Share

Chapter 02

"Do we even have a house to stay there?" tanong ni Grace nang nasa elevator na sila.

They were moving up at hindi niya alam kung kailan ito titigil. Sa kanilang tatlo, si Bruce lang ang may experience na sumakay rito. He were once a grim reaper at sinusundo niya ang mga patay but her dad promoted him kaya matagal-tagal na rin itong hindi nakabalik sa Earth.

"Yes, Gracie! May isang bahay na inilaan ang ama mo sa bawat bansa."

"Wow!" bulalas ni Maya. "Your family is really rich, Gracie!"

Nagkibit-balikat siya dahil siya mismo ay walang kaalam-alam sa kayamanan ng ama.

"Hanggan kailan ba ito?" wika niya na ang tinutukoy ay ang pag-andar ng elevator.

"Oh!" Napatingin si Bruce sa relo  "Five more minutes, Gracie!"

Abot-tenga ang ngiti niya. "Okay! Five more minutes and we'll see the world," excited niyang wika at pinagkiskis ang mga palad.

Ding— rinig niyang tunog ng elevator kasunod niyon ay ang paghinto nito. Nawala ang ngiti niya nang bumukas ang pinto. Isang hagdan ang nakapuwesto sa harapan nila paglabas nila ng elevator.

"What's going on, Bruce?" wika niya. Walang ibang gamit ang kwarto. Isang hagdanan lamang. May kisame ang kwarto pero may isang bilog na butas na pinalibot doon sa hagdan. Kaya tantiya niya ay mataas ang hagdanang iyon. "Aakyatin ba natin 'to?"

"Oo, Gracie! Kailangan nating umakyat diyan. Tantiya ko'y nasa 50 meters ang haba pagkatapos ay may isang malaking bilog na metal ang nakatakip sa ibabaw natin. Kapag mabuksan iyon ay nasa ibabaw ng lupa na tayo."

"Okay, copy! Ako na ang mauna," wika niya.

Sumunod si Maya sa kanya tapos si Bruce ang huli.  Halos mga sampung minuto rin silang umaakyat nang may makapa siyang isang bilog na metal.

"I guess this is the exit!" wika niya habang hinihingal.

"Iyan na nga, Gracie. Sige, buksan mo na."

Buong lakas niyang itinulak iyon gamit ang isang kamay. Nang maiangat ay itinulak niya iyon pakanan upang maitumba. Itinukod niya ang dalawang kamay sa semento at maingat na iniangat ang sarili.  Nang makalabas ay inilibot niya ang paningin. Wala siyang gaanong makita dahil gabi na at walang ilaw ang lugar. Binalikan niya si Maya upang tulungan itong makalabas sa manhole.

"Gracie, okay ka lang ba?" sigaw ni Bruce.

"Oo. Huwag kang mag-alala." Inilahad niya ang kamay upang mahila si Maya pero bago pa ito makakapit sa kamay niya ay isang nakasisilaw na liwanag ang tumama sa direksyon nila. Kasunod niyon ay ang tunog ng isang humahagibis na sasakyan at mukhang walang planong huminto para sa kanila.

"Gracie!" sigaw ni Maya.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Bruce.

Hindi na niya masagot ang mga kaibigan niya. Hindi na rin niya alam kung ano ang gagawin kaya hanggang sa kahuli-hulihang segundo ay nakatitig lang siya sa ilaw ng sasakyang iyon.

Hinintay na lang niya ang pagtama ng kotse sa kanyang katawan at hindi nga siya nagkamali. Parang huminto ang oras nang nasa ere na siya at tumilapon hanggang bumagsak sa damuhan.

"Aw!" daing niya sa sakit.

"Gracie!" rinig niyang sigaw ni Maya. "Akala ko ba safe dito, Bruce? Hindi pa nga tayo nakakarating sa bahay, may masama nang nangyari kay Gracie!"

"Sementeryo ito dati, eh! Hindi ko alam na may bumabangga na pala rito," sagot naman ni Bruce. "Ako na ang bahala sa sasakyang iyon at tila walang balak huminto. Puntahan mo si Gracie!"

