Tanghali na nang magising si Gregor. Masakit ang ulo sa sunod sunod na gabing puyat at pag-inom. Lumabas siya sa balkonahe at tinanaw ang paligid ng resort. Kailangan niya nang makausap ang kapatid tungkol sa problemang kinakaharap. Sa dalawang araw niya dito ay si Martina lang ang inatupag niya.
He smiled at the thought of her. His innocent little witch na muling pumukaw sa pagkatao niya pagkatapos ng mahabang panahon. At hindi pa niya naramdaman ang ganoon sa kahit sinong babae. Mamaya ay ihahatid niya ito pauwi para makilala ang pamilya nito. Tatapusin niya na ang relasyon nila ni Lenny na wala namang pinatunguhan. He would do everything to make Martina his girlfriend.
Officially.
Kumatok siya sa maliit na opisina ng kapatid na kasalukuyang nag-aasikaso ng kung ano anong papeles sa mesa nito.
"Dalawang araw ka na dito, akala ko'y hindi mo
Kinabukasan pa pumasok sa opisina si Olive matapos sunduin ng pinsan sa El Nido. Masakit ang ulo niya sa puyat at wala rin siya sa mood magtrabaho matapos biglang iniwan si Gregor sa isla. Ang usapan nila'y ihahatid siya nito sa kanila pero ni hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magpaalam. She knew Anthony would question him kapag nalamang nagkaroon sila ng ugnayan sa sandaling panahon lamang. Anthony's over protectiveness is annoying. Just like her father. Na akala mo disesais pa lamang siya.Isa sa mga dahilang ibinigay ni Rico sa panloloko nito sa kanya ay dahil hindi siya sumasama sa ex-boyfriend sa pad nito. Hindi iilang beses itong nagpahiwatig na gusto nitong may mangyari sa kanila na lagi niyang tinututulan. Binigyan man siya ng ama ng kalayaang magkaroon na ng boyfriend pero limitado ang oras na pwede niyang ibigay. Anthony would call her immediately kapag alas otso na at wala pa siya sa condo
Alas syete na halos nang magkita sila ni Rico sa isang restaurant na malayo sa building ng Falcon Group of Companies. Marahil ay galing din si Rico sa kumpanya ng pamilya nito dahil naka-coat and tie pa. Tumayo ito nang makita siyang paparating."Babe..." Isang halik ang igagawad nito sa kanya pero iniiwas niya ang mukha kaya't umabot lang ito sa gilid ng labi niya. Rico is also handsome and with sex appeal, no doubt about it. Pero malaking bagay sa kanya ang lalaking marunong rumespeto sa karelasyon. "Um-order na 'ko ng pagkain dahil baka gutom ka na. How's work?"Kung hindi naman siya niloko ni Rico ay kuntento naman na siya sa piling nito. They see each other once in a while; eating at their favorite restaurant, or spending time at the beach. Maalaga ito kapag magkasama sila at mahilig tumawag at mag-text kapag busy silang pareho sa opisina. Pero kung may isang bagay silang hindi napa
Bumalik si Gregor sa loob ng restaurant kung saan naghihintay si Lenny. Hindi niya rin inaasahan na dadating ang kasintahan matapos niyang tawagan na kailangan nilang mag-usap. Nakatunog siguro na gusto na rin niyang tapusin ang relasyon kaya't nagmadaling umuwi sa Palawan.At nahirapan siyang tapusin ang relasyon ngayong nag-e-effort si Lenny na paluguran siya simula kagabi. So, he thought of giving their relationship another try if she decides to stay. Hindi na sana siya maghahanap na may kulang sa relasyon nila. Pipilitin na lang sana niyang kalimutan si Martina.Until he saw the young woman again tonight. Nagulo na naman ang tahimik niyang mundo lalo nang makitang may kasama itong ibang lalaki. He tried to talk to her, but it seems that Martina has lost interest in talking to her. Na para bang wala silang pinagsaluhang maiinit na sandali."I want some dessert. Anong gusto mo?" tanong ni Lenny
