A Writer's Romance (Filipino-English)

A Writer's Romance (Filipino-English)

By:  Youniqueen  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
5 ratings
33Chapters
9.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Hindi matanggap ni Syler ang harap-harapang pagtataksil na ginawa sa kanya ng lalaki na una niyang minahal. Of course, she wanted to get even with her ex-boyfriend. Hindi siya makapapayag na hindi ito magantihan matapos siya nitong huthutan ng malaking salapi. Isa sa naisip niyang paraan para makaganti ay siraan ito sa mga nobelang sinusulat niya. Magpakalunod sa alak ang naging solusyon niya sa unang kabiguan sa pag-ibig, ngunit nang mahimasmasan ay doon lang niya napagtanto na nasa ibang kuwarto na siya. It was Rusty Vergara's unit for holy heaven sake! Hindi niya akalain na sa katauhan nito ay madali niyang maipapamukha sa kanyang ex-boyfriend na sa isang kisapmata lang ay kayang-kaya niya itong ipagpalit. Pero sabi nga nila magaling maglaro ang tadhana. Kaya kung makikipaglaro ka rito, siguraduhin mong matalino ka para hindi ka uuwing luhaan sa huli. "We won't fall in love to each other." Ito pa ang natatandaan niyang sinambit niya nang buong tapang. Ano'ng nangyari? Kinain niya lahat nang sinabi niya, dahil isang araw nagising na lang si Syler na gusto na niya ang binata. It was not a part of their deal. Wala man iyon sa plano niya ay handa na siyang sumubok magmahal muli. 'Yon nga lang ay hindi siya naging handa sa panibagong kamalasan na darating. Yes, she's a romance writer. Umiikot sa usaping pag-ibig ang mga sinusulat niya. Pero dahil sa kabiguan din sa pag-ibig ay ayaw na niyang maniwala na nag-eexist pa ang happy ending, kung hindi rin naman siya ang magiging heroine ni Rusty sa totoong buhay.

View More
A Writer's Romance (Filipino-English) Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Romelyn Cenas
I like the story...😍
2021-05-26 08:03:11
1
user avatar
SATOU, D.
I got some nose bleeds. But hell yeah it was good. 8 for the characters. 9 for the story. Note: I just read 2 chapters. Overall almost 10. Dad didnt like me to bevome a writer also. So sad.
2020-09-05 17:58:27
1
user avatar
Rachelyn Arcusa Chalan
pls upload the next chapter super kikig
2020-08-08 22:34:23
1
user avatar
@aesthetic_calista
Love it!!!
2020-08-04 02:34:03
2
user avatar
Martina Mangondato
more please
2020-08-03 15:02:23
1
33 Chapters

Chapter 1

CHAPTER 1 “DAD, you’re forcing me to do something I don’t want to do,” mahinang angil ni Syler habang nasa harap ng hapag-kainan kasama ang kanyang mga magulang.“Syler,” biglang saway ng kanyang ina na nangungusap pa ang mga mata. Sa tingin nito ay para bang sinasabi na pagpasensyahan na lang muna ang kanyang ama. Gustuhin man niyang manahimik ay hindi na rin niya natiis na sumagot dahil palagi na lang siya nitong pinipilit na sa ibang bansa na lang manirahan upang siya na ang magpatakbo ng negosyo nila roon. Ang problema nga lang ay hindi niya gustong mamalagi nang matagal sa ibang bansa dahil nandito sa Pilipinas ang buhay niya. Hindi siya sanay manirahan doon. Pinagbigy
Read more

Chapter 2

CHAPTER 2 “BIGYAN mo nga ako ng pinakamatapang na inumin niyo rito!” anas ni Syler sabay lagok ng hawak niyang baso na puno ng alak.Napakamot sa ulo ang bartender na nagse-serve ng drinks sa kanya. “Ma’am, pasensya na pero iyan na po kasi ang pinakamatapang na drinks namin.”Humigpit ang hawak niya sa baso habang nanggigigil at pinanlakihan niya ito ng mata. “Ano pa’ng silbi ng pagiging bartender mo kung hindi ka naman marunong mag-imbento?!” singhal niya na ikinagulat nito at halatang natakot. “Hala, sige, igawa mo ako! Magbabayad naman ako!”Sunod-sunod ang naging pagtango nito at mukhang namutla pa dahil sa pagtaas ng boses niya. “Sige po, Ma’am.”Hindi niya gustong ibunton dito ang inis na nararamdaman niya. Hindi lang talaga niya mapigilan ang sarili. Muli niyang binalingan ang bagong salin na alak sa kanyang baso at pinan
Read more

