Accidentally Yours, Mr. CEO!
Pang iinsulto nito.
Nagngitngit ako sa mga sinabi nito. Namanhid ang mukha nito sa lakas ng sampal ko. Pati ang kamay ko ay namanhid sa kapal ng mukha nito.
“Kasing kapal yata ng ugali mo ang mukha mo, ang sakit ng palad ko eh.” Nagulat ito ng makuha kong tawanan ito. “Really, Vale? Ikaw pa ang nakaligtas sa atin?” Pagak kong tanong sabay insultong tingin rito. “Paniwalain mo ang sarili mo sa kahambugan mo, alam natin kung sino ang totoong nakaligtas at may kakatihang taglay.” Tiningjan ko ito mula ulo hanggang paa, iyong tipo na maiinsulto talaga siya. “Alam ko na ngayon kung bakit tinadhana ako ng diyos sa iba, alam kasi niya na hindi magiging maganda ang buhay ko sa piling mo.”
Ngumiti ako ng maalala ang asawa ko at kung gaano ako kamahal nito. “My husband is more way better than you. Wala kang binatbat sa kanya sa lahat ng bagay. Yes tama ka… i gave him myself, pero hindi ko iyon pinagsisihan. Pinili niya ako at pinaglaban, gano’n siya magmahal… malayo sa pagmamahal mo. Kaya wag mo akong hahamakin, dahil hindi ako mamahalin ng isang Elijah Blackwoodss at ipaglalaban kung ganyang klase ako ng babae.”