"Hindi mo ba ako ihahatid?" tanong ni Lenny sa kanya nang bumaba ito kinabukasan nang nakabihis na. Siya rin ay nakahanda na sa pagpasok at humihigop na lang ng kape."Ihahatid kita sa opisina at ibibilin kay Adrian," sagot niya. "Are you ready?""Yes. Hindi ba talaga ako puwedeng sumama sa 'yo sa meeting mo sa labas?"Alam niyang may kinalaman sa nangyari kagabi ang pag-uungkat nitong muli na sumama sa lakad niya ngayong umaga."Sure. Sa bangko lang naman ako pupunta," aniya. "Kung magiging maayos ang pakikupag-usap ko sa manager, makakapunta tayo kaagad sa opisina."Isang linggo na ang paghihintay niya sa approval kaya't minarapat niya ngayon na puntahan na lang ang manager ng banko. Baka mas mapapabilis ang approval niyon kapag personal niyang finallow-up. Alas nueve nang umaga nang dumating sila sa banko at humingi ng meeting sa manager.&
"Do you know each other?" May hinalang wika ni Anthony na ikinagulat ni Olive. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ng pinsan nang hindi mapapahiya."Long time ago, can't really recall," kibit-balikat na sagot ni Gregor na marahil ay nahalata ang pag-atubili niya. "So how are you, Ms. Montañez?" Kung may sarkastiko sa wika nito ay hindi niya alam."I'm f-fine." Umupo siya sa swivel chair dahil tila bibigay ang tuhod niya. How ironic life is. Ang taong gusto nilang gipitin ngayon ay ang taong pinagkatiwalaan niya ng pagkababae niya halos isang linggo na ang nakakalipas."You're still beautiful as I remember," makahulugang wika nito. Pinamulahan siya ng mukha at gustong itigil na nito ang pagbibigay ng hint kay Anthony na magkakilala nga sila."Thank you." Kinuha niya ang kape sa mesa at dinala sa bibig. Saglit siyang napaso pero sinikap pa rin niyang maging kaswal.
Ibinagsak ni Olive ang telepono sa mesa nang matapos ang ring at hindi iyon sinagot ni Gregor. Tinawagan din siya ng manager ng banko na pinakansela ni Gregor ang renewal ng loan nito. Alam niyang wala na rin itong balak pang maging supplier at contractor ng itatayong condominium.Tumayo siya at pinuntahan ang opisina ni Anthony. Kasalukuyan itong nagdi-discuss sa secretary tungkol sa schedule nito maghapon. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin ang secretary."Tumawag si Ms. Corpuz, binawi na ni Gregor ang renewal ng loan niya.""So it's Gregor now," wika nitong nakatitig sa kanya. Pinilit niyang manatiling pormal sa harap ng pinsan sa kabila ng ibang kahulugan sa tinig ni Anthony."I suggest we still get him as the contractor and supplier of the Falcon Condo. By then, baka mapapapayag natin siya na ipagbili ang lupa.""At kung hindi
Kinabukasan ay ang banko na ang tumawag na approve na ang loan niya. Hindi na siya nagulat. Wala na siyang dahilan para umatras. Bago rin matapos ang araw ay natanggap niya ang draft ng contract in between Falcon Condominium and Angeles Builders Inc. Lahat iyon ay naaayon sa terms and conditions niya.Muling sumagi sa isip niya ang mukha ni Olive. Noong una'y handa siyang sumugal at bigyan ng tyansa ang anumang nasimulan nila sa El Nido. Ngayong nalaman niya kung sino talaga ito ay nagbago ang isip niya. Masasabi mang may kumpanya siya ay wala pa sa kalingkingan iyon sa yaman ng mga Falcon. At ayaw niyang maakusahang gold-digger.Pero hindi niya alam kung kaya niyang iwasan ang dalaga lalo't madalas niya itong makikita ngayon kapag tinanggap niya na ang proyekto. Ang nangyari kahapon sa opisina niya ay isa nang halimbawa. Magtama lang ang paningin nila'y gusto nang sumasabog ng damdamin niya dito.
Maagang pumasok si Olive kinabukasan sa kabila nang hindi pagkatulog sa nagdaang gabi. Ang mga salitang binitawan ni Gregor kahapon ay nagpagising sa kanya sa katotohanan -- hindi totoong may damdamin ang binata sa kanya.At may girlfriend din ito kaya't malabo na magkaroon pa sila nang tyansang dalawa. Whatever they had in El Nido was just pure lust. Lalaki ito at nagpakita marahil siya ng interes. Bagama't hindi niya alam kung saan banda kahit ilang beses niyan balik-balikan ang mga nangyari.And it's over now. At dahil aprobado na ang loan nito sa banko at nasa proseso na rin ang kontrata na ang kumpanya nito ang magsu-supply ng construction materials sa itatayong Falcon Condominium, wala na ring paraan para umiwas. Tiyak siyang hindi kahapon ang magiging huli nilang pagkikita.Pilit niyang inabala ang sarili sa trabaho pero hindi maalis sa isip niya ang nangyaring paghalik nito sa kanya kahapon. He was trying to resi