Tumakbo si Maya papunta sa kanya. Akmang tutulungan siya nitong tumayo ay may isang taong pumigil.

"Huwag po ninyong galawin ang babae at baka may nabaling buto." Tinanggal nito ang helmet at inilapag sa upuan ng motor nito. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanila. Napapikit siya nang itinuon nito ang flashlight sa kanyang mukha. "Oops, sorry! My bad!" hinging-paumanhin nito at itinuon ang ilaw sa ibang direksyon.

"Talaga ba?" natarantang tanong ni Maya. "Akala ko ba immortal tayo rito pero bakit hindi yata gumagaling iyang gasgas sa katawan mo, Gracie? Naku, anong gagawin natin?"

"Tumawag na po ako ng ambulansya kaya maya-maya ay darating na rin ang mga iyon," sagot ng lalaki.

"Salamat!" Dumukot si Maya sa bulsa nito at kinuha ang perang naka-bundle. "Heto, hindi ko alam kung sapat na iyan, bata! Pero ito lang muna ang maibibigay ko. Mangyari lamang na huwag mong ipagkalat ang nakita mo rito."

"Thanks, but I can't accept that!" wika nito. "At huwag kayong mag-alala, wala akong balak na ipagsabi ang nangyari." Binigay nito ang flashlight kay Maya. Binalikan nito ang motor at isinuot ang helmet.

Maya-maya ay narinig na nila ang serena ng ambulansya. Nagsalitang muli ang lalaki. "I'll go ahead. For sure, they will help you."

Pinaharurot ng lalaki ang motor nito papalayo. Siya namang paggaling ng sugat at gasgas niya sa katawan.

"Mukhang okay na ako, Maya. Tara na!"

"Sigurado ka? Wala ng masakit sa iyo?"

Dahan-dahan siyang tumayo at nag-inat. "See? I'm okay, now. Let's go at baka may makakita pa sa atin."

"Teka, si Bruce?" wika ni Maya at tumingin sa paligid. Sakto namang may isang kulay puting van ang huminto sa harap nila. Ibinaba ng driver ang bintana at nagulat sila nang mapagsino iyon.

"Nandito na ako. Tara na," wika ni Bruce.

Agad naman silang sumakay. "Paano mo nakuha 'to?" tanong ni Maya. Nasa shotgun seat ito habang siya ay nasa likod.

"Nandito na 'tong van na 'to noong araw na grim reaper pa ako. Mabuti na lang at hindi nila natukoy nang i-renovate na nila ang lugar," paliwanag ni Bruce. Tiningnan siya nito sa rearview mirror. "Okay ka lang ba, Gracie? Pasensya talaga!"

Tumango siya at nginitian ito. "Okay lang talaga ako."

Nagkatinginan silang tatlo nang makasalubong nila ang ambulansya. Mukhang papunta iyon sa kinaroroonan nila kanina.

"Humans are foolish!" naiiling niyang wika.

Mga ilang oras pa bago niya namalayang inihinto ni Bruce ang sasakyan. She was half-asleep.

"Nandito na tayo, Gracie!" wika ni Maya.

Nang makababa na sila sa sasakyan ay hindi makapaniwalang tinitigan nila ang kabuuan ng bahay. It was a two-storey house and all walls were covered with vines. Parang nasa haunted house sila.

"Are you sure this is ours, Bruce?" hindi niya makapaniwalang tanong.

Napakamot ito ng ulo. "Oo, Gracie. Pero huling balita ko ay namatay na ang caretaker ng bahay na ito at hindi na naalagaan. Huwag kayong mag-alala. Bukas na bukas din ay maghahanap ako ng maglilinis."

"Bukas pa? Saan tayo matutulog?" Sigurado siya na kung madumi ang labas ng bahay ay mas madumi ang sa loob kaya hindi talaga siya papasok diyan ngayon.

