Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Mr. Wright Beside Me

Mr. Wright Beside Me

Isang malaking iskandalo ang yumanig sa buhay ni Gracie sa mismong birthday celebration ng step-father niyang si Armand Luistro. Sa kalagitnaan ng magarbong party ay biglang ipinalabas sa led screen ang isang scandalous video kung saan siya ang naroon at may kasama siya na isang lalaki. Nasa aktong pagtatalik ang tagpong napanood ng maraming bisita. At ang lalaking kasiping niya ay ang boyfriend ng kanyang wicked half-sister na si Tatiana. Hindi niya akalain na ganoon pala ang planong paghihiganti ni Narita sa kapatid niya kung saan nakipagtulungan siya sa una. Dahil sa malaking kahihiyan ay itinakwil siya ng sariling ina at pinalayas siya ni Armand sa buhay at pamamahay ng mga ito. Nakasumpong siya sa ng bagong yugto ng buhay sa may kalayuang bayan ng Lopez Quezon. Nagkaroon siya ng trabaho sa isang event center at part-time emcee rin siya. Nang matanggap siyang site manager sa bagong dini-develop na subdivision sa nasabing bayan, nakilala niya ang boss niya na si Oliver Wright. Isang cold hearted na lalaki na na nagpapadagdag appeal sa kagwapuhang taglay nito. Hindi mapigilang humanga ni Gracie sa binatang boss. Ngunit ito pala ay isa sa mga anino ng kahapong nagtakwil sa kanya noon. Susubukin n’on ang pagkakalapit nila sa isa’t isa at lumalambot na puso sa kanya ni Oliver.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Danger Zone: Fight to Survive

Danger Zone: Fight to Survive

Habang papunta sa kanilang paaralan, ang dalawang magkaibigan ay nadatnan ang sariling tumatakbo sa gitna ng magulong kapaligiran. Isang experimento ang gumimbal sa boung Pilipinas at bumago sa buhay ng maraming tao at ang pagbangon ng mga patay na kumakain ng laman ng mga buhay. Sa gitna nito isang grupo ng mga kabataan ang tinadhanang magkatagpo upang tuldukan ang pandemyang bumalot sa sanlibutan.
Sci-Fi
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Dirty & Ruined: The Devil I Married

Dirty & Ruined: The Devil I Married

Isang kasal na itinakda ng kontrata. Isang gabing puno ng tukso. Isang lihim na babago sa lahat. Dahil sa desperasyon, napilitan si Seraphina Eloise Madrigal na pakasalan ang mayamang military officer na si Colonel Archimedes Carter. Sa halip na isang tahimik na buhay, natagpuan niya ang sarili sa gitna ng pang-aapi ng kanyang biyenan at ang muling pagbabalik ng first love ng kanyang asawa. Nang piliin ni Archimedes na alagaan ang ex nito, tuluyan siyang lumayo. Pero bago siya tuluyang makawala— isang gabi ng kapusukan ang nag-iwan sa kanya ng kambal. Pagkalipas ng ilang taon, isang lalaking puno ng pagmamahal at kabutihan ang dumating sa buhay niya, si Dr. Wyatt Carter, ang doktor ng kanyang anak. Sa wakas, may isang lalaking tunay na nagmamalasakit sa kanya. Pero isang matinding lihim ang hindi maitatago ng panahong lumipas. Pa’no kung ang dalawang taong nagparamdam sa kaniya ng magkaibang emosyon ay iisa? Ngayon, pipiliin ba niyang lumayo… o manatili sa lalaking may dalawang katauhan—isa na minahal niya at isa na minsang sumira sa kanya?
Romance
9405 viewsOngoing
Read
Add to library
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Pretend Bride

The Billionaire's Pretend Bride

chantal
Si Luke Andersons, isang bilyunaryo sa sektor ng luxury real estate, ay nasa ilalim ng matinding pressure na patatagin ang legacy ng kanyang pamilya. Nang makilala niya si Pia Barrington, isang waitress na may mga pangarap na maging chef at nahaharap sa mga kagyat na problema sa pananalapi dahil sa mga bayarin sa medikal ng kanyang lola at mga bayarin sa kolehiyo ng kanyang kapatid, ang kanilang buhay ay nagsalubong sa isang hindi inaasahang paraan. Si Luke ay nagmungkahi ng isang pekeng kasal kay Pia, na nag-aalok sa kanya ng pinansiyal na seguridad bilang kapalit ng kanyang tulong sa kanyang kinakailangan sa mana. Habang nilalalakbay nila ang kanilang pagpapanggap na relasyon, ang tunay na damdamin ay nagsisimulang lumitaw, na naglalagay ng kanilang kaayusan sa pagsubok. Ang kanilang gawa-gawang pagsasama ay magiging isang tunay na kuwento ng pag-ibig, o ang kanilang mga indibidwal na pakikibaka ay maghihiwalay sa kanila?
Romance
910 viewsOngoing
Read
Add to library
ENTWINED FATES WITH A MAFIA KING

