Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Lumabas si Madeline Crawford ng ospital, hawak niya ang test results habang nanginginig ang kamay. May mga luha sa kanyang mata, hindi mawari kung masaya ba siya o malungkot.“Miss Crawford, buntis po kayo.” Muli na namang pumantig sa isip niya ang mga salitang binitawan ng doktor.Tatlong buwan ang nakararaan, pinakasalan niya si Jeremy Whitman; siya lang naman ang nag-iisang young master ng isang prestihiyosong pamilya na kinaiinggitan ng lahat sa buong Glendale.Sa araw ng kasal, bawat babae sa lugar nila ay napuno ng inggit sa kanya. Inisip rin niya no’n na siya ang pinakamasaya at pinakamaswerteng babae sa buong mundo.Simula nang makilala niya si Jeremy noong sampung taong gulang pa lang siya, may isang binhi na ang natanim sa kanyang puso.Upang umabot sa lebel ni Jeremy at upang makuha ang atensyon nito, ginawa niya ang lahat para ma-i-ayos ang sarili sa nakalipas na labindalawang taon.Lagi niyang dama na tila ba galing sila sa magkaibang mundo. Para siyang isang nagwawa
Sumunod na araw, nagising si Madeline mula sa kanyang tulog.Bago pa man siya magising nang buo, isang kahon ng contraceptive pills ang ibinato sa kanya.“Inumin mo ito.”Inangat ni Madeline ang kanyang ulo at nakita niyang bihis na si Jeremy. Malamig at elegante itong tignan, ibang-iba sa bayolenteng demonyo na kasama niya kagabi.Nang tingnan niya ang kahon ng contraceptive pills, nanginig ang puso ni Madeline.Buntis na siya at hindi niya dapat ito inumin. Magiging dahilan ito para madeporma ang bata.“Bakit ayaw mong inumin? Gusto mo bang ipakain ko pa sa iyo?”Nang makita niyang hindi kumikilos si Madeline, nainis siya rito nang bahagya.“Madeline, sinasabihan na kita. Huwag mong subukan na dalhin ang anak ko. Wala kang hiya, kakagatin mo pa ang kamay na nagpapakain sa iyo. Hindi ka nababagay maging ina ng anak ko!”Tumusok ang mga salitang ito sa puso ni Madeline.Tag-init na, pero ramdam na ramdam ni Madeline ang malamig na simoy ng hangin sa puso niya.Akala niya ang
Natumba si Madeline sa lapag matapos sipain. Pinrotektahan niya ang kanyang tiyan nang hindi namamalayan. Bago pa man siya makapagpaliwanag, sinampal ulit siya ni Jon sa ulo.“Ikaw p*ta ka! Bakit naman papatayin ni Meredith ang sarili niya para sa isang kagaya mo! Ikaw ang dapat na mamatay.”Habang nagngingitngit ang ngipin, binitawan ni Jon ang mga salitang ito. Talagang sagad sa buto ang galit niya kay Madeline.“Papa, ayos lang po. Hindi talaga ako itinadhana kay Jeremy. Hindi ko po sinisisi si Maddie.” Rinig ang mahinang iyak ni Meredith mula sa kabilang dulo ng kwarto.Dumudugo ang gilid ng labi ni Madeline, at pumapantig ang ulo niya mula sa sakit. Tiniis niya lang ito at inangat ang ulo. Bilang resulta, nakita niyang nakasandal si Meredith sa dibdib ni Jeremy. Ganoon din, naramdaman niyang namumuo ang luha sa mga mata niya.Hagkan ni Jeremy ang umiiyak na si Meredith. Puno ito ng lambing tila ba pinoprotektahan niya ito.Nakakatuwa ang eksenang ito, subalit masakit ito sa
Hindi makilala ni Madeline kung sino ang babaeng kausap ni Meredith habang nilalait siya.Simula noong makapasok siya sa Crawford Family at makilala si Meredith, inisip niyang isa itong dalaga na mabait, mapagkumbaba, elegante, at mahinahon. Subalit, sa ngayon…“Galit na galit ako! Nagsayang pa ako ng oras para bumuo ng isang plano at para painumin si Jeremy ng inuming may droga. Nagtawag pa nga ako ng mga reporters para may ebidensya na kasama ko si Jeremy sa gabing iyon para pumayag na rin ang Old Man Whitman na ikasal ako sa kanila. Sino naman ang mag-aakalang mali ang room number na napuntahan ko at iba pala ang kasama ko sa gabing iyon, talagang aksidente pang sinuwerte si Madeline!”Ito pala ang katotohanan; ito ang totoong mukha ng isang mabuting kapatid na kunwaring humihingi ng awa para sa kanya ilang minuto lang ang nakararaan.Mabilis ang tibok ng puso ni Madeline. Talagang mababaliw siya sa mga naririnig niya.Ito ang babaeng pinakamamahal at pinakamabuti sa mga mata n