Napakagaling naman talaga. Hindi makakakita ng kahit anong pagkakamali si Madeline sa ibinigay na palabas ni Meredith.Hindi nga lang inasahan ni Madeline na buntis rin si Meredith.Subalit, anak ba ni Meredith ay talagang kay Jeremy?Naalala ni Madeline na iba ang kasama ni Meredith sa gabing iyon matapos magkamali ng pinasukang kwarto. Kung talagang buntis siya, mukhang kailangan pa nilang pag-usapan kung sino talaga ang ama.Gayon pa man, hindi naman maitatanggi ni Madeline na kasama nito lagi si Jeremy sa gabi.Nang maisip niya ito, lalo pang kumalat ang sakit sa kanyang puso patungo sa kanyang buong katawan.Subalit, hindi ito maikukumpara sa sakit na naramdaman niya nang makitang hagkan ni Jeremy si Meredith nang mahinahon at puno ng pag-aalala.Tinakpan ni Meredith ang kanyang mukha at umiyak nang nakakaawa.“Jeremy, huwag mong sisihin si Maddie. Kasalanan ko ang lahat. Hindi dapat ako nahulog sa iyo. Sa kabilang banda, umaasa akong makausap mo si Maddie para hindi niya
Hindi maganda ang pakiramdam ni Madeline tila ba hinihiwa ang puso niya ng ilang libong kutsilyo. “Jeremy, nagsasabi ako ng totoo!”“Para sa akin, wala nang mas mahalaga kaysa sa nararamdaman ni Meredith. Ano bang basura ang pinagsasabi mo?”Hindi makapaniwala si Madeline sa sinabi nito. Dire-diretso itong sumaksak sa puso niya na bang isang matulis na sandata.Sa kanya, hindi mahalaga ang katotohanan. Ang mahalaga sa kanya ay si Meredith at wala na siyang paki sa iba.Lumubog ang puso niya na para bang isang bato. Tila ba nawala ang lahat ng kanyang pag-asa sa lalaking ito.Ngumiti si Madeline nang malungkot at sinabing, “Sige, hihingi ako ng tawad.”Tiniis niya ang sakit ng kanyang katawan at agad na yumuko upang humingi ng tawad kay Meredith.Nakita niyang suminghal si Meredith. May matagumpay na ngiti ang nakadikit sa mukha nito.Hindi niya talaga akalaing walang paki si Jeremy sa katotohanan para lang kay Meredith. Ang tanging dahilan ay ang pagmamahal niya rito. Masyado n
Kung hindi tumunog ang alarm clock sa sumunod na umaga, hindi sana magigising si Madeline.Namula ang mukha niya nang maalala niya kung ano ang sinabi at ginawa niya kay Jeremy habang lasing siya.Pagbalik ng opisina, wala sa isip na nagtatrabaho si Madeline sa kanyang mga disenyo. Hindi niya ma-i-alis sa kanyang isip ang anino ni Jeremy.Labindalawang taon na. Imposible namang mapapakawalan niya ang ganitong klase ng pagmamahal balang araw.Hinawakan niya ang kanyang tiyan nang hindi namamalayan. Kung posible, gusto niyang bigyan ng perpektong pamilya ang bata.“Ding!”Biglaan, isang notification ang tumunog sa kanyang cellphone na siyang nagbalik sa kanya sa realidad.Tinignan niya ito at nakita niya ang isang mensahe. Galing ito kay Jeremy!Nagsimulang tumibok ang puso ni Madeline nang walang tigil. Lalo pa itong nanginig nang buksan niya ang mensahe.Ang unang nakita ay isang larawan. Isa itong larawan ni Madeline at Meredith. Kuha ang litratong ito nang ampunin siya ng Cr
Bumalik si Madeline sa walang taong villa nila at inisip niya na ang tungkol sa divorce papers na sinasabi ni Jeremy. Nananakit ang kanyang puso na tila ba hinihiwa ito ng isang kutsilyo.Hindi niya akalaing gano’n lebel pala ang galit ni Jeremy sa kanya. Masyado itong walang puso para sabihin sa kanyang ipalaglag ang bata.Natatakot si Madeline. Kung gusto talaga itong gawin ni Jeremy, ano ba ang dapat niyang gawin?Sa pagkakataong ito, may maririnig na mga ingay sa pinto. Nakabalik na si Jeremy. Nakatayo ito nang tuwid at mukhang elegante.Nagulantang si Madeline, subalit mas kinakabahan siya.Natatakot siyang gustong ipalaglag ni Jeremy ang bata. Subalit, sa kanyang sorpresa, walang sinabi si Jeremy tungkol sa divorce o abortion. Sa kabilang banda, sinabihan lamang siya nito na samahan siya sa Whitman Manor bilang kanyang asawa sa araw ng ika-50 na kaarawan ng nanay niya.Ikinagulat ito ni Madeline. Ibig sabihin b anito ay sinusubukan niyang tanggapin si Madeline?Subalit, ag
