Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)

Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)

Isang CEO na isa rin sa mga pinuno ng mga sundalo, nakipag-kontrata ng kasal sa isang inosenteng babae. Dumaan ang ilang buwan ay unti-unti silang nahulog sa isa't isa. Subalit, bumalik ang kanyang Ina at ginawa ang lahat upang mawala sa buhay ng kanyang anak ang inosente na babae. Ngunit, walang ibang nagawa ang CEO kundi ang ipaglaban ang babaeng iniibig niya. Subalit, dumating sa puntong pinagtangkaan ng kanyang Ina ang buhay ng iniibig nito. Magagawa pa rin bang manatili ng CEO sa tabi ng iniibig niya? O pakakawalan na lamang niya para sa kaligtasan?
Romance
9.92.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)

Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)

Hindi alam ni Cheska Vega kung kamalasan ba o tadhana ang naglapit sa kanya sa apat na gwapong propesor ng campus. Ang plano lang niya ay makatapos nang tahimik, pero napasok siya sa isang lihim na set up na puno ng tukso at bawal na pagnanasa. Ngunit paano kung sa gitna ng larong bawal ang puso, siya mismo ang unang madapa? Sa bawat araw na lumilipas, mas nahuhulog siya sa apoy ng kanilang lihim na relasyon. Ang mga lalaking dati’y simpleng pantasya lang, unti-unti nang nagiging sentro ng kanyang mundo. Ngunit sa likod ng halakhak at init, hanggang kailan niya kakayaning itago ang kasalanang ito? At sa apat na lalaking nagturo sa kanya kung paano magmahal sa paraang bawal… sino ang pipiliin ni Cheska sa dulo ng lahat ng tukso?
Romance
345 viewsOngoing
Read
Add to library
His Heir, My Son

His Heir, My Son

Calixto Cortez III
Marissa was only eight when her mother sold her. Hikaos sila sa buhay kaya kailangan ng kanyang ina na dumeskarte. Nabenta siya ng kanyang ina sa halagang tatlong daang libo sa mag-asawang nangangarap magkaroon ng anak. Akala nya ay magiging masaya na siya sa buhay dahil sa yaman ng mga bumili sa kanya, lingid sa kaalaman niya ay pinagkasundo siyang ipakasal sa lalaking di nya kilala. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis si Marissa ng isang lalaki na kinamumuhian nya. Kilala ni Marissa ang lalaki dahil madalas nyang makita ito sa mga business meeting ng kanyang mga adoptive parents. Nang mabalitaan ng kanyang adoptive parents ang nangyari sa kanya ay pinalayas nila si Marissa sa kanilang pamamahay. Bumalik sya sa kanyang tunay na pamilya dala-dala ang sanggol sa sinapupunan.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Forbidden Flame

Forbidden Flame

Alam niyang mali, pero hindi kayang pigilan ng puso niya. Si Yanna, lumaki sa marangyang mundo ng mga Del Rosario—isang pamilyang kilala sa yaman at kapangyarihan. Pero sa likod ng bawat ngiti ay mga lihim na hindi dapat mabunyag. At sa gitna ng kaguluhan, nakilala niya si Lucien—ang tahimik, mapanganib, at misteryosong anak sa ikalawang asawa ng kanyang lolo. Ang lalaking dapat ay ituring niyang pamilya… ngunit siya rin ang lalaking nagturo sa kanya kung gaano katamis at kasakit ang bawal na pag-ibig. Isang gabing puno ng pagnanasa ang nagbago sa lahat. Ngayon, isang taon na ang lumipas, dala ni Yanna ang isang lihim na magpapabagsak sa buong pamilya nila—ang bunga ng kasalanang hindi na niya matatakasan. Sa pagitan ng pag-ibig at pagkakasala, alin ang pipiliin niya? Ang itago ang katotohanan… o ang ipaglaban ang apoy ng pag-ibig na pinagbabawal ng mundo?
Romance
102 viewsOngoing
Read
Add to library
The Proposal

