篩選
更新狀態
全部連載中已完成
排序
全部熱門推薦評分最新更新
Bon Appetit

Bon Appetit

MIKS DELOSOSteamyContemporaryBillionaireArrogantCEOAffairContract MarriageDivorce
Sa mundo ng mga trillionaire, hindi sapat ang pera upang makuha ang lahat—ngunit para kay Fortuna Han, isang pastry chef na lumaki sa simpleng buhay, kaya niyang gawin ang lahat, kahit pa ito’y maging kasalanan, basta’t mapasakanya ang lalaking matagal na niyang minamahal. Si John Tan, isang brilliant, CEO ng isang IT company, cold-hearted computer engineer at tagapagmana ng pinakamalaking business empire sa bansa, ay may isang pangakong kailangang tuparin—ang mapangasawa si Senyora Abedida, ang tanging babaeng tinatangi niya simula high school. Ang mundo nila ay naaayon sa isa’t isa, at walang puwang para sa isang babaeng tulad ni Fortuna. Ngunit hindi iyon naging hadlang kay Fortuna. Sa isang mapanganib na laro ng pag-aakit, pagsisinungaling, at panlilinlang, ginawa niya ang lahat upang maagaw si John mula kay Senyora. At nang tuluyan niyang nakamit ang lalaking matagal na niyang inibig, isang hindi inaasahang rebelasyon ang bumulaga sa kanya—matagal na palang nakatakda ang kasal nila ni John dahil sa isang arranged marriage na pinlano ng kanilang mga pamilya noon pa man. Dahil sa galit at panlilinlang, si John ay napilitang pakasalan si Fortuna sa ilalim ng isang kontrata—dalawang taon lamang silang magiging mag-asawa, at pagkatapos noon, tuluyan na siyang mawawala sa buhay nito. Para kay John, ito ay isang laro ng kapangyarihan. Para kay Fortuna, ito ang katuparan ng kanyang pangarap. Ngunit paano kung sa gitna ng kasunduang ito, may isang gabi ng kapusukan ang tuluyang magtatali sa kanila magpakailanman? Paano kung ang babaeng itinuring niyang mang-aagaw ay siyang magbibigay sa kanya ng bagay na hindi niya kailanman inakala—isang anak? At paano kung sa paglipas ng panahon, ang malamig na poot at galit ni John ay unti-unting mapalitan ng isang damdaming pilit niyang nilalabanan? Si Senyora Abedida, na hindi kailanman papayag na maagaw si John nang ganoon lang.
103.8K 閱讀量已完成Added to Library 79 Times as sapat lyrics
閱讀
+書庫
TRAPPED BY ALLEJO

TRAPPED BY ALLEJO

Ambisyosa22
Allejo is well-known as one of the powerful clan, sa Probinsya ng Cagayan Juancho Juno Allejo, panganay na anak ni Don Allejo at Donya Ceress. Marami ang nagtataka dahil hindi kalayuan ang edad ng mag ama. Edad labing apat ay nabuntis ni Don Allejo ang naging kabiyak. Ngunit alam nila sa puso nila walang pagmamahal doon kahit sinubukan nila. Dumaan ang panahon, nagkaroon ng ibang babae ang batang Don. Sa edad labing lima ni Juno ay pumanaw ang ina nila ni Migo, napuno ng galit ang puso nito at nangako na hahanapin ang babae na sumira sa pamilya n'ya. All along akala ng binata perpekto ang pamilyang kinabibilangan. Matapos ang pagkawala ng ina ay na buhay ang ibang katauhan ni Juno. Malamig, malayo at mabagsik sa mga kababaihan pero sa likod nito naroon ang kababata na si Kim. si Xhymich hangad lang ay simpleng buhay. Ngunit para sa magulang ng dalaga hindi sapat ang simple lang. Kaya sa mismong araw na itinakda na kasal ng dalaga ay tumakas ito. Ngunit ang akala n'yang hero na tumulong sa kanya ay ang mas magkukulong sa mabagsik at marahas na mundo. Pigilan man niya ang kanyang damdamin ay sa pagmamahal pa rin nauwi. Pilit mang saktan s'ya ng lalaki ay pag-ibig pa rin ang hiyaw ng puso niya. Ang isa nga bang pagkakamali ay maitutuwid ng isa pang pagkakamali? Kung nakakasakit ba ang pagmamahal dapat na bang tigilan? O ang pagmamahal kaya ng dalaga ang gamot sa lahat ng galit at poot na inipon ng binata? O baka nga si Kim ba na kababata at matagal ng nag aabang sa atensyon at pagmamahal ni Juno ang tunay na nakatakda?. " Hindi man ako ang una, ako naman ang magiging huli. Para lang sa akin ang panganay na Allejo" Mga katagang binitawan noon ni Kim.
101.4K 閱讀量連載中Added to Library 44 Times as sapat lyrics
閱讀
+書庫
THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER

THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER

BatinoDark RomanceDramaFirst-Person POVHeir/HeirnessBillionaireNannyFlash MarriageLove-TrianglePregnant
Ako si Vera Mendoza, tatlumpu’t dalawang taong gulang, isang single mother na buong pusong lumalaban para sa anak ko. Matagal nang nawala sa buhay namin ang lalaking nangako noon ng pagmamahal—ang lalaking nakabuntis sa akin at iniwan akong mag-isang pasan ang responsibilidad. Dahil sa hirap ng buhay, napilitan akong iwan muna ang aking sanggol sa pangangalaga ng kapatid ko habang naghahanap ako ng trabaho sa Maynila. Akala ko, iyon na ang simula ng bagong buhay. Akala ko, sapat na ang sipag at tiyaga para makabangon kami ng anak ko. Pero mali ako. Sa unang araw ko bilang katulong sa isang marangyang mansyon, bumagsak ang mundo ko nang makilala ko ang anak ng aking amo. Siya si Draven Villareal. Ang lalaking minsang nangako sa akin ng habang-buhay… at ang lalaking sumira sa akin. “Nasaan ang baby mo?!” malamig niyang tanong habang nanlilisik ang mga mata. “Pinalaglag mo ba?” Napapailing akong umatras, pilit pinipigilan ang sakit na muling bumalik sa dibdib ko. “Please… layuan mo ako. Hindi ako pumunta rito para manggulo—” “Para ano?” putol niya, puno ng galit ang boses. “Para ipahiya ako sa parents ko?!” “H-Hindi gano’n! Mali ang iniisip mo!” nanginginig kong sagot. “Nagpunta ako rito para mabuhay ko ang anak ko… ang anak nating iniwan mo sa akin!” Ngunit bago pa man ako tuluyang durugin ng kahihiyan, isang boses ang biglang umugong sa buong sala. “So that’s the reason?” Lumingon kami pareho kay Savannah—ang magandang fiancée ni Draven. At sa gabing akala ko ay tuluyan na akong mawawasak, isang bagay ang hindi ko inaasahan. Ang ama mismo ni Draven ang tumayo para ipagtanggol ako. “Stop bullying your future stepmother!” Sa isang iglap, nabaligtad ang lahat. At paano kung ang tahanang pinasukan ko bilang katulong… ay siya palang magiging tahanan ko bilang bagong Mrs. Villareal?
9.71.2K 閱讀量連載中Added to Library 36 Times as sapat lyrics
閱讀
+書庫
上一章
1
...
101112131415
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status