Nagulantang si Madeline. Talagang nablangko ang isip niya.“Maddie, Maddie.”Matapos ang ilang sandal, narinig ni Madeline na may tumatawag ng kanyang pangalan.Nakabalik siya sa kanyang kamalayan nang makita ang pamilyar na mukha nito. Siya ang nag-iisang best friend nito, si Ava Long.Tinignan ni Ava si Madeline na talagang maputla; nagalit siya at nag-alala. “Madeline, ang sama mo. Hindi mo man lang sinabi sa akin ang malaking balita na ito?”Naguluhan si Madeline. “Bakit ka pala andito, Ava?”“Ikaw naman. Tinawagan mo ako kagabi, pero bago ka pa matapos magsalita, nahimatay ka na.” Hinawakan niya ang noo ni Madeline habang nagsasalita. “Madeline, nawalan ka ba ng alaala.”Syempre, hindi naman nawalan ng alaala si Madeline. Naalala niya pa ngang sinakal siya ni Jeremy bago siya iwan nito. Sunod, tumama ang kanyang tiyan sa dulo ng kama at talagang masakit ito na hindi siya makatayo. Ganoon pa man, umalis siya nang walang paki. Nagsabi pa nga ito ng mga walang pusong bagay sa
Kumuha ng maraming atensyon ang mga pambibintang ng babae. Ganoon pa man, sinubukan ni Madeline na maging kalmado. “Madam, kayo po ang nakabangga sa akin ngayon lang. At, hindi rin po ako kasambahay ng Whitman.”Nagulantang ang babae. Saka tinignan ang suot ni Madeline. Isang ngiti ng panghahamak ang makikita sa elegante nitong mukha. “Hindi ka mukhang kasambahay. Para kang isang pulubi sa tabi-tabi.”Ganoon din, may mga tawa ang maririnig sa isang gilid. Subalit, ayaw nang makipagtalo ni Madeline. Nang paalis na siya, nakita niyang naglalakad si Meredith.Maganda ang suot nito at may makeup. Nang makita niya si Madeline, gulat na gulat ang mukha niya. “Ikaw pala iyan, Maddie.”Nang marinig ng babae ang sinabi ni Meredith, tinignan niya ito ng may galit. “Mrs. Whitman, kilala mo ang pulubing ito?”Nagulantang si Madeline. Inakala ng babaeng ito na si Meredith ang asawa ni Jeremy. Subalit, hindi naman ito itatama ni Meredith. Sa kabilang banda, binigyan niya pa ito ng isang ngiti.
Tatangayin na sana si Madeline papunta sa istasyon ng pulis. Sa pagkakataong ito, isang eleganteng babae ang naglakad papunta kay Mrs. Langford at bumulong.Agad-agad na nagbago ang mukha ni Mrs. Langford. Tinignan niya si Madeline nang hindi makapaniwala at saka sinabing hindi lamang sila nagkaunawaan.Hindi alam ni Madeline kung ano ang nangyayari. Nang tignan niya ang mukha ng babae, nakita niyang puno ito ng pandidiri sa kanya.Hindi mapalagay si Madeline sa tingin nito. Sa pagkakataong iyon, lumapit si Meredith.“Maddie, iyan ang nanay ni Jeremy. Ayos na ang lahat. Hindi mo na kailangang pumunta sa istasyon, pero kailangan mong mangako na hindi na uulit gagawa ng ganitong eksena.”Sambit ni Meredith sa isang nag-aalalang tono. Sinubukang magpaliwanag ni Madeline pero nakaalis na ang mama ni Jeremy habang puno ng dismaya sa kanya.Napasinghal si Meredith. Sumunod siya rito at nanatili sa tabi niya. Tila ba masayang-masaya silang magkasama.May mga tawa na namang naririnig si
Napabilis ang tibok ng puso ni Madeline sa hindi inaasahang matamis na pakikitungo nito. Namula rin siya nang bahagya.Itinaas niya ang kanyang ulo para tignan si Jeremy. Ang gwapo niya talaga kahit nakatagilid, subalit tila ba wala na namang paki ang mukha nito.“Andito si Lolo.”Sinabi niya ang tatlong salitang iyon nang malamig at agad itong naunawaan ni Madeline.Gusto lamang niyang magpanggap na maayos sila sa harap ng Old Master Whitman. Nanlamig na naman ang puso ni Madeline, at naramdaman niyang isang kabalintunaan ang lahat.Walang ibang tao sa hapag. Kung mayroon, si Meredith lang.Mabuti ang mga mata ni Old Master Whitman. Subalit, sa hindi maipaliwanag na dahilan, pamilyar siya. Tila ba nagkita na sila dati.Ang ikinagulat ni Madeline ay kung paanong hindi pinansin ni Jeremy si Meredith at inasikaso lamang siya nito upang mapasaya ang old master.Hindi lamang siya nito pinagdalhan ng pagkain, kundi pinagbalat pa siya nito ng hipon. Ito ang unang beses na nakita ni M