The Proposal

Kimberly De Leon
Si Alex Rivera ay isang Assistant Writer sa isang Television Company. Pangarap niyang makapagsulat ng sarili niyang drama at makilala rito. Mabait, pursigidong maabot ang pangarap, at mabuting anak sa mga magulang. Tutol ang ama ni Alex sa pagiging writer niya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay kinakailangan niyang umalis sa tinitirahan niya. Kailangan niyang humanap ng bagong niyang matitirahan kung hindi ay pauuwiin siya ng kanyang ama sa probinsya at patitigilin siya nito sa pagsusulat. Nakahanap siya ng taong naghahanap ng housemate sa tulong ng kaniyang kaibigan. Lumipat agad siya sa bahay nito ng hindi inaalam ang ibang detalye sa magiging kasama niya. Dahil sa magkasalungat na lifestyle ay hindi sila nagkikita ng housemate niya. Isang araw ay nalaman niya na lalaki pala ang housemate niya. Lalaki? Paano, isang babae at isang lalaki sa iisang bahay? Paano kapag nalaman ito ng kanyang ama? Paano ang kaniyang mga pangarap? Dahil sa pagiging desperado ay tinanong niya ang lalaki " Pwede mo ba akong pakasalan?"
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Hot Professor Arthur

Hot Professor Arthur

Magdalena Perez, isang mask dancer at college student, ay napilitang pumasok sa ganoong trabaho matapos silang iwan ng kanyang ama at para matustusan ang gamot ng inang may sakit sa puso. Isang gabi, natagpuan niya ang sarili sa harap ni Professor Arthur, ang guro niyang lihim na may paghanga sa kanya. Sa kabila ng takot na mabunyag ang kanyang trabaho at mawala ang scholarship, pumayag siya sa isang alok ng club owner kapalit ng malaking halaga para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakala na si Professor Arthur pala ang lalaki sa gabing iyon.
Romance
345 viewsOngoing
Read
Add to library
GAVIN

GAVIN

Isang malaking problema ang kinahaharap ni Ellise, may sakit kase ang Ama nya at malaki na ang nagagastos sa pagpapagamot sa ama, naisangla narin lahat ng mga mga ari-arian na napundar ng Ama, pati ang bahay at lupa nila sa San Miguel ay nanganganib ng mawala sa kanila, kaya naman gagawin ni Ellise lahat para lang huwag mawala ang bahay at lupa nila at baka lalo lang malagay sa panganib ang buhay ng ama. Pumayag sya sa halok ng handler na tumatayong Manager nya sa pagmomodelo na ipakilala sa mga mayayaman sa industriyang ginagalawan nya na maaaring makatulog sa kanya sa pinasyal. Dahil na rin sa panggigipit sa kanila ng pinagkakautangan nila ay pumayag sya sa halok na trabaho ng kanyang Manager. Yun ay ang ibenta ang sarili sa mayamang matanda na nagka interes daw sa kanya si Mr. Pangilinan na isang matandang mayaman na halos iilan nalang ang buhok sa ulo at malaki pa ang tiyan, pero dahil nga sa pera ay hindi sya makaayaw.Ngunit sa gabi ng pagkikita nila ni Mr. Pangilinan ay hindi ang inaasahan nyang Mr. Pangilinan ang andoon sa hotel. Kundi isang makisig na lalake,matangkad, gwapo, malakas ang dating, maganda ang pangangatawan, malayong-malayo sa Mr. Pangilinan na nakita nya sa larawan. Gavin Saavedra yan ang pakilala ng lalaki sa kanya. Nagtataka sya dahil sa gwapo at lakas ng sex appeal nito ay pinili nitong gumastos ng milyon makatalik lang ang isang tulad nya.
9.7117.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Unfulfilled Love

