Share

Chapter 4

BREE'S POV

Umingay ang cart nang ilapag ko ang tatlong patong ng canned meatloaf sa loob nito. “Nakakainis talaga!” sabi ko kasabay ng pagpadyak ko sa sahig.

Tinutulak ni Rainer ang cart kasunod ko habang ang mga kamay ko ay hindi matigil sa pagkuha ng mga delata.

“Siya ‘yung may gusto ng kasal for a business deal but he doesn’t want to make it work?” reklamo ko kay Rainer na palagay ko ay hindi naman nakikinig. Tumuloy pa rin naman ako. “Ano, itatali niya kaming dalawa sa buhay na pareho naming hindi gusto? Tabingi yata talaga utak no’n.”

Lumipat kami sa kabilang aisle kung nasaan ang mga condiments. Ang mga pinakamalalaking size ang pinagkukuha ko.

“In love din ba siya do’n sa babaeng ‘yun? That… that Rosetta?” Hindi ko naman balak na bitbitin pa ‘yung galit ko sa abogado ni Heath, pero sa inis ko nadadamay pa siya. “Secretly in love kaya sila sa isa’t isa?”

Humarap ako kay Rainer at napaayos siya ng tayo na parang alam niyang ine-expect ko na may isasagot siya sa’kin. “Wala bang inutos sa’yo si daddy na mag-background check ka on Heath and everyone involved in his life?”

Umiling si Rainer.

Bumalik ako sa paglalakad. “Nung ni-research ko siya, I learned that his father passed two years ago. Ever since then siya na ang nagm-manage ng hotel nila. Wala rin namang na-associate sa kaniya na babae sa mga balita. That’s why I thought it would be okay if I married him.”

At somehow, at some point, naisip ko na baka may chance naman na maging magkaibigan kami.

“Hindi naman ako ilusyunada,” pagdepensa ko sa aking sarili nang maalala ko kung anong sinabi sa’kin ni Heath bago niya ko pagsarahan ng pinto kanina. “Hindi ko din naman iniisip na magkakaroon kami ng happy ever after ‘no? Excuse me lang ha. Hindi ko naman siya type!”

Humarap akong muli kay Rainer. “Kaya ikaw, kung pwede lang naman, ‘wag mong dagdagan ang sakit ng ulo ko. Be cooperative with me. I just want to live amicably dahil hindi ko naman din ginusto ang kasal na ‘to. Okay?!”

Parang naalarma ang mga mata ni Rainer pero tinalikuran ko na siya bago pa siya makapagtanong. I don’t think I’m in the mood to tell people kung paano ako pinwersa ng daddy ko na magpakasal.

Alam ko naman na sinabi niya lang na mas gusto ni Heath si Maeve para lang mag-volunteer ako. My sister is only eighteen for crying out loud! Ano, very pedophile lang ang datingan ni Heath na twenty-seven na?

Nalipat na kami sa meat section ng grocery at nagsimula na akong mamili.

“Hindi mo ba tinanong kay Heath kung bakit niya gustong magpakasal? Malay mo naman hindi lang dahil sa business ‘yun,” suhestiyon ni Rainer.

“Paano ko nga tatanungin eh hindi nga kami nag-uusap? Nakita mo naman kung paano niya ko tinaboy kanina, ‘di ba? Masyado siyang segurista pero parang hindi naman kailangan na maging ganito ang sitwasyon namin. To be honest, I don’t think that we should’ve gotten married. Masyadong mababaw ang rason.”

Rainer cleared his throat. Akala ko may sasabihin pa siya pero bumalik na siya sa hindi pag-imik. Kinuha ko na ang mga pinamili ko at naglakad na kami sa counter.

“Well, never mind,” sabi ko. “If he plans to continue this way, wala namang problema sa’kin. We’d just be two strangers living in the same house. I guess I only have to make him hate me enough that he would be the one to want divorce earlier. Two can play this game.”