Chapter 3

CHAPTER 3 SA NGAYON ay sapat na kay Syler ang ginagawa niya sa mga ito. Sa palagay niya naman ay nasira na niya ang reproductive system ng herodes niyang ex-boyfriend at madadala na rin ang haliparot na ‘yon!“Humanda ka,” bulong niya sa sarili. Hindi pa siya tapos. Ni hindi pa nga siya nagsisimula. Patikim pa lang iyon. Hindi siya makakapayag na binasura lang nito ang puso niya. Mas lalong hindi niya matanggap na ginawa pa talaga siya nitong sugar mommy. Ipapamukha niya sa herodes niyang ex-boyfriend kung ano’ng sinayang nito.Bumalik siya sa reyalidad at bumuntong hininga. Pinipilit niya ang sariling huwag na ulit umiyak. Hindi dapat pinag-aaksayan ng luha ang mga gano’ng klase ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit masyadong mababaw ang luha niya. “I can’t believe I’m crying over someone like him. He’s not even worth a single tear from me!” Marahas niya
Read more

Chapter 4

CHAPTER 4 KINAUMAGAHAN ay masigla at magaan ang pakiramdam ni Syler pagmulat niya ng kanyang mata. Para bang ang tagal niyang hindi natulog at ngayon lang siya nakapagpahinga nang matagal. Ni ayaw na nga niyang bumangon pa mula sa pagkakahiga. Gustong-gusto niya ang lambot na kama na kanyang hinihigaan. Napangiti siya bago niyakap ang unan sa kanyang tabi. Naalala niyang nagpunta siya sa isang bar kagabi. “Buti na lang nakauwi pa ako.” Biglang kumunot ang kanyang noo. “Pa’no kaya nangyari ‘yon?”Unti-unting niyang inilibot sa kabuuan ng silid ang kanyang mata. Naalarma siya at biglang napabalikwas ng bangon nang mapansing hindi pamilyar ang lugar na kinaroroonan niya.Muli niyang hinagod ng tingin ang kabuuan ng silid na iyon. Halos manliit siya nang mapagtantong hindi talaga sa kanya ‘yon. Ibang kuwarto iyon. Base sa kulay at sa mga kagamitan na kanyang nakikita ay lalaki ang
Read more

Chapter 5

CHAPTER 5 NATIGILAN si Syler sa paghilamos ng kanyang mukha gamit ang dalawa niyang kamay nang mapansin na mas lalong gumuhit ang pilyong ngiti sa labi ni Rusty. Tiningnan niya ito nang pagkasama-sama. Hindi niya tuloy napigilang isipin na nagustuhan nito ang nangyari sa kanila dahil mukhang masaya pa ito, samantalang siya ay balisang-balisa na. “Nakukuha mo pa talagang ngumiti?” ‘di makapaniwalang bulalas niya. “Calm down, Sy.” Mas lalong tumalim ang tingin na binibigay niya rito. Hindi niya alam ang salitang kalma ngayon. “Kung sakali naman na may nabuo tayo, paninindigan kita,” kaswal lang na sambit nito. “Hindi kita tatakbuhan.”
Read more

Chapter 6

CHAPTER 6 “DO YOU work here?” gulat na bulalas ni Leinard nang makita siya nito sa loob ng building ng Vergara Holdings. “Welcome, Miss Lim,” nakangiting bati ng isang empleyado.“Thank you!” masayang sambit ni Syler. Nang muli siyang bumaling sa damuho niyang ex-boyfriend ay nginitian niya ito nang pagkatamis-tamis. Hinihiling niyang maumay ito. “Yes. Aren’t you happy to see me again? Hmm?” mapang-inis na tanong niya rito.  “To be honest, no.”“Bitter,” nakangising sambit niya.Don’t waste your precious time, Syler. Ngayon ang unang araw ng trabaho niya bilang personal secretary ni Rusty tulad ng napagkasunduan nila. Lubos na ikinasaya ng ama ni Syler nang malaman na nagtatrabaho na ulit siya. Her father’s wish fulfilled. Mas lalo nitong ikinatuwa nang malaman na sa kompanya
Read more