The Billionaire's Unfulfilled Love

Pagmamahalang langit at lupa. Ganyan kung ilarawan ni Hershey Mae Mendoza ang pangalawa niyang pag-ibig na si Frich Yuan Lim Guerrero, pinsan ng dati niyang kasintahan na si Alex. Kabilang lamang sa ordinaryong pamilya sa probinsya ng Cavite si Hershey. Mula naman sa kilalang angkan ng mga bilyonaryo sa China ang pamilya ni Yuan kaya malaki ang pagtutol ng mga magulang nito sa pagmamahalan ng dalawa. Para sa mga magulang ni Yuan, ay dapat mayamang babae rin ang makatuluyan niya na salungat sa estado ng buhay ni Hershey, kaya naging malaking hadlang ang mga ito sa kanila. Nagsimula ang istorya nila Hershey at Yuan nang magkaroon ng pagkakataong mag-aral ang dalaga sa De La Salle University-Dasmariñas, isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas na tanging mayayaman lamang ang may kakayahang makapag-aral. Sa pag-aakala ni Hershey na si Alex na ang kanyang tunay na pag-ibig ay nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pagkabigo nang magkasakit ito sa puso at napili siya nitong iwan at umalis ng bansa. Nagkahiwalay sila at doon niya nakilala si Yuan, na nabigo rin sa kanyang dating pag-ibig na si Hani. Nagtagpo ang landas nila Hershey at Yuan sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging sandalan nila ang isa’t isa at hinilom ng pagmamahalan nila ang mga puso nilang labis na nawasak. Subalit ang relasyong unti-unting nabuo ay nagdulot lamang ng napakaraming balakid. Paulit-ulit kasing pinamumukha ng kapalaran sa dalawa ang agwat ng estado nila sa buhay at ng mga taong nais manggulo sa kanilang pag-iibigan, mga trahedyang hindi inaasahan at pag-asang panandalian lang. Paano kung bumalik ang pag-ibig nila mula sa nakaraan, at handang kalabanin ang kasalukuyan? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan? Patuloy pa rin kaya silang kakapit sa pag-iibigang pinagbabawal? O hahayaan nalang nilang sumaya ang isa't isa sa piling ng iba?
Romance
104.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him

Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him

Nang sandaling malaman ni Hiraya ang pagtataksil at pagsisinungaling ng kan’yang nobyo na si Jack sa kababata nitong si Rosamie, labis na nasaktan si Hiraya ng sobra tila ba nadurog ng pino ang kan’yang puso nang piliin pa ng kasintahan ang kababata nito kaysa sa kan’ya. Dahil sa epekto ng alak ay naglakas-loob siyang puntahan ang kwarto ng kaibigan ng kan’yang nobyo na si Reyko Takahashi, isang sikat at magaling na doktor sa buong Asya. Matapos ang mainit na gabing pagtatalik, alam ni Hiraya na sa mga mata ng lalaki ay isa siyang maruming babae at hitad na kumakapit sa iba’t-ibang lalaki. Pinulot ng lalaki ang mga damit niya at inihagis iyon sa kan’ya. “Umalis ka na sa kwarto ko.” Nagulat si Hiraya ng ihagis nito ang panty niya’t sapol na sapol iyon sa kan’yang mukha. “Naiwan mo. Too cheap, it's not worth it to keep it.” Halata sa boses ng binata ang pagka sarkastiko at panunuya.
Romance
1013.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Sweet Lie To A Billionaire

Sweet Lie To A Billionaire

Daylan
Dahil sa kahihiyang inabot ng mga magulang ni Thea sa gabi ng engagement nila ni Neil ay itinakwil at itinapon siya ng mga magulang niya sa ibang bansa. Five years later, nagbalik siya sa Pilipinas na lingid sa kaalaman ng mga magulang niya at kasama niya ang kambal niyang anak na naging bunga ng isang gabing pagkakamali niya. Nang makita ni Thea na kamukha ng isa sa kanyang fraternal twin ang CEO ng pinagtatrabahuhan niyang hotel na si Nathan Oxford ay gumawa siya ng kasinungalingan. Lakas-loob na ipinakilala niya sa binata ang kanyang mga anak at sinabing ito ang ama ng kambal niya. Dahil do'n ay pumasok sila ni Nathan sa isang contract marriage na sa kalaunan ay naging totohanan na. Ngunit paano kung malaman ni Nathan na nagsinungaling lamang siya rito para magamit niya ang koneksiyon nito sa paghihiganti niya sa mga taong nakagawa sa kanya ng malaking kasalanan? At paano rin kung malaman niya na si Nathan ay ang kinamumuhian niyang lalaki na naka-one-night-stand niya at naging dahilan kung bakit siya itinakwil ng kanyang mga magulang?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status