Sa dulo ng mga mata ko, nakitang kong umiiling si Rainer. Hindi na ko nagtanong kung iyon ba ay dahil naririndi na siya sa pinagsasabi ko, o dahil hindi siya naniniwalang magagawa ko talaga.

Tinulungan naman ako ni Rainer na maglagay ng mga pinamili sa counter. Habang inii-scan ang mga item, ngumiti ang kahera sa’ming dalawa ni Rainer. “Matagal na po ba kayong mag-asawa, ma’am?”

Binalik ko ang ngiti niya at sumagot, “Last week lang.”

“Ang gwapo at ang ganda po siguro ng mga magiging anak niyo.”

Lalo lang lumawak ang ngiti ko. “I think so too,” sabi ko at sumulyap kay Rainer.

Muntikan na kong matawa nang makita kong namumula ang mga pisngi niya.

——

I am fairly good in the kitchen—nope, scratch that. I am one of the best in the kitchen. Sikat ang channel kong “Cooking is a BREEze” na may tumataginting na five hundred thousand subscribers.

Karamihan ng ipon ko ay nakuha ko mula sa aking channel at kalaunan lang ay nakapagbukas ako ng maliit na restaurant malapit sa aking dating kolehiyo.

“Hey, bakit hindi ka masyadong kumakain ng gulay?” tanong ko kay Rainer dahil nakita kong inusog niya ang mga ito sa kabilang parte ng kaniyang plato.

“Kakainin ko naman, uunahin ko lang ‘tong isang ulam,” sabi niya na may kasamang singhap.

“Is there anything that you don’t eat?” sumubo na din ako. “Para alam ko kung may dapat ba kong hindi ilagay sa mga ulam.”

Umiling siya. “Bawal ang pihikan sa pagkain noong nasa academy ako. You have to eat whatever is served.”

Napaangat ang ulo ko nang marinig kong bumukas ang main door. Wala pang ilang segundo, pumasok na si Heath sa dining area.

“Aga mo ha,” komento ko at hindi ako gumalaw para paghainan siya. “I’m sorry I didn’t cook enough. Akala ko kasi mamayang gabi ka pa.”

Parang nagkaroon naman ng delubyo sa mga mata ni Heath at mas lalo lang nagliyab ang mga ito nang tumama sa likod ni Rainer.

“This is the bodyguard,” sabi ko lang. “Rainer, Heath. Heath, Rainer.”

Tumango lamang si Rainer kay Heath bago ito bumalik sa kaniyang pagkain. It’s nice to know na hindi lang ako ang binibigyan niya ng silent treatment.

“Talagang pangdalawa lang niluto mo when I told you earlier that I would be home by dinnertime?”

Nagkibit-balikat ako sa kaniya. “I thought you hire maids to do menial things for you?”

“Eh wala pa ngang maid eh.”

Tinuro ko ang isang kabinet sa kaniya. “May mga delata diyan. Magbukas ka. If you don’t want them, you can always order.”

Isang pilit at galit na ngiti lang ang binigay sa’kin ni Heath. “No thanks.”

“Okie,” sabi ko at dinala na ang aking plato sa lababo. “I thought about making the dish three servings but maaga kasi ako tomorrow eh. It would’ve taken a lot of time since two slices lang ng meat ang kasya sa pan.”

“Anong mayroon bukas?” tanong ni Heath at humilig sa pintuan.

“I have to go to an event,” sabi ko na medyo proud. “I am one of the speakers for a culinary school’s nutrition fair.” Pinunasan ko na ang mga kamay ko at nilagpasan siya palabas ng kusina. “So if you don’t mind, get your own food and I’ll be sleeping because I need my beauty rest. Good night!”

Tawa-tawa pa ko ngayon. Pero ang hindi ko alam, ang pagbanggit ng event na ‘yun kay Heath ay pagsisisihan ko lang pala.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
nakakatuwa din tong si Bree
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status