ENTWINED FATES WITH A MAFIA KING

Amber_cloud00
Arabella Russo, isang simpleng babaeng lumaki sa payak na pamumuhay ang papasukin ang lahat ng marangal na trabaho para lang sa amang nakaratay sa ospital. Ngunit sa haba ng araw ng pananatili ng ama rito, napagtanto niyang kailangan niya nang kumapit sa patalim. Pikit-mata niyang tinanggap ang alok na malaking halaga ng pera kapalit ng one-night-stand kasama ang isang misteryosong lalaki. Matapos nito ay makakatanggap muli siya ng alok na maging personal maid. Lingid sa kanyang kaalaman, isa palang Mafia King na nagngangalang Alessio Conti ang kanyang pagsisilbihan. Makilala kaya nila ang bawat isa? At magawa naman kaya siyang mahalin ng binata na kilala bilang isang matapang, makisig at walang kinatatakutang leader ng malaking grupo ng sindikato? Anu-ano ang mga madidiskubre nila sa bawat isa na siyang gugulantang sa kanilang mga buhay? Magagawa bang mabago ng pag-ibig ang taong lumaki sa mundo ng karahasan?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Broken Past of a Billionaire

The Broken Past of a Billionaire

HeyYou
Ang nais lamang ni Jessica ay marinig ng buong mundo ang kanyang adbokasiya sa pamamagitan ng pagsali sa isang prestihiyusong beauty pageant. Ngunit nang siya ay nanalo bilang kinatawan ng Pilipinas ay hindi niya inaasahan ang nangyari sa kanyang buhay. Dinukot siya ng mga armadong grupo noong gabi pagkatapos ng coronation night. Ngunit ililigtas siya ng anak ng pinakamayaman sa Pilipinas na si Sebastian. Mahuhulog ang loob nito dahil sa kanyang angking kagandahan. May iniindang sakit pala ito at si Jessica ang makakatulong sa kanya. At sa huling talata ng nobelang ito ay masisilayan ang pag-iibigan ng dalawang tao.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Dahil sawa na si Thea sa pagbubunganga ng ina. Napilitang mag-abroad ang dalaga. Graduate siya ng BS Tourism. Sa isang construction company siya nakakuha ng trabaho sa Dubai. Maliban sa pag-o-opisina, on-call cleaner din siya. Isang araw, tinawagan si Thea ng kaibigan para maglinis ng unit ng boss nito. Sa isang hotel and casino nagtatrabaho ang kaibigan. Wala siyang hinihindian na part-time, kaya umo-oo kaagad siya. Hindi sukat akalain ng dalaga, na ang sikat na miyembro ng banda, na si Keith Hernandez pala ang kanyang kliyente nang gabing iyon. Kilala ito sa tawag na KH. Hindi niya maiwasang hangaan ito ng sobra. Sa loob ng dalawang buwan na pamamalagi ng binata, siya lang ang bukod tanging naglilinis at cook nito. At, sa maikling panahon na iyon, natutunan ni Thea na mahalin si Keith. Naisuko pa niya sa binata ang iniingatang perlas ng silangan, kahit na may iba itong minamahal. Hanggang kailan siya magiging rebound? Ano kaya ang gagawin ni Thea kapag nalamang ikakasal na pala ang binata sa iba?
Romance
1028.9K viewsCompleted
Read
Add to library
WAVES BENEATH THE SILENCE

WAVES BENEATH THE SILENCE

Tahimik. Mahiwaga. Perpekto sa paningin ng lahat. Si Celestine “Celle” Alvarado ay lumaki sa mundo ng kapangyarihan at kontrol. Pero isang gabi ang tuluyang gumulo sa kanyang buhay — isang gabi ng takot, pagtakas, at isang aksidenteng hindi niya kailanman malilimutan. Pagkalipas ng ilang taon, sa isang wild na party sa BGC, nakilala niya si Lorenzo “Renzo” Navarro — isang successful at guwapong businessman na may hawak ding mabigat na nakaraan. May galit siya sa dibdib, at isang misyon: hanapin ang taong muntik nang pumatay sa kanyang kapatid. Hindi nila alam, sa pagitan ng mapusok na halik at mainit na gabi, nakatali na pala ang mga puso nila sa isang trahedyang pinagtagpo sila noon pa man. Sa pagitan ng kasalanan at pagnanasa… Sa pagitan ng katotohanan at pag-ibig… Pipiliin ba nilang lumaban o tuluyang lamunin ng mga alon sa katahimikan?
Romance
528 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Love Resurrection

The CEO's Love Resurrection

Si Marcuz Villafuerte ay isang matagumpay na CEO at mapagmahal na ama sa kanyang anak na si Spencer. Sa kabila ng tagumpay, nakagapos siya sa alaala ng kanyang yumaong asawa, na nag-iwan ng malaking puwang sa kanyang puso. Ngunit isang gabi sa isang art exhibit, nakilala niya si Lennah Jane, isang gallery assistant na nagtatrabaho ng ilang part-time jobs para lamang makaraos. Agad siyang nahulog sa simpleng ganda at kabutihan ni Lennah, na may kakaibang pagkakahawig sa kanyang nasirang asawa. Habang palaging bumibisita si Marcuz sa gallery, lalong lumalalim ang kanyang damdamin kay Lennah. Ngunit hindi lang basta pagkahumaling ang nadarama niya—may misteryosong koneksyon sa pagitan nila na hindi maipaliwanag. Sa kabila ng masalimuot na nakaraan at pagkakaibang buhay, may damdaming umaalab sa puso nilang dalawa na tila may sariling daan ng pagtutuloy. Ngunit sa pag-usbong ng kanilang relasyon, napagtanto nilang maraming bagay sa kanilang mga buhay ang tila magkaugnay. Isa itong kwento ng pagmamahalan at pagkakahanap muli sa sarili—ng dalawang taong parehong may sugat sa puso na naghahanap ng paghilom. Ngunit handa bang harapin ni Marcuz at Lennah ang lahat ng pagsubok na kasama ng bagong pagmamahalan, lalo na kung ang kanilang nakaraan ang magbabanta sa kanilang kinabukasan?
Romance
1.2K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status