"Makitulog na lang tayo sa ibang bahay," suhestiyon ni Maya. "Gagamitan natin ng hipnotismo upang pumayag."

Kaya naman nagpasya silang sumakay uli ng van at naglibot upang makakita ng iba pang bahay. May isang gate silang nakita kaya naman bumaba sila at kinatok iyon ni Maya.

"Anong kailangan?"

Nagulat sila nang may isang boses ang nanggaling sa isang maliit na box na nakalagay sa pader.

Tiningnan nila iyon. "Pwedeng makitulog?"

"Aba! Balak n'yo pa yatang gumawa ng masama. Lumayas kayo rito dahil kung hindi ipapapulis ko kayo. May hotel diyan sa di-kalayuan kung gusto ninyong makitulog."

Kaya naman bumalik na uli sila sa van. "Hindi gumagana ang hipnotismo rito, Gracie. Hindi man lang natin nakaharap ang babaeng iyon."

"Pero may binigay naman siya sa ating napakahalagang impormasyon," wika ni Bruce.

"Anong impormasyon?" tanong ni Maya.

Tumawa ito at napapitik sa hangin. "May hotel daw sa di-kalayuan."

"Right!" sang-ayon niya.

Hindi nga nagtagal ay nahanap na rin nila ang hotel na tinutukoy ng babae kanina. Agad na nagbayad si Bruce ng tatlong kwarto pero siniguro nito na magkatabi-tabi lang sila.

Bago sila natulog at pumuta sa kanya-kanyang kwarto ay nag-meeting muna sila.

"Wait! Hindi ko ma-memorize, eh! Basta green na may markang tao, go iyon? Pwede nang maglakad sa kabilang banda, gano'n ba? Saka kapag pula, hindi pa pwede?"

Kulang na lang ay ang pumalakpak si Bruce. "Hay, salamat! Sa tinagal-tagal, nakuha mo na!"

"What's your information about my brother, Bruce?"

"Kasalukuyang nasa Riverdale International School ito nagtuturo ayon sa nakausap kong intel. Kaya ang dapat ninyong gawin ay ang maging estudyante."

"Teka, bakit hindi ka kasama?" tanong ni Maya.

Binigyan ito nito ng masamang tingin. "Nakakainsulto iyan, ah! 27 na ako. Mukha ba akong high school?"

"Sabagay!" wika ni Maya. "Ikaw na lang ang taga-hatid sundo sa amin."

"Iyan ang plano kong gawin," sagot nito. "Pupunta tayo doon sa Lunes kaya may oras pa kayong makapaghanda dahil Biyernes pa ngayon. Sige na, magpahinga na tayo."

Nang mapag-isa ay binuksan ni Grace ang sliding door. May maliit na espasyo na parang terasa ang kwarto niya. Actually, mukhang lahat ng kwarto sa hotel na ito.

Sinalubong siya nang malamig na hangin. May isang maliit na mesa at upuan rin kaya naupo siya. Hindi niya mapigilang humanga sa tanawin. Napakaganda ng mga nagkikislapang ilaw sa buong syudad na parang mga bituin. In Hell, there were no stars and moon. Napangiti siya sa nakita dahil kahit papaano ay nakaka-experience siya ng ibang bagay.

"Enjoying the night, are we?"

Napatingin siya sa kanan. May isang lalaki rin na nasa kabilang kwarto ang nasa terasa nito. Tantiya niya ay kaedad lamang niya ito.

"Who are you?" wika niya. How could this human has the nerve to have a conversation with her, the daughter of Lucifer?

The guy just chuckled. "Relax! I don't bite. The name's Peter! Nice to meet you!"

"Oh, how godly!" komento niya sa pangalan nito. "Why are you here? Wala ka rin bang matulugan?"

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Peter. "Why? Is that your situation?"

Nagkibit-balikat siya. "Well, yes, sort of."

"Where are you from?"

Tinitigan niya ang lalaki. Bakit nito gustong malaman? Well, she guessed she doesn't have a choice but to tell the truth.

"I'm from Hell!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status