Chapter 7

CHAPTER 7 NANG makapasok na si Syler sa opisina ni Rusty ay siya na mismo ang kumalas sa pagkakahawak nito sa kamay niya. “Bakit hindi mo sinabi na maaga ka pa lang makakauwi? Akala ko pa naman mga 9:00 pm ka pa darating.”Umangat nang konti ang gilid ng labi nito. “Kung sinabi ko ba sa ‘yo, susunduin mo ‘ko?”She rolled her eyes heavenwards. “Hindi ‘no!” He chuckled. Uminit tuloy ang kanyang pisngi. Wala naman talaga siyang balak na salubungin pa ito. “Pagkauwing-pagkauwi mo dito ka agad dumiretso. Sana nagpahinga ka na lang muna sa unit mo tutal half-day lang naman ngayon.”“Nangako ako sa &ls
Read more

Chapter 8

CHAPTER 8 “NEXT WEEK na ang deadline ng nobela mo, girl!” ani ng kaibigan ni Syler na si Riri sa kabilang linya. Tumawag ito upang mangamusta sa bago niyang trabaho. Madalang na rin kasi silang magkita dahil bihira na siyang makadaan sa publishing company kung saan ito nagtatrabaho. She was a writer as well. Tinagurian na nga itong best-selling writer ngayon. Patok na patok kasi sa masa ang mga nobelang ginagawa ng kanyang kaibigan. Hindi niya maitatangging epektibong manunulat ito dahil halos lahat ng genre ay gamay na nitong isulat. Lalo na ang romantic-comedy na masasabi niyang forte nito. Maging siya ay palaging nag-aabang sa mga nobela na isinusulat ng kanyang kaibigan.Samantalang siya ay romance na nga lang hirap na hirap pa. Masayang-masaya siya para kay Riri dahil kahit sikat na ito ay nananatili pa rin na nakasayad sa lupa ang mga paa nito. Para sa kanya ay karapat-dapat talagang bigyan ng gano’ng
Read more

Chapter 9

CHAPTER 9 BIGLANG hinatak ni Leinard ang kamay ng haliparot nitong girlfriend palayo kay Rusty. “Stay away from my girlfriend!” nanggagalaiting bulalas nito.Nakipagtagisan din nang titigan si Rusty kay Leinard na bakas ang pinipigilang galit sa mukha. Para bang ano mang oras ay magpapang-abot na sila.Naalala niyang alam na nga pala ni Leinard na si Rusty ang CEO ng Vergara Holdings. Hindi na siya nagulat na nalaman din nito agad pero may nakapagsabi sa kanya na hindi ito makapaniwala sa nalaman. Magbuhat nang nalaman nito iyon ay hindi man lang ito humingi ng despensa kay Rusty dahil sa pagiging walang modo nito. Para bang nagmamataas pa ang herodes. Ni hindi nga niya ito kinakakitaan ng takot sa tuwing magkakaharap ito pati na si Rusty. Malakas ang loob nito dahil malapit ito sa Daddy ni Rusty. Pakiramdam nga niya, kung hindi lang dahil gusto niyang gantihan ito nang paunti-unti ay matagal na itong tinan
Read more

Chapter 10

CHAPTER 10 PARANG gusto na lang lumubog ni Syler mula sa kinatatayuan nang makita si Rusty na nakatayo sa hamba ng pintuan habang mamatay-matay sa katatawa. “You’re gonna give me a heart attack!” singhal niya rito. Mas lalo pa itong natawa. He was wiping tears from his eyes when he finally calmed down. Tumindi pa tuloy ang pag-iinit ng kanyang buong mukha. “Kanina ka pa ba r’yan?”“Uh-huh.”Sinamaan niya ito ng tingin. Nakuha kasi nito ang isang susi ng condo unit niya at ayaw na ibalik. Iyon ang dahilan kung bakit malaya itong nakakalabas-masok sa unit niya. Nagtataka nga siya dahil ibinigay din nito ang spare key ng condo unit nito sa kanya kahit hindi naman niya hinihingi. “Hindi talaga uso sa ‘yo ang privacy ‘no?” sarkastikong saad niya bago ito inirapan.Hindi ito sumagot sa halip ay tinitigan lang
Read more
DMCA.com Protection Status