naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng makita si Nathan sa di kalayuan.

Nakatingin siya ng diretso sa'kin habang ang mga mata'y walang emosyon.

Napalunok ako ng maglakad siya papunta sa akin ng may malalaking hakbang.

Huminto siya sa tapat ko at napatingala ako sa kanya.

"N-Nate.. N-nakauwi ka na pal---"

Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil bigla niyang hinablot ang batok ko at.. at..

Hinalikan niya ako..

Napakurap kurap ako, hindi makapaniwala. Parang kanina lang nagd-drama ako tapos heto..

Nathan just kissed me. 

I know that this isn't the first time he kissed me but it felt like it. This is actually the first one after what happened a year ago.

Gumalaw ang labi niya dahilan para maipikit ko ang mga mata ko..

At ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko namiss at kung gaano ako nananabik sa halik niya.

Hinapit niya ang bewang ko at mas idiniin ang labi niya sa labi ko.

Napahawak ako sa laylayan ng t-shirt niya nang bigla kong maramdaman ang pamilyar na sensasyon dulot ng halik niya. Ang biglaang pagdaan ng kuryente sa buong katawan ko, ang animo'y Paru-paro na kumikiliti sa bandang tiyan ko, at ang panginginig ng kalamnan at binti ko.

"Fuck." He muttered in between his kisses.

"N-Nate.."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status