Share

CHAPTER 5

ISABELLA MIA  POV

"Hoy Kendrick bakit mo naman pinayagan ang babaeng to?" Reklamo ni Sophia ng isuot ko ang uniform at afron ko.

"Sophia tumigil ka nga."pag sasaway ko dito.

"I'm here you don't need to worry." simpleng sabi ni Kendrick dito.

Agad Kong sinimulan ang pag luluto habang sila Kendrick nanonood lang. Naiilang man ako sa mga tingin niya sa bawat kilos ko mas pinili ko nalang mag consentrate.

"Woah galing mong pumili ng asawa boss,pasok sa banga." pumalakpak na sabi ni carter habang tumatawa pa.

Hindi siya pinansin ni Kendrick, dahil nakatitig lang to sa ginagawa ko.

"Kendrick hindi kaya matunaw niyan si Isabella?" May halong pang aasar na tanong ni larah dito.

Kendrick clear his throat before looking at Wesley.

"Boss bakit ganyan ka makatingin? Wala naman akong ginawa ah." inosenteng tanong ni Wesley dito.

"Titigan morin kaya si larah, hindi yung muka kang tanga diyan." sambit ni Kendrick dito.

Sabay sabay kaming natigilan dahil sa sinabi ni Kendrick.

"Boss ikaw pa ba yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Wesley dito.

"Dont me Wesley." iiling na sabi ni Kendrick dito na halatang may pinaparating Kay Wesley.

Binalik ni Kendrick ang paningin niya sakin.

"Done?" Tanong nito sakin, tumango nalamang ako at agad na iniabot sakanya yung niluto ko.

"Teka bat si boss lang gutom din kami oh" pamamaktol ni carter.

Tinapik tapik naman siya ni Wesley sabay sabing.

"Ganyan talaga Carter wala pa tayong asawa eh." sambit ni wesly dito.

"Tanga! Asawa asawa ka diyan, wag mo akong artehan Wesley asan ba ang asawa mo!?" Nagulat kami ng magsalita na si larah

"Anak ng putakte anong pinag sasabi mong asawa larah hindi panga kita napapakasalan hinahanap Mona sarili mo sakin?" Balik na sabi ni Wesley dito.

I think my past ang dalawang to.

Nagulat ako ng pa upuin ako ni Kendrick sa tabi niya.

"Don't mind them kulang kulang ang mga yan." sabi nito at hinainan ako.

"Hoy tumahimik nga kayo Wesley at larah para kayung kinulang sa aruga." biglang sabat ni Sophia na halatang naingayan na.

LARAH POV

"Thank you Ms. Mercedes " sambit ni Mr. De guzman sakin dahil sa tinangggap ko ang businesse proposal niya.

"Welcome Mr. De guzman I'm glad to be your business partner." nakangiting sagot ko bago nakipag shake hand sakanya.

Ng nakaalis na ito, agad Kong tinungo ang labas papuntang parking lot. Bibisitahin ko muna si Isabella bago ko pumuntang Cebu para sa business trip ko. Agad naman akong pinapasok ng guard na nandito.

"Where's Ms.Isabella?" Tanong ko sa katulong dito.

"Ahm nasa kusina po kumakain." nakayukong sabi nito, tumango naman ako bago tunguhin ang kusina Kong nasaan si Isabella.

"Kamusta?" Tanong ko dito matapos Kong makipag beso.

"Eto ayos lang, ikaw ba?" Tanong din nito.

"Ayos lang din nga pala I have business trip in Cebu with Mr.De guzman 2 weeks din akong mawawala" pagpapaalam ko dito.

"Ahh ganun ba sige take care ok." paalala nito sakin.

"You too Isabella especially diyan  sa pamangkin kong nasa tummy mo." nakangiting turan ko dito habang hinimas pa ang tummy niyang 3 months na.

Nag kwentuhan pa kami bago ko nag paalam na aalis na dahil maaga pa ang flight ko. Natigilan ako ng makita si Wesley sa tapat mismo ng condo unit ko.

"What are you doing here?" I said to him in serious tone.

"Let's talk." he said on me.

"Nag uusap na tayo." pamimilosopo ko dito, nakita ko pang napabuntong hininga ito.

Binuksan ko ang pintuan ng condo ko bago siya papasukin.

"Now what?" Tanong ko dito ng maka upo kami.

"About us." simpleng sabi niya, I smile bitterly before I look at him.

"About us? Seriously Wesley matagal na tayong tapos look 2 year's ago nayon just forgot it." seryosong sabi ko dito bago tumayo.

"You can go." I said in cold tone.

"Larah please hear my side." sabi pa nito.

"I said you can go walang patutungahan to." dagdag ko pa at sinalubong ang tingin niya.

Bumuntong hininga muna ito bago, naglakad palabas.

ISABELLA MIA POV

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ko sa malaking salamin na nandito sa kwarto namin ni Kendrick. Mag aapat na buwan na ang tummy ko kaya medyo humuhulma na ito. Pero nanatiling may kurba parin ang katawan ko hindi naman ako tumataba sakto lang parang normal parin. Tummy ko lang ang umuusbong dahil sa pag bubuntis ko.

"Hey." napatingin ako ng dumating si Kendrick.

Bahagya pa niyang niluwagan ang necktie na suot niya, bago hubarin ang coat na suot niya.

"Did you eat?" Tanong nito bago umupo ng kama, nakita kopang mariin itong pumikit nakikita ko kung gano siya kapagod.

"Ahm yeah, ikaw?" Tanong ko dito bago siya lapitan, naramdaman Kong nagulat siya ng masihiin ko ang balikat niya 

"Calm down Kendrick, I know your tired so lemme do this." malambing Kong turan dito.

Napasinghap pako ng hawakan niya ang kamay Kong minamasahe ang balikat niya.

"Can you eat again with me wife?" Kalmado pero may halong lambing na tanong nito, mabilis siyang napaharap sakin.

"Y-Yeah sure." utal ko pang sagot, nakita ko kung pano ngumiti ang mga labi niya na ngayun ko lang nakita. Napakurap kurap pako dahil don. Agad siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko at maingat niya Kong itinayo at sabay kaming naglakad patungo sa kusina

"Ipagluluto kita ng adobo Masarap to promise." nakangiting sabi ko sakanya, ngumiti naman ito bago tumango at naupo.

”done na." masayang sabi ko at agad na inilapag ang, niluto Kong adobo.

"How's the taste Kendrick?" Tanong ko sakanya ng simulan na niyang kumain.

"Its good wife  because your the one who cook." ngiting sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain, sumabay narin ako sakanya.

"Kendrick." Tawag ko dito habang na kaupo sa kama at siya naman ay na kahiga na.

"Hmm" tanging sabi niya.

"Samahan moko bukas please Kendrick." pakiusap ko dito bago lumapit sa pwesto niya.

Agad niya Kong pinahiga sa dibdib niya bago hinimas himas, ang buhok ko.

"Yeah sure so take a sleep" sabi nito bago halikan ang noo ko.

"Sweet dreams my wife." huling narinig ko bago ako  tuluyang makatulog.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lsorima Mina
maganda saan na po kasunod nito
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status