The Vampire's TaleIsang tipikal na araw lamang iyon para kay Yueno. Ngunit sa isang kisapmata ay natagpuan niya ang sariling tumatakbo para sa kanyang buhay. Hinahabol ng mga nilalang na hindi niya akalaing nabubuhay pala sa mundo. Mga halimaw na nagkukubli sa kadiliman. Mga nilalang na ang mga mata ay kasing pula ng dugo at may mga matatalim na pangil na nagnanais na maitarak sa kanya anumang sandali.
Ngunit isang insidente ang siyang magpapabago sa buhay niya. Buong akala niya ay doon na siya mamamatay ngunit nabuhay ang pag-asa niya nang biglang sumulpot ang isang tagapagligtas. Isang misteryosong lalaki na laging naroroon sa oras na nasa panganib ang buhay niya. Ang biglang pagsulpot nito sa buhay ni Yueno ay magdudulot ng kaguluhan sa kanyang sistema at muling bubuhay sa munting piraso ng kanyang nakaraan na kanya ng nakalimutan.
Ang kanyang kuryosidad sa misteryosong lalaki ang siyang pupukaw ng kakaibang damdamin sa loob niya at magsisiwalat sa katotohanan at realidad na hindi na niya maaari pang takasan. Ituturing pa kaya niyang tagapagligtas ang lalaking ito sa oras na malaman niya ang totoo nitong pagkatao? O hahayaan nalamang niya ang puso na magpasya?
Ang pagbubukas ng isang pinto ang siyang magiging daan sa pagbubukas ng ilan pa, kaakibat ang katotohanang nakatago sa bawat isa noon. Matatanggap kaya ni Yueno ang realidad at ang nakaatang na responsibilidad na siyang naghihintay sa kanya? Makakayanan kaya niyang makaligtas sa mga nilalang na naghahangad ng kanyang kamatayan? Magagawa kayang malampasan ng pag-ibig ang mga nakaambang panganib na dala ng kasinungalingan, pighati at pagtatraydor? O susuko nalamang siya at magpapatianod sa daluyong ng tadhana?
Ito ang kabilang panig ng kwento naghihintay na matuklasan. Mga sikretong handa ng ibunyag at ikaw nalang ang hinihintay.
KismetUso pa ba ang love at first sight?
Posible bang magmahal agad sa unang pagkikita palang?
E kung dahil sa isang insidente, maramdaman mo iyon sa taong isang beses mo lang nakasama, hahayaan mo ba ang sarili mo na mahulog sa kanya ng ganun kadali?
Kakalimutan mo nalang ba ang nararamdaman mo? Paano kung siya ang nagligtas sa buhay mo, kalilimutan mo rin ba ang utang na loob mo sa kanya?
Paano kung isang araw maisipan nalang nyang maningil ng pagkakautang mo sa kanya pero hindi pera ang gusto nyang kabayaran?
Napuno ng katanungan at kalituhan ang utak ni Francesca Dominique simula ng makilala niya ang isang gwapong lalaki na hindi lang isang beses nagligtas sa buhay niya. Nasundan pa iyon nang matuwa sa kanya si tadhana at ilagay pa ulit siya sa kapahamakan. Meeting his gorgeous knight will not just save her life but will also capture her heart. But falling in love with him surely has a cost. Endless complications regarding their status compatibility will soon arise.
Pwede bang magkatuluyan ang mayaman at mahirap? Kaya ba niyang ipaglaban ang pagmamahal dito at isakripisyo lahat para lang magkatuluyan sila? O susuko na lamang siya at mas pipiliin nalang na iwan ito para sa ikatatahimik ng lahat? Perhaps, she wasn't even Cinderella to ask her fairy godmother to give her a happy ending. But she had fate to take her where she